Kinabukasan, inalam ko lahat sa private investigator ko kung anong pinagkakaabalahan ni Dee ngayon. Turns out she is handling her store. Sabi ng investigator, sa America ay mas tinutukan daw ni Dee ang business niya at wala ng iba.
Inalam ko rin kung anong oras ang pasok niya at kung anong oras ang labas niya. I cleared my schedule ng 5pm para lang makasabay siya mamayang pag-uwi. Usually kasi 7/8 ang labas ko sa opisina pero dahil priority ko ngayon si Dee. Ipapacancel ko ang 5pm na gagawin ko everyday at babalik ako ng opisina to work until 9pm. Hindi naman ako nagrereklamo kasi bago ko makuha ang kompanya naging regular na empleyado ako and sa last day ko kailangan kong magkaroon ng shift na 12hrs. One of dad's consequences.
"Sir, handa na daw po ang sasakyan niyo. Sigurado po ba kayong hindi ko kayo sasamahan mamaya?" tanong ni Sheena. Nag-ayos muna ako bago sagutin yung tanong niya.
"Sheena, mas kailangan ka ng anak mo. Don't mind me. Kaya ko yung sarili ko hanggang 9pm dito. Remember that I work 12hrs straight before so please don't bother yourself. Umuwi ka na mamayang 6." tumango naman siya habang sinusundan ako.
"Iiwan ko nalang po, Sir sa desk niyo yung need tapusin this day. Ingat po kayo ha." saad niya at tumango naman ako. Sheena is a great secretary. Nakakaawa nga ang merlat na yon dahil nag-apply siya sa company na nagmamakaawa. Someone got her knocked up ata and until now she doesn't know the father of her child.
Nang makababa na ako sa lobby, binati naman ako ng mga empleyadong magsisiuwian na. Agad naman akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito. Dumaan muna ako sa isang flower shop at binili ang paborito niyang bulaklak.
Pinarada ko ang sasakyan ko at bago lumabas ay bumuntong hininga muna ako.
"Kaya mo to, Kai." sabi ko sa sarili ko sabay lumabas sa kotse ko. Nakita ko kaagad si Dee na may kausap na customer. Grabe na yong kaba ng dibdib ko.
"Hello, sir! Ano pong pakay niyo?" tanong ng isang babae. Empleyado niya ata.
"Uhm, si Dee." sabi ko at tumango naman siya. Nakita ko naman kung paano niya tinawag si Dee. Napalingon ito sakin na nakakunot ang noo. Ngumiti lang ako at kumaway. Nakita ko siyang pumasok sa opisina niya ata at dala na ang bag niya.
"Dee, para-" naputol ang sasabihin ko ng lagpasan niya ako. Napangiti na lang ako sa mga nakakita at hinabol siya. "Dee! Wait! Hoy, merlat! Saglit." saad ko. Huminto siya at nilingon ako.
"Ano?" inis na sambit niya.
"Galit na galit. Oh, para sayo." sabi ko sabay abot sa kanya ng bulaklak. Tiningnan niya lang ito.
"Ano ako? Patay para bigyan monng bulaklak. Ano bang ginagawa mo dito?" inis na tanong niya.
"Like, I told you yesterday. Manliligaw nga. Ang kulit mo." saad ko at napabuntong hininga naman siya.
"At sino namang nagsabi sayo na magpapaligaw ako sayo?" mataray na sagot niya sakin.
"Wala. Ako lang. Hindi ko na kailangang tanungin ka kung liligawan kita o hindi. Pag sinabi mo bang hindi titigil ako? Hindi no." sabi ko sabay abot ulit sa kanya nung bulaklak. "Sayo yan at hindi pampatay yan." sabi ko at inabot naman niya ito.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari, Kai?" tanong niya at tumingin ako ng diretso sa kanya.
"I want you to be mine again. That's all. I fucked up. Big time." sabi ko at umirap naman siya.
"Okay na. Nabigay mo na yung bulaklak diba. Alis na." pagtataboy niya sa akin.
"Ihahatid pa kita." sabi ko at nanlaki naman ang mata niya.
"Hindi na. Magtataxi nalang ako o kaya tatawagan ko si Kyle." sabi niya at napatingin lang ako ng seryoso sa kanya.
"Delikado yung taxi atsaka bakit si Kyle pa eh kaya nga ako nandito para ihatid ka pauwi." sabi ko at umiling siya.
"Tingnan mo. Mukhang galing ka pang opisina. Baka tumakas ka lang edi mapapatay ka pa ng Dad mo. Hindi na, Kai. I can handle myself." sabi niya. Nilabas niya na ang phone pero agad ko itong inagaw. Itinaas ko ito para hindi niya maabot.
"Ano ba, Kai!" frustrated na sigaw niya while reaching for her phone. "I can handle myself, okay. Nahandle ko nga yung sarili ko nung wala ka eto ba namang pag-uwi ko pa. Please, let me have my phone." sabi niya. Natamaan naman ako doon. Grabe manakit talaga tong babaeng to.
"No." matigas na sagot ko. "Ihahatid lang naman kita, Dee. Masama ba yon? Gawain yon ng manlikigaw. Atleast for me. Gawain ko yun sa nililigawan ko." sabi ko.
"Okay. Give me my phone back." saad niya at napangiti naman ako bago ibigay sa kanya yung phone niya.
"Dito yung kotse ko." sabi ko at naglakad na kami patungo doon. Pinagbuksan ko siya ng pinto at bago ko isara pinagmasdan ko muna siyang maglagay ng seatbelt.
"Alam mo namiss ko yung sinusundo kita sa trabaho mo." sabi ko sabay sarado ng pintuan niya. Sumakay nako at natagpuan ko siyang nakatulala. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at nagdrive na.
"Doon ka parin ba nakatira?" tanong ko habang binabaybay namin ang kalsada.
"Yes." maikling sagot niya.
"Bakit ka bumalik?" tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Binalikan mo ko no." biro ko at napascoff naman siya.
"My business here needs me." maikli ulit niyang sagot. Tumango na lang ako. Alam kong ayaw niya akong kausap kaya tinigilan ko na ang pagtatanong. Mahirap na baka maturn off pa sakin to.
...
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating narin kami sa bahay nila. Minadali ko ang pagbaba at pinagbuksan ko siya."Sunduin kita bukas. Breakfast tayo." sabi ko at tiningnan niya lang muna ako bago bumaba. "Sabi ko nga hindi. Sa hapon nalang dinner." sabi ko at naglakad na siya paalis.
"Parehas ko nalang gagawin." sabi ko at kumaway sa kanya kahit nakatalikod siya. Ano ba tong ginagawa ko? Pinagmumukha mo kong tanaga, Dee. Pero hindi parin ako susuko. Kahit magmukha pa kong katawa-tawa basta makasama lang kita ayos na.
Napatawa naman ako habang sinasara ang pintuan ng kotse ko. Funny how it feels nostalgic habang ginagawa ko to. Kung baliw ako sa kanya nung nililigawan ko siya noon, siguro 10x yung pagkabaliw ko sa kanya ngayon. Wala eh. Mahal ko.
...
Short update. Hope you like it. Xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...