Kabanata 5

1.8K 57 6
                                    

Nakita ko naman ang pagparada ni Dee sa sasakyan ni Kyle sa Burger King. Bakit dito naisipang kumain nito? Tanong ko sa sarili ko. Agad akong nagpark katabi ng sasakyang gamit niya at bumaba na.

"Bakit dito?" tanong ko at nagsmile lang siya sakin at grabe natunaw ako sa ngiting pinakita niya sakin. Ibang klase.

"Nagcrave ako bigla ng Burger. Tara na. Libre mo diba?" sabi niya sakin at sumunod naman kaming dalawa ni Kyle. Agad kaming nagorder.

"Libre mo rin ba lunch ko?" tanong ni Kyle at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Bakit? Nililigawan ba kita? Neknek mo." saad ko at kinuha na ang tray na naglalaman ng pagkain ko at ni Dee.

"Sus, baka nga ako pa sulutin mo." narinig kong bulong niya.

"Hindi mangyayari yun dahil masyadong malakas ang potion na ginamit ni kupido bilang pamana sakin para mahilog kay Abcde." bulong ko pabalik.

"Uh, sir. Sa inyo po?" nahihiyang sambit ng kahera. Mukhang narinig ang sagutan namin. Iniwan ko siya doon at pumunta na sa kinaroroonan ni Dee.

"Bakit mo ba kasama yung asungot na yon?" tanong ko kay Dee. Ikinunot naman niya ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Dumalaw sa shop kanina. Aalis na daw siya mamaya eh." saad niya at napangiti naman ako.

"Good for him. Sana huwag na siyang bumalik." bulong ko.

"Ano yon?" tanong ni Dee at nginitian ko lang siya.

"Wala. Kain ka na." sabi ko at tumango lang siya. Umupo naman si Kyle sa tabi ni Dee at sinamaan ako ng tingin. Masasampal ko ng di oras to.

"Dee, ihahatid mo ba ako mamaya?" tanong niya at umakto na wala ako sa harapan nila.

"Hindi, Kyle. Nandiyan kasi sina Mommy at may pupuntahan daw kami mamaya. May dinner daw somewhere." sabi ni Dee na ikinalungkot naman ng isa. Ikinatuwa ko naman ito.

"Huwag kasi tayong umasa." parinig ko at masayang kumagat sa burger ko.

"Ikaw din ha." balik na parinig ni Kyle sakin. Umiling na lang si Dee at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Ilang minuto pa kaming nagstay sa restaurant na ito dahil parang wala ako sa harapan nilang dalawa. Kung makaasta sila parang nagdedate sila at anino lang nila ako. Nung sinabi kong ito ang pinakamagiging worst kong lunch. Totoo iyon.

Napagpasiyahan na ng dalawa na umalis na kaya tumayo na rin ako. Nakasunod lang ako sa kanila at nawala na ang mood kong patulan pa ang lalaking to. Nakita ko silang nagyakapan at awkward naman akong pinagmamasdan sila.

"Tara na." saad ni Dee ng makaalis na si Kyle. Tumango naman ako at wala ng sinabi sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay naman siya. Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at tahimik na nagmamaneho.

"Anong problema mo?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at pinokus ang sarili ko sa pagdadrive. Saktong tumunog naman ang phone ko kaya agad kong kinonekta ito sa earphone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Kuya, may dinner mamaya. Dahil successful ang recital ni Rainne. Makakapunta ka diba? Tinawagan ko si Sheena sabi niya wala ka ng trabaho." sunod sunod na bira ng kapatid ko.

"Oo, pupunta ako. No need to scream at me. Saan ba?" tanong ko at nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakakinot ang noo ni Dee. Alam kong malalim na ang iniisip nito.

"Sa bahay namin syempre. Nakakapagod na nga eh kasi laging dito na lang ginaganap yung mga party natin." pagrereklami niya.

"Noted. Makakarating kay Mama ang pagrereklamo mo." sabi ko at umangal naman siya.

"Joke lang. Kasi naman antagal mong mag-asawa kaya ayan. Ay wala pala akong asawa." sabi niya at tumawa. Abnormal.

"Ibababa ko na tong tawag kung wala ka nang sasabihin." sabi ko.

"Wait lang kausapin ka daw ng pamangkin mo." saad niya at narinig ko ang pagbigay niya ng phone kay Rainne.

"Hello, Tiwo. The flowers are nice. Thank woo." sabi niya sabay hagikhik hindi ko napigilang mapangiti.

"Tell me about the recital later, baby. Okay?" sagot ko at nag yes naman siya.

"Sige na, Kuya. Bye na. Ingat." sabi ng kapatid ko at baba ng telepono.

"Hindi mo naman kailangang manahimik kung may problema ka sakin." saad ni Dee pagtapos kong alisin ang earphone ko.

"Wala akong problema, Dee. Nakakabwiset lang kasi ako yung nagyaya sayo ng lunch tapos sumama pa yung isa mong manliligaw." sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Pumunta siya don para ayain din akong maglunch saktong nagtext ka kaya sabi ko sa kanya hintayin nalang namin ikaw." paliwanag niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang naman. Wala naman akong karapatang magreklamo pa kasi manliligaw mo na lang ulit ako and you are open to accept many suitors as you can. Ang lamang ko lang eh may past tayo." sambit ko at napataas naman ang kilay niya.

"Alam mo sa lahat ng manliligaw ko ikaw ang pinakamayabang." saad niya at napangiti naman ako.

"Kasi may ipagmamayabang ako. Admit it, Dee. I have an advantage to those suitors you are saying." sabi ko at umirap lang siya.

"Whatever." sabi niya sabay tahimim. Nako, Dee. Kunti nalang mag-aassume nakong unti-unti ng nafafall sakin tong si Dee. Syempre, charot charot ko lang yon.

"Salamat sa paghatid." sabi niya ng makarating na kaming bahay nila. Tumango naman ako at papasok na sana akong bahay ng tawagin niya ako.

"Wala. Ingat." maikling sabi niya at tumango naman ako.

...
Dumiretso na kong bahay nila Kiana. May damit naman ako dahil mukhang formal ang dinner mamaya. Pagdating ko dun ay agad akong sinalubong ng pamangkin ko.

"How was your recital?" tanong ko habang karga karga siya. Kung hindi kaya kami naghiwalay ni Dee eh may anak na ba kami ngayon. Tingnan mo nga naman ang tadhana. Naunahan pa ko ni Kiana magkaroon ng anak.

"I did good, Tiwo Kai. But I am wowied for Macy." sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

"Why? What happen?" tanong ko.

"Eh bigla na lang kasing umiyak si Sheena kanina. Hindi ko nga alam anong nangyari don eh. Pagtapos ng recital agad niyang binigay ang bulaklak kay Rainne tapos kinuha ang anak niya. Nagmamadali." sabat ni Kiana.

"Well, you know what happen to her. Kung kaya ko lang mahanap ang ama ng anak niya eh gagawin ko. You know, Sheena, inampon na siya ni Mama nung nag-apply siyang umiiyak sa kompanya." saad ko.

"Nakakaawa nga eh. Kaya iniisip ko, Kuya, ang swerte ko parin pala dahil nandyan si Paolo para panindigan yung kalokohan naming ginawa." saad niya at tumango ako.

"Sino ba mga bisita natin mamaya at bakit kailangan pang kumpleto tayo?" tanong ko at ibinaba na si Rainne.

"Ahh, hehe. Hindi ko pala sinabi sayo. Sina Ate Dee. Nalaman kasi nina Mama na nandito na sina Tita kaya ayun nag-aya ng dinner. Sakto namang may recital sina Rainne kaya double dinner." saad niya at kinaltukan ko naman siya.

"Bakit di mo sakin sinabi agad? Jusko ka, te. Papagood shot pa nga ako sa magulang niya eh." sabi ko at hinimas niya lang yung ulo niyang kinaltukan ko.

"Okay na yun, Kuya dagdag points." saad niya at tumango naman ako.

"Sige, maligo lang ako. Nandito parin yung iba kong damit diba?" tanong ko at tumango naman siya.

I hope this dinner will be 10 times better than my lunch earlier.

...
Double update bes. Sa monday na ulit yung sunod na update. May alis kami ngayong weekend. Enjoy reading. Xx

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon