Kabanata 20

1.5K 48 10
                                    

Kinabukasan ay pumasok nako sa opisina. Nakakabagot na rin kasi sa bahay atsaka kailangan ko ring lumabas masyado na akong naisolate sa bahay kahapon.

"O, aalis ka?" tanong ni Mommy ng makababa ako. Napatigil naman ng pagbabasa ng dyaryo si Daddy.

"Papasok po ako. Nakakabagot dito sa bahay atsaka baka need ako ng shop." sabi ko at tumango naman siya. Umupo naman ako sa dining table at nagsimulang kumain. Napaubo naman si Dad kaya napatingin ako sa kanya.

"Nandyan si Kai sa labas. Hinihintay ka." sambit niya at tumango lang ako. Bakit ba kasi ang kulit kulit ng lalaking yon?

"Uhm, manang. Pakitawag po si Kai sa labas. Baka hindi pa nagbebreakfast yong batang yon." utos ni Mommy kay Manang minadali ko naman yung kinakain ko at tumayo na kahit hindi ko pa nauubos yung pagkain ko.

"Alis na po ako." saad ko. As much as possible ayoko munang makita si Kai, I know na sobrang babaw ko na naman pero kasi pagdating sa kanya ang rupok rupok ko. I want to be strong for myself so kapag handa nakong marinig side niya ay okay lang sakin. Watever the outcome is okay na ako.

"Hindi mo manlang ba uubusin pagkain mo?" tanong ni Mommy sakin na napatayo rin ng nakitang aalis nako.

"Hindi na po. Okay na ako." saad ko at sabay naman nito ang pagdating ni Manang.

"Madam, andito na po." saad ni Manang kay Mommy. Hindi ko tiningnan si Kai at naglakad na palabas.

"Dee..." tawag niya. "Uhm, una na po ako Tito at Tita. Sa office na lang po ako kakain." narinig kong sabi niya and I started to get worried. Tsk. Dee itigil mo yang karupukan mo.

"Dee, usap naman tayo o. Nababaliw na ko eh." sabi niya ng makalabas na kami sa bahay. Kahit anong pagmamadali gawin ko ay naabutan parin niya ako. Damn his long legs. "Dee... O sige hindi na lang kita kakausapin basta ihahatid kita. Okay na ako don." sabi niya sakin.

"I can drive." saad ko habang papunta ako sa sasakyan ko.

"Kahit ito lang, Dee. Kahit ipagdrive lang kita okay nako. Kahit hindi tayo magusap sa loob ng sasakyan. Please, Dee." pagmamakaawa niya sakin. Seeing him begging making my heart clench. Sobrang mahal ko tong gagong to eh.

"I can drive on my own, Kai. Kaya kong mag-isa. I told you yesterday na give me space diba. Ano bang hindi mo maintindihan don?" saad ko sa kanya. Pinipigilan kong hindi umiyak sa harapan niya.

"Sorry. Pero katulad ng sinabi ko kahapon. I wanted to give you space you wanted. Pero natatakot ako sa outcome eh kaya konting distance lang ibibigay ko. Ayoko ng space o ano. Drive safely." sabi niya sabay ngiti sakin. Agad agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaandar ito. Saktong paglabas ko ng gate ng bahay namin ay tumulo na ang luha ko.

...
Lunch na at kakatapos ko lang magkwenta ng monthly kita namin sa shops. Nakakapagod kasi pinadala na rin sakin ng kaibigan ko sa States yung kinita doon at kailangan ko ring asikasuhin yun. Magbabayad ng tax ganon. Habang nagliligpit ako ay may kumatok naman sa opisina ko.

"Maam, si Sir Pogi po andyan pinapabigay to tapos sabi niya kumain daw po kayo." saad niya sabay lapag ng flowers at jolibee sa lamesa ko. "LQ kayo Maam?" pag-uusisa ni Apple.

"Alam mo chismosa ka. Maglunch ka na rin." sabi ko at nagpeace sign naman siya sakin. Pano ko iiwasan tong si Kai kung laging ganito. Napatingin naman ako sa tumunog kong cellphone hudyat na may text ako.

 Napatingin naman ako sa tumunog kong cellphone hudyat na may text ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inignora ko lang ito at kinain na yung pinadala niya.

...
Kinagabihan ay nagulat akong nandon na naman siya sa labas. Hindi na siya pumasok sa shop at nasa labas lang siya naghihintay. Nakasandal siya sa kotse niyang nakapark sa tabi ng kotse ko.

"Susundan lang kita. Gusto ko kasing makitang safe kang makauwi. Marami pa namang gagong driver pag-uwi." sambit niya. Lord, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob para hindi magbreak down sa harapan niya. "Go on, maggagabi na. Ay wait, oh." saad niya sabay abot sakin ng isang bouquet ng flowers ulit. Ilang pera na ba nagagastos nito kakabigay ng flowers.

"Aanhin ko yan?" masungit na utal ko. Yan, Dee ganyan lang dapat hindi tayo marupok.

"Ahh, wala. Bigay mo kay Tiya kung ayaw mo." kakamot kamot sa ulo niyang sabi. Tinanggap ko ito at nilagay sa backseat ng sasakyan ko. Nararamdaman ko ang titig niya kaya medyo natapilok ako. Bigla siyang pumunta sa tabi ko at inalalayan ako.

"Okay ka lang?" tanong niya at naoatingin ako sa kanya at sa distansiya namin.

"Yes. Aalis nako." sabi ko sabay dali daling pumasok sa sasakyan ko. Hindi ko na siya hinintay na pumasok sa kotse niya agad kong binuksan ang sasakyan ko at pinaandar ito. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko siyang kumaway sakin habang papasok ako sa pintuan namin. Napasandal naman ako sa pintuan namin at napabuntong hininga.

"Bakit kasi kailangan may patapilok ka pang nalalaman, Dee?! Tanga tanga." galit na bulong ko sa sarili ko para na siguro akong sira na kinakausap ang sarili ko.

"Oh, nandyan ka na pala, anak. Kanino galing ang bulaklak?" usisa ni Mommy at tiningnan ang bulaklak na hawak ko at ako.

"Sa inyo daw po iyan sabi ni Kai." saad ko sabay abot sa kanya ng bulaklak. Nagulat ako ng biglang tumawa si Mommy sakin.

"Hay nako anak. Bakit napakadense mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung maooffend bako o ano sa sinabi niya sakin. "Para sayo talaga yan. Anak, hindi ko alam kung anong pinag-awayan niyo pero nakikita ko naman kung paano mag-effort si Kai na suyuin ka. Ikaw rin pag pinatagal mo pa baka sa isang iglap wala ng mangungulit sayo. Sa mga ganyang bagay okay lang na marupok tayo kasi atlis alam natin na may sense naman pagiging marupok natin." payo niya sakin. Tinanguan ko lang siya.

"Akyat na po ako." saad ko at dinala na ang bulaklak na bigay ni Kai. Tingnan mo pati nanay ko napaikot na ni Kai sa kanya. Kung ano ano na pinagsasasabi. Pero napaisip naman ako sa sinabi niya kanina pano kung bigla na nga lang magsawa si Kai. Alam kong ako na naman ang tatanga tanga kasi hindi ko kaagad pinatawad pero masisisi niyo ba ako sa nakita ko. To see is to believe ika nga nila. Tong nanay ko kasi eh sasabay pa sa pagpapagulo ng isip at puso ko.

Pagkaakyat ko ay agad kong nilagay sa vase ang bulaklak kasama ng mga bago niya pang bigay na bulaklak. Pagtapos kong gawin yun ay agad akong nahiga sa kama ko. Tumunog naman ang phone ko at tiningnan ko ito.

 Tumunog naman ang phone ko at tiningnan ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anlakas talaga ng lalaking to. Hindi ko kinakaya pampakilig nito. Okay, Dee, kalma.

...
Double update. O last 10 chapters agad. HAHAHAHHA sht. Ambilis. Anyways, enjoy reading. Xx

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon