Nandito parin ako sa tapat ng restaurant at hindi pinapansin si Kai na pilit akong pinapatingin sa kanya.
"Please, Dee let me explain. Hindi naman yun kung anong nakita mo. Please." saad niya ngunit hindi ko naman soya pinansin.
"Dee...." tawag niya na nagmamakaawa. Tuloy tuloy parin yung tulo ng luha. Hindi ko alam kung paano niya naaatim na magstay dito sa tabi ko para magpaliwanag dahil una sa lahat wala talaga akong paki sa ipapaliwanag niya.
"Ayan ka na naman eh. Hindi mo na naman ako hahayaang magpaliwanag." sambit niya at don ako napatingin sa kanya.
"So sinusumbat mo sakin ngayon. Nakita ng dalawang mata ko kung anong gusto nitong makita. Malinaw na malinaw." saad ko at napailing na lang siya.
"Kaya nga ako nandito kasi gusto kong magpaliwanag. Dee, mahal kita at kung ano mang iniisip mo ngayon ay hindi ko kayang gawin sayo." saad niya at napatingin kaming pareho sa langit ng bigla itong kumulog.
"Nagawa mo na nga ng maraming beses, Kai. Please let me go. Bigyan mo ko ng space para makapagisip. Please." pagmamakaawa ko.
"Natatakot akong bigyan ka ng space, Dee. Hindi ko kasi sigurado pagnanghingi ka na ng space sakin eh. Hindi ko sigurado kung akin ka pa pag binigay ko sayo yun eh. I wanted so badly to be selfish. I wanted you to be here for me, to let me explain my side. Please let me have another chance to make things right." pagmamakaawa niya at kasabay tulo ng luha niya ay ang buhos ng ulan. Saktong dumating naman ang taxi sa tapat ng restaurant.
"You have all the chance you can get, Kai. Please just once like I said before, ako muna." sambit ko sabay sakay sa taxi. Habang papalayo ang taxi na sinakyan ko ay nilingon ko siya. Funny how I see his old self noong iniwan ko rin siya noon.
...
The next day ay hindi ako pumasok. Nagising ako sa dami ng tawag na galing kay Kai, Kiana, Primo at Paolo. Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pagring ng phone ko. Hinahayaan ko lang ito para malowbat at hindi na nila ako makontak. Nakatulala ako ngayon na nakatingin sa kisame.Hindi ko alam kung tama na naman ang naging desisyon ko. Mom said na ipaglaban ko kung anong meron kami ni Kai. Masyado na naman ba akong nagsarili. Ang rason ko naman is gusto kong magmuni muni ng sarili ko. If what I saw is different from Kai's perspective, edi tatanggapin ko yun pero ngayon gusto ko munang mag-isa. A knock erupted from my door.
"Anak... Nandito si Kiana." saad ni Mommy bago buksan ang pinto. Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at nakita si Kiana kasama si Rainne.
"Hi, Tita Dee." diretsong sabi ni Rainne sabay lapit sakin at niyakap ako. Mukhang nabrief ni Kiana tong anak niya ah. Sinara na ni Kiana ang pinto at lumapit sakin.
"Kuya told me what happen. Please, Ate Dee. Let Kuya explain." sabi niya sakin at bumuntong hininga ako at bumitaw naman si Rainne sa pagkakayakap sa akin at nahiga sa kama ko. Napangiti naman ako.
"I just need more time for myself muna, Kiana. Alam na ni Kai yun. Pag okay na ako mismo makikipagusap sa kanya. I promise." sabi ko at tumango naman siya.
"I am worried for the both of you. Kay kuya kasi baka maging katulad na naman ng dati. Sayo din Ate Dee kasi baka mahirapan ka ulit. Hay buhay." saad niya sabay tabi sa anak niya.
"Don't worry, Kiana. Ako mismo ang aayos kapag okay na ako." saad ko at tumango naman siya.
"We are here to invite you rin sana. Birthday ni Rainne next week. Mag-Batangas kami." sambit niya at bigla namang sumingit ang anak niya.
"Pwease come, Tita Dee." mukhang brief na brief ang anak nito. I smiled and hug her again.
"Yes, please come. I know it would be hard because Kuya will be there pero for mine and Rainne's sake please come with us." pagmamakaawa niya.
"Okay, okay. Kayong mag-ina kayo sobra kung mamilit. I'll come with you but please don't let Kai know." sabi ko at tumango naman siya.
"Ate Dee, kuya knows his distance. Pag nagbigay ka ng go signal na lumapit siya tsaka lang yun lalapit." sabi niya and I nodded in agreement. I think this beach outing will take my mind off in this mess I am experiencing.
...
After umalis nila Kiana ay tsaka ko inopen ang cellphone ko. 489 missed calls and 1235 unread messages coming from Kai, Kiana, Paolo and Primo. I marked all of them as read pero hindi ko naman talaga binasa. Buti at nagstop na yung pagring ng phone ko."Anak, nandito si Kai." tawag ni Mommy sakin. Halatang hindi niya alam ang nangyari.
"I'm not in the mood to talk to him, Mommy." sabi ko at alam kong papasok na yon dito kapag umalis na si Kai and as if on cue pumasok nga si Mommy.
"Nag-away ba kayo?" tanong niya and I sighed. She hugged me and I hugged her back. "Whatever it is, please let him explain. Communication is the key sa relationship anak. Kapag wala kayo non, wala ding relationship." payo ni Mommy.
"Pero hindi po ba pwedeng humingi ako ng alone time para sa sarili ko. Para makapagisip ganon." argue ko kay Mommy.
"Bakit ka ba nagmana sakin na pakipot masyado." saad niya at natawa naman ako. "It's okay to ask for time. I mean all of us need it. Some use it as a space to think. Some use it as a way of breaking up from something that hurts them so much. Pero sana anak katulad din kitang ginagamit ko lang ito para mag-isip. The both of you deserves to be happy with each other. Kung ano mang pagsubok itong pinagdadaanan niyo, I hope na malagpasan niyo ito. Hindi naman sa pagiging masyadong boto kay Kai pero he makes a better version of you and him as well." sabi ni Mommy. Hindi na lang ako kumibo at niyakap na lang ng tuluyan si Mommy.
Sometimes distance makes the heart grow fonder kaya kahit mahirap titiisin ko muna. This is for myself naman eh. Atlis kapag nasa tamang pag-iisip nako ay makakausap ko na maayos si Kai and I can settle things between us.
...
Update. enjoy reading. Xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...