Kabanata 18

1.3K 53 14
                                    

After two weeks, ganon parin ang nangyari. Kai always text me na hindi niya ko masusundo for so many reasons. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kinakabahan ako everytime na nagtetext siya ng ganon. Pero nitong mga nakaraang araw madalang na rin yung texts niya sakin. Hindi katulad noon na sobra siya magpaliwanag kung hindi niya ako masusundo.

Something really change nung dumating yung childhood bestfriend niya. Hindi ko naman sinisisi si Riana pero lagi din kasi siyang nadadawit sa mga text kaya hindi ako nasusundo ni Kai. Kiana told me na busy lang daw talaga ang Kuya niya sa work. I mean, I don't doubt her. Sadyang hindi lang talaga mapalagay ang loob ko.

Again, hindi na naman niya ako masusundo. Hindi naman ako nagreklamo kasi naiintindihan ko naman kung work talaga. Siguro napaparanoid lang ako.

"Anak,magbebreakfast ka ba dito?" tanong ni Mommy habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Hindi na, Mom. Dun nalang sa shop. Bye po." sabi ko sabay halik sa pisnge niya as a sign of goodbye.

"Okay, ingat ka ah." paalam niya. Dahil nga hindi na ako nasusundo at nahahatid ni Kai ay dinadala ko na rin ang kotse ko papasok. Sayang ang pera kapag nagtaxi ako araw araw.

Pagdating ko sa shop, nagulat ako at maraming tao dito. Naalala kong may sale nga pala kami ngayon.

"Morning, Maam." bati ni Apple sakin. Iniabot ko sa kanya ang bag ko.

"Pakilagay nito sa office. Ako muna bahala dito." utos ko at tumango naman siya. Bumuntong hininga ako at nagsimulang magtrabaho.

...
Tanghali na ng medyo humupa ang tao. Minsan lang kasi ako magpasale sa shop. Dahil mahirap ang shipping ng mga damit mula Statrs papunta dito. Kaibigan ko ang nagmamanage ng shop ko sa States dahil nga growing na ang business ko minsanan na lang kung magdesign ako mismo ng damit. Naghire ako ng personal na magdedesign ng mga clothes na ibebenta namin. Of course may say parin ako sa mga designs niya.

"Ay, Madam. May bisita ka." sambit ni Rhea sakin sabay nguso sa likod ko. Nakita ko si Kai na may dalang bulaklak na nakangiti sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at tinanggap ang dala niyang bulaklak. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Namiss kita, shit." bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko. Bwiset naman tong lalaking to. Nagtatampo ako sa kanya eh.

"Akala ko ba may trabaho kang marami now?" tanong ko. Hindi parin siya umaalis sa pagkakayakap sakin.

"Nagout muna ako saglit. Nakakastress eh. Tara lunch." sabi niya sabay hila sakin pero hindi ako nagpahila. "Again, I'm sorry." sabi niya at hinapit ako sa kanya at hinalikan ng matagal sa pisnge.

"Grabe ka magpamiss no? Sapukin kaya kita." saad ko sa kanya at tumawa naman siya dahil don ay nagsitaasan naman ang mga balahibo ko.

"Tara na. Late na lunch natin." sabi niya sabay hila sakin.

"Saglit lang. Hindi pa ko nakakapagbilin sa kanila." sabi ko habang pumipiglas.

"Kami na bahala dito, Maam. Enjoy kayo ni, Sir." saad ni Rhea sakin at ngumiti lang ako sa kanya.

"Pag may problema tawagan niyo lang ako ah." pahabol ko bago kami makalabas sa store ko. "San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hila hila niya ako.

"Kakain lang. Di kita ulit masusundo mamaya ah." sabi niya at tumango naman ako. Ayan na naman yung kakaibang feeling na meron ako. Ano ba naman yan, Dee. Wag kang paranoid.

...
Kinabukasan ay nagtext sa akin si Kai na kitain siya sa isang restaurant sa Metro. Babawi daw ulit siya sa mga pagkukulang niya nitong nakaraang dalawang linggo. Naguguilty kasi siya na hindi niya na ako natetext sa sobrang busy niya. Hindi naman daw niya maiwan iwan ang kompanya dahil nagsidatingan yung mga investors na dineal niya sa London non.

Maaga akong nagout sa shop ko dahil kailangan kong mag-ayos. Formal daw ang theme ng kakainan namin kaya need ko daw magdamit ng formal. Hindi naman niya sinabi kung bakit pero syempre sumunod na lamang ako.

"Manong, pahatid na po ako." saad ko sa driver namin. Nagpahatid na lang ako dahil panigurado namang si Kai ang maghahatid sakin sa bahay.

"Ay wait lang po, Maam." sabi niya sakin at tumango naman ako.

"Napapadalas ang paglabas ninyo ni Kai, anak. Kayo na ba ulit?" tanong sakin ni Mommy. Issue din tong nanay ko eh.

"Hindi pa po, Mom. Nanliligaw po ulit siya." saad ko at tumango naman siya.

"Sana lang ay maging kayo na this time. Wala ng hadlang basta anak kapag kayo kayo talaga ha. Kahit ano pang pagsubok yan kapag mahal niyo ang isa't isa babalik at babalik parin kayo sa isa't isa." payo niya sakin at niyakap ko naman siya.

"Thanks, Mom." bulong ko. Narinig ko naman ang yabag ng paa na pababa sa hagdan.

"Pwede ba akong makijoin sa hug niyo na yan?" tanong ni Dad at tumawa naman si Mommy at nagyakapan kamk ulit.

"Sige na po. Alis na po ako." sabi ko sbaay halik sa mga pisnge nila. I am always thankful that I have parents like them. Kung wala sila syempre wala rin ako sa mundong ito.

.
Nakarating na ako sa mismong place. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi muna ako lumabas dahil kinokondisyon ko yung nararamdaman ko. Alam mo yung kasabihan na kapag ang babae ay nagkagut feeling matakot ka na because lagi itong katotohanan. Tamang hinala kumbaga. Ayoko namang hindi magkaroon ng trust kay Kai.

"Hay, napaparanoid ka lang Dee." bulong ko sa sarili ko. "Thank you po, Kuya ah." saad ko sa driver namin at lumabas na. Sobrang fancy nga ng restaurant na ito. Tama lang na nagsuot ako ng formal. Pagpasok ko ay agad akong tinanong ng waiter kung may reservation daw ba ako.

"Uhm, Kai. Kai Buenaventura." saad ko sa kanya at tumango naman siya.

"This way, Maam. Kanina pa po kayo pinapahintay ni Sir." saad niya sakin habang pumupunta kami sa VIP area ata ng restaurant na ito.

Saktong pagbukas ng pintuan ay nakita ko si Kai kasama si Riana sa table. Mukhang may pinag-uusapan sila. Marami ring guest sa VIP area pero hindi ko alam kung bakit napako ang tungin ko sa kanila. Nakita kong may binulong si Riana kay Kai at niyakap niya ito. Nakita ko rin ang paghalik ni Riana kay Kai. Alam kong sa labi iyon 20/20 vision ko no. Doon palang ay parang sinaktan nako ng paulit ulit. Ni hindi man lang humiwalay tong kupal nato.

Natigil lang sila sa paglalandian nila ng agawin na ng waiter ang atensyon nila. Napatingin sakin si Kai at humiwalay ng unti kay Riana. Napailing na lang ako at lumabas na. Nagsimula ng manubig kasi ang mata ko at ayoko sa lahat ay yung makikita akong muli ni Kai na umiiyak ng dahil sa kanya.

Nakakainis lang kasi tinulungan niya kang buuin tapos ngayon sisirain na naman niya ko. Parang nanggagago na ata tong lalaking to.

"Dee, sandali. It's not what you think." saad niya ng mahabol niya ko.

"It's not what you think mukha mo. Bullshit ka." bulyaw ko at nagsimula muling maglakad. Hindi ko inaasahan na yung pinagkakaabalahan pala niya this past few weeks ay ang haliparot niyang chuldhood bestfriend. Tama nga sila na dapat kaming magtiwala sa mga gut feeling namin.

...
Double update. Hindi naman ako nagmamadaling tapusin to. Hindi talaga. HAHAHAHA hindi pa tapos yang scene na yan bukas na lamg ulit. Enjoy reading.xx

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon