SIMULA

5K 108 17
                                    

"Sir, ipapaakyat ko na po ba dito sa department yung current plans ng company?" tanong ng sekretarya ko sakin. Tiningnan ko siya at tumango.

"Also, cancel all my appointments for today after this. Birthday ng pamangkin ko and I promised him na need kong pumunta don." saad ko sa sekretarya ko.

"Yes, sir. May gusto pa po ba kayong ibilin sir?" she asks and I shook my head.

"Wala na, Zeena. Ayos na. Salamat." I said and she nodded her head first before walking out of my office.

2 years have passed already since Primo ask me to marry him. 2 years have passed since I rejected him. Also, 2 years have passed since she was gone. 2 years na rin akong nagmamasid ng patago sa kanya.

Kinabukasan ng umalis si Dee, I immediately book a flight to America. I know where she lives there. She told me once nung kami pa. Imposible namang magbago sila agad ng address. Anyways, I followed her and saw how devastated she look. Gustong gusto ko siyang lapitan non. I want to hug her. Say sorry to her. Be with her. But I stop myself.

Hindi sa torpe ako pero pinigilan ko yung sarili ko. Gusto ko kapag naging akin siyang muli maayos na ko. Wala ng regrets. Wala ng sama ng loob. As in maayos na maayos na talaga. For me kasi that's what I called being a man on my own way.

Two years ko na siyang pinagmamasdan patago, yes. I hired a private investigator so I can know what is happening in her life. But this past few months hindi ko na itinuloy yung pangiistalk ko sa kanya dahil alam kong kung kami talaga ay gagawa ng gagawa ang fate para paglapitin kaming muli.

...
Sumapit ang alasingko at nagoff na ko sa trabaho. After two years of redeeming myself, I earned the comoany back. Ako na ngayon ang nagpapatakbo nito. Our company is bigger before pero not to boast or anything naging mas lalo pa itong naging successful ng hinawakan ko ito.

"Good evening, sir. Nakahanda na po ang sasakyan niyo." saad ng guwardiya. Tinapik ko naman siya sa balikat at nagpaalam na.

Before I drive away, tumingin ako sa likod at nakita ang regalo ko. Masyadong spoiled sakin tong bata na to.

...
I pulled at their driveway at bumaba na dala ang regalo ko. Kiana and Paolo live together in this house built by Primo. Simula kasi ng malaman namin na nabuntis ni Paolo tong si Kiana. Mom didn't hesitate to make them live in one house. Hindi pa nga lamg sila kasal. But it's for the sake of my pamangkin.

About Primo naman, we're friends. His parents accepted my decision and supports me. He, on the other hand, naghahanap parin ng one true love niya.

"Tiwo Wai." saad ng maliit na bata na tumatakbo papunta sakin. I catch her and carried her. I gave her a kiss and she giggled.

"How was my beautiful pamangkin?" I asked and she just giggled. Rianne Harritte Santos became my temporary salvation after Dee left.

Ako yata yung pinakamasayang Tito ng isilang siya. Daig ko pa si Paolo sa sobrang saya. She was a blessing for me.

"Late ka na naman, Kuya." saad ng kapatid ko. Kinaltukan ko naman siya gamit ang isa kong kamay.

"Galing akong trabaho diba? Atsaka nagaway na naman ba kayo?" tanong ko at umirap lang siya sakin. Pinapasok na niya ako sa loob at nandon na ang parents ko and our friends. Lumapit ako kay Paolo at ibinigay sa kanya ang anak niya.

"Nagwarla na naman ba kayo?" tanong ko at bumuntong hininga na naman siya. "Mahal ka ng kapatid ko, Paolo. Please understand her." sabi ko.

"Eh, mamsh. Hindi ko kasi mapigilan sarili ko. Alam mo naman ako mas bali pa to sayo. Marupok ako sa guys." sabi niya.

"Pero mas marupok ka sa kanya." komento ko at namula naman siya. "Suyuin mo na lang. Ngayon pa ba kayo mag-aaway kung kelan may anak na kayo." payo ko at tumango naman siya. Binati ko naman sina Jade na kasama si Primo at Hana na kumakain.

"Ay, may news aketch, mamsh." saad ni Primo. Nilunok naman niya ang kinakain niya muna bago muling nagsalita.

"Diba kakabalik ko lang from the States. Syempre di ko papalagpasin birthday ni Rainne no. Anyways, babalik na siya mamsh. Anong plano mo?" tanong niya sakin.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko. Kinakabahan ako na naeexcite. Babalik na naman siya. Kamusta na kaya siya? Parang isang taon narin ng mula ng makarinig ako ng balita sa kanya.

"Oo, Kai. Ewan ko pero huwag kang mahuhurt kung may iba na ah. Nakikita kasi namin yung mga post niya." saad naman ni Jade.

"Funny how the tables have turned." komento ni Hana na hinampas naman ni Primo. Napaaray naman si Hana at sinamaan ng tingin si Primo.

"Well, nagawa niya nga akong agawin ng meron ng kasintahan eh. Syempre dapat ako ganon rin. Mas lalo akong hindi papakabog. Atsaka asawa nga naagaw eh. Kaya may pag-asa pa ako." sabi ko at pumalakpak naman si Primo sa speech ko.

"I like the fighting spirit, mamsh. Bukas na daw balik eh." saad niya at nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bukas? As in bukas?" paguulit ko at umirap naman sakin yung tatlo.

"Pajulit julit lang, Mamsh? Oo bukas nga." mataray na sagot ni Primo sakin.

Okay, Kai. Calm down. You promise yourself na pag bumalik siya ikaw mismo ang haharap sa kanya. May boyfriend man siya o wala.

...
Simula mga bes. Hehe. Bilis diba😂

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon