Kabanata 21

1.4K 46 2
                                    

Kinabukasan ay ganon parin ang naabutan kong senaryo. Kai is in our house waiting for me to get down. At least ngayon napanatag ako kasi kumakain siya hindi katulad ng kahapon.

"O, anak. Saluhan mo na kami dito." yaya ni Mommy sakin at tumango lang ako. Nagkiss ako sa kanila as a sign of good morning at umupo sa tapat ng inuupuan ni Kai.

"Kamusta na ang turnover ng kompanya niyo iho?" tanong ni Dad kay Kai. I acted like I am not interested pero syempre naririnig ko sila so nakinig na lang din ako. Nilunok muna ni Kai yung nginunguya niya bago sagutin si Dad. Always the prim and proper Kai.

"Okay naman po, Tito. Medyo busy po sa opisina. Maraming papers na kailangan pirmahan at papirmahan." sagot ni Kai at tango naman ni Daddy.

"Diba you needed the sign pa ng mga investors niyo noon? Did they agree sa turnover?" tanong ni Dad. As you can see, Dad owns a business too dahil gusto niyang makapiling ang pamilya niya ay nilipat ito sa pangangalaga ng kapatid niya but he owns almost half of the share parin naman.

"Some investors ay nagpull out, Tito. Maybe because they heard of the issue na miserable ako noon. Some were hesitant pero they tried parin. Pero yung iba naman ay pinagkatiwalaan parin naman po ako. Dumagdag pa nga ngayon ng investors dahil nakapagdeal ako sa iba noong convention sa London." he proudly said. Kai has this tendency to let someone know that he can prove something.

Bakit ko ba siya pinupuri? Galit nga ako sa kanya diba.

"Sayang kung same lang ang industry na tinatahak natin I might consider na makipagbusiness sayo pero napakalayo nito, iho." sabi ni Daddy at napanganga nalang ako. Pati ba naman tatay ko maagaw nito.

"It's okay, tito. Hindi naman sa need talaga namin ng investors, tito. Dad was just securing our future." saad niya.

"I understand, iho. Syempre patanda ng patanda ang papa mo. He is securing himself." komento ni Dad at sabay silang tumawa. Natapos na akong kumain at tumayo na.

"Alis na po ako." paalam ko at tumayo na rin si Kai.

"Ako din po, Tita, Tito." sabi ni Kai at sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Tahimik lang kami habang pumupunta sa sasakyan ko.

"Uhh, Dee. Birthday ni Rainne next week, pupunta ka ba?" tanong niya sakin at napatingin naman ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at agad akong umiwas.

"Oo, nasabi na sakin ni Kiana iyan." saad ko sabay bukas ng pinto ng sasakyan ko.

"Hindi ba talaga tayo pwedeng mag- okay." naputol ang sasabihin niya ng tingnan ko siya.

"Ako mismo ang tatawag sayo kapag handa na ako makipagusap sayo." saad ko and he nodded and smiled at me. I smiled back at pumasok na ko sa sasakyan ko. Sinarado naman niya ang pintuan ng sasakyan ko at nagsimula na akong magdrive na alam kong kasunod ko lang siya.

...
Sunday ngayon at kasama ko si Kiana. Nagpasama kasi siya sakin para mamili ng ireregalo niya sa anak niya.

"Ano ba kasing ireregalo mo?" tanong ko at nagshrug lang siya.

"Ang dami kasing gusto non. Masyadong naispoil ni Kuya kaya ayan kung ano ano na lang ang nagugustuhan. Minsan nga gusto ko ng ilayo si Rainne kay Kuya at nagiging spoiled kasi lalo." saad niya at ngumiti naman ako.

"Masisisi mo ba siya? First ever pamangkin niya yan kaya iispoil niya talaga yan. I remember nung kami pa sabi niya sakin kapag nauna ka daw magkaroon ng anak sa kanya he will treat that child as his own at pininpoint niya ang spoiling." kwento ko at umiling lang si Kiana.

"Pano pag nagkaanak kayo? Hahayaan mo bang maispoil yung anak niyo?" sabi niya at napataas ang kilay ko sa kanya.

"How can you be so sure na ako nga mapapangasawa niya?" defensive na sagot ko.

"Chill, Ate. Imagine." saad niya at umirap naman ako.

"Okay. Syempre hindi no. Ganito kasi yan may dalawang klase ng pangiispoil una is yung magihing bitchesa yung bata. Pangalawa eh yung magiging okay naman at sa nakikita ko kay Kai, in a good way naman niya iniispoil yung pamangkin niya." sabi ko at tumango naman siya.

"Okay. Yun lang naman gusto kong sabihin. Anyways, nag-usap na ba kayo ni Kuya?" tanong niya at dinampot ang isang dollhouse na nakita niya.

"Hindi pa. Hindi pa ko ready." sabi ko at tumango naman siya.

"Just hear him out, Ate Dee." pagmamakaawa niya.

"Mamili na lang tayo." pag-iiwas ko sa topic. Gabi na ng makarating ako sa bahay nagulat ako ng nandon si Kai at may dala na namang bulaklak.

"Sabi ng mommy mo umalis ka daw. Kala ko maabutan kita dito." sabi niya at sinara ko naman ang pinto. Inabot niya sakin ang bulaklak.

"Salamat. Late na umuwi ka na." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Kailan mo kaya ulit ako matitingnan, Dee. Gustong gusto na kitang yakapin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko." sambit niya at hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nabanggit ko ang mga salita.

"Edi yakapin mo." napatakip kaagad ako sa bibig ko at napatalikod. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hindi na. Gusto ko kasi kapag niyakap kita, hindi na kita papakawalan pa. Alis na ko." paalam niya at tumango naman ako habang namumula ang mga pisnge. Nang makalabas na siya sa bahay ay napabuga ako ng hininga na hindi ko alam na iniipon ko pala.

"Nakita ko yun, anak. Minsan kasi let yourself go lang." komento ni Mommy at mas lalong namula ang pisnge ko.

"Akyat na po ako." nahihiyang sambit ko. Itong nanay ko talaga napakachismosa.

"Nakakain ka na ba?" tanong niya at nagthumbs up lang ako sa kanya.

...
Ngayon yung birthday party ni Rainne. Nagtext sakin si Kiana na si Kai daw ang susundo sakin dahil sakto na daw sila sa van. Nang marinig ko naman ang busina ng sasakyan ni Kai ay bumaba na ako at nagpaalam.

Napatingin ako sa babaeng nasa front seat at napagtanto na si Riana ito. Bigla naman nagbago ang timpla ng araw ko. Bakit kailangan kong mastuck sa tatlong oras na byahe kasama sila? Nakita kong bumaba si Riana at ngumiti sakin.

'Wag mo kong ngitian baka ipasak ko sa bunganga mo tong maletang dala ko' saad ko sa isip ko.

Mukhang nagets naman niya na hindi ako friendly ngayong araw. Dapat lang no. Kinuha ni Kai ang bagahe ko.

"Dito na lang ako sa likod Kai." saad niya at sumakay na sa likod. Sumakay narin ako atsaka ko lang napansin na may isa pa palang nakasakay sa backseat. Nginitian ko lang ito at nagseatbelt na.

"Tara na." sabi ni Kai at pinagpatuloy ang pagdadrive.

...
Update. 9 chapters to go agad. Ambilis talaga. HAHAHAHA kahit ako nawiwindang. Anyways, enjoy reading. Xx

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon