Nagising ako ng wala na si Kai sa tabi ko. Tanghali na naman ako nagising naalala ko na may gagawin pala ako ngayon. Dahan dahan akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Sakto namang dumaan ang isang kasambahay namin.
"Ang Sir mo?" tanong ko.
"Good morning, Maam. Nandon po sila sa pool. Nag-aya po kasi ang mga anak niyo, Maam." saad niya sakin.
"Hindi ba siya papasok?" tanong ko at umiling naman ito.
"Sabi niya po nagleave siya ngayon kasi may nararamdaman siyang mabgyayari." saad niya at tumango na lang ako. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at tinungo ang pool area namin.
"O, bakit hindi ka nagpatulong bumaba?" tanong ni Kai na nakasalubong ko papunta sa pool area.
"Bakit kailangan ko pa ng tulong eh andali dali lang bumaba diyan." sabi ko at napabuntong hininga naman siya.
"Dee, buntis ka. Mamaya madisgrasya ka pa." saad niya at napairap naman ako.
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko sa kanya habang inaalalayan niya akong maglakad palabas.
"Tinamad ako. Atsaka kaya na naman nila yon." sambit niya.
"Mommy." sambit ng dalawang bata at hinalikan ako.
"O, dahan dahan mamaya madali niyo si baby." sambit ni Kai sa kambal niya.
It's been five years simula ng makasal kami ni Kai at dahil gusto niya ng surebol ayan nakadalawa siya agad sakin. Kambal agad ang unang labas. Okay sana kung babae dahil yun ang gusto ko eh. Hindi dalawang makukulit na lalaki ang binigay samin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil malalambing ang mga batang ito.
"Ang aga pa para magswimming kayo ah." sambit ko.
"Kasi po nandito si Daddy eh. Miss na po namin siya." saad ni Jay.
"Opo, Mommy." sang-ayon ni Jake. Ang pinagkaiba ng kambal ay si Jay ay medyo chubby samantalang si Jake ay payat.
"Oo na, sige na. Mag-enjoy na kayo diyan." saad ko at umalis na sila at nagpatuloy sa swimming.
"Misis ko, o. Kumain ka na ng almusal. Hindi na kita ginising kanina mahimbing tulog mo eh." sambit niya sabay abot sakin ng cereal. Nilapag naman niya ang gatas sa may lamesa.
"Nakakain na ba ang mga bata?" tanong ko habang kumakain.
"Oo, nilutuan ko sila. Ako hindi mo ba ako tatanungin?" tanong niya at tiningnan ko namans siya.
"Malaki ka na. Bakit pa kita tatanungin eh alam ko namang kakain ka ng almusal." saad ko at napangiti naman siya sakin.
"Ito naman. Naglalambing lang ako." sambit niya sabay lapit sakin at halik sa pisnge ko hindi ko siya pinansin. Kabuwanan ko ngayon anytime ay lalabas na tong bata sa sinapupunan ko. Hindi namin inalam ang gender ng bata dahil gusto namin surprise ito.
Habang umiinom ako ay naramdaman ko ang basa sa hita ko. Nakita kong nakikipagusap si Kai sa kambal.
"Kai!" sigaw ko at unti unting tumayo. "Pumutok na yung panubigan ko." sabi ko sa kanya at dali dali naman siyang pumunta sakin.
"Manang, pakibihisan na po yung mga bata tas sumunod sa hospital sakin ha." sigaw ni Kai. Medyo kalmado na siya ngayon dahil pangalawang beses na nga namin to. Binuhat niya ako at agad na sinakay sa kotse niya. Binigay naman ng isa sa katulong namin ang Baby bag.
"Sumunod po kayo agad samin ah." saad niya at pumasok na upang magdrive.
"Kaya mo pa?" tanong niya at pinaandar na ang sasakyan.
"Oo, nakadalawa ka na nga hindi ko oa ba kakayaning to. Bilisan mo na lang." saad ko at pilit na kinakaya ang sakit. Tumango lang siya sakin at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Pagdating namin sa hospital ay agad kaming inasikaso doon dahil nga maimpluwensiya siyang tao kaya may special treatment siya. Agad naman akong pinasok sa OR dahil malapit na daw talaga lumabas ang bata.
"Okay, wala amg nakaassign na doctor sayo pero I will make sure. Misis at Mister na safe kong maidedeliver ang bata. Tinurukan na ako ng anesthesia.
"Okay, ready Misis. One, two, three push." saad ng doctor at umire naman ako. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ni Kai habang umiire. Hindi katulad noon na nahirapan ako manganak. Ngayon nakalimang ire lang ako at lumabas na agad ang bata. Hinihingal na napangiti ako.
"Meron pa pong isa Misis. Kaya pa po ba?" tanong ng doctor at halos manlaki ang mata niya sa narinig. May isa kasing session ng doctor na hindi ko siya sinama at dun ko nalaman na kambal na naman ang magiging anak namin. Umire na ako at mabilis naman itong nakalabas.
"Congratulations po, dalawa pong malulusog na babae ang meron kayo." saad ng doctor at ibinigay sa akin ang isa at kay Kai naman ang isa.
"Hindi ko alam na dalawa ulit." saad niya at nakita ko ang unti unting pagluha niya.
"May isa akong check up na hindi ko pinaalam sayo dahil ramdam ko na dalawa ulit sila. Sabi ko tatlo lang eh. Panalo ka na naman." saad ko at tumawa naman siya. Kinuha naman ulit ng nurse ang kambal para icheck. Hinalikan ako ni Kai at napapikit nako.
...
Nagising ako sa ingay sa loob ng kwarto. Hindi ko man kang namalayan na nalipat na pala ako."Ang kyut kyut, Kuya." narinig kong sambit ni Kiana.
"Ang ingay mo, Kiana." saway ng Kuya niya at alam kong inirapan lang siya nito. "Gising ka na pala." saad ni Kai at ngumiti ako.
"Mommy, you're awake na." saad ni Jay at Jake at hinalikan ako. Napangiti ako sa kasweetan ng dalawa.
"Anong ipapangalan mo sa kanila iha?" tanong ng Mama ni Kai.
"Di ko pa po alam, Ma. Kayo po ba may naiisip na ipangalan?" tanong ko sa kanila at kanya kanyang isip naman ang lahat. Ganito rin namin nakuha ang pangngalan ng unang kambal namin.
"Kung Zsazsa at Zia kaya?" suhestiyon ni Paolo. Hinampas naman siya ng asawa.
"Ang panget nun, love." saad nito at napatango naman si Paolo.
"Lorelei at Leilani." sambit ni Kai at napatingin naman ako sa kanya.
"Ano yun mahal?" tanong ko at ngumiti siya sakin.
"Lorelei tsaka Leilani." sambit niya ng mas malakas at sinang-ayunan naman ito ng marami. Habang abala ang lahat sa pagtingin sa bagong kambal ay hinawakan naman ni Kai ang kamay ko at hinalikan ito.
"Salamat sa lahat, mahal. You made me the happiest man ever." saad niya.
"No, thank you, mahal. Kung hindi ka nagpursigi na kunin ako ulit noon ay hindi tayo hahantong dito. You made me the happiest woman ever." saad ko at agad naman siyang lumapit sakin para halikan ako.
"Eww. Look, Jake. Daddy is kissing Mommy." saad ni Jay at nagsitawanan naman kaming lahat.
...
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...