Kabanata 12

1.5K 59 3
                                    

Katulad ng plano ay dinaan ko muna si Dee upang magbihis. Mabilisan naman ang ginawa niya at ngayon ay papunta na kami sa bar na gustong puntahan nitong si Primo. Kung hindi ko lang kaibigan si Primo, hindi ko pupuntahan yong gagong yon eh.

"Di ka na talaga magpapalit sa inyo?" tanong ni Dee at umiling ako.

"May damit ako sa likod. Lagi akong may spare kasi minsan nagwowork out ako pagtapos ng trabaho. Pero dahil bumalik ka hindi nako nakakapaggym." sabi ko sa kanya at suminghal naman siya.

"Oh, so dahil sakin kaya hindi ka na nakakapaggym. Edi wag mo na kong sunduin araw araw." masungit na sagot niya sa akin.

"Ito naman hindi mabiro, syempre joke lang. Mas gugutuhin ko pang sunduin ka kaysa tumambay sa gym." saad ko at nakita kong inirapan niya lang ako.

"For all I know, mas gugustuhin mo pa sa gym tumambay. At least dun may mga papable ka." akusa niya at nagfake gasp naman ako.

"Naexpose ba ako?" sarcastic na sambit ko. "Hindi ako naghahanap ng lalaki dun, Dee. Yes, I am still attracted to guys pero walang papantay sa pagiging attracted ko sayo." sabi ko at nakita ko ang pagpula ng mga pisngi niya. 1 point para sa banat ko. Tie na kami dahil pinakilig niya ako kanina.

"Magdrive ka na nga lang. Dami mong satsat." sabi niya at hindi nako pinansin. Hindi ko naman mapigilan ang paglawak ng mga ngiti ko.

Pagkahanap na pagkahanap namin ng parking space ay pinaabot ko sa kanya yung damit ko sa likod dahil aayusin ko pa ang pagkakapark ng sasakyan ko. Napasmirk ako sa ideyang gagawin ko. Another point na naman para kay Boss Gino. Hinubad ko ang polo ko at napasigaw naman siya at agad tinakpan ang mga mata niya.

"Bakit bigla bigla ka nalang naghuhubad? Ano ka, macho dancer sa bar? Dalian mo na nga at magbihis ka na." reklamo niya at napangiti lang ako.

"Sus, kala mo naman hindi niya pa nakikita katawan ko." saad ko habang pinupunasan ng polo ko ang katawan ko. Medyo pinagpawisan kasi ako.

"Ano naman don kung nakita ko na kabuuan mo? Hindi naman ibig sabihin non ay maghuhubad ka nalang basta basta. Baliw." sagot niya at hindi ko na mapigilang matawa sa inaakto niya. "Ano pang tinatawa tawa mo diyan? Magbihis ka na." utos niya at sinuot ko naman ang puting t-shirt ko. Buti nalang at nakajeans ako ngayon at bumagay ang suot ko ngayon.

"Tara na." sabi ko na may nakakaasar na ngiti. Hinampas na muna niya ako bago kami bumaba ng sasakyan ko. 2 points para kay Kai. 1 points kay Dee.

...
Sinalubong kami ng malakas na tugtug, amoy alak na paligid at napakaraming tao. Ibang iba sa usual na pinupuntahan naming bar na mas tame ang mga tao. Lumapit ako ng kaunti kay Dee at nilagay ang kamay ko sa bewang niya.

"Mahirap ng mapagdiskitahan ka." bulong ko sa kanya at tumango naman siya. Isa sa mga gusto ko kay Dee na kapag nasa ganito kaming lugar hindi talaga siya lumalayo sakin. Nung mga panahong kami pa at nasa bar kami lagi siyang katabi ko dahil natrauma na siya noon.

Dati kasi may lalaking humablot nalang bigla sa kanya at hinalikan siya. Kaya takot na rin si Dee pumunta sa mga bar na ganito ka wild dahil sa insidenteng iyon. Buti nalang at may nakakitang bouncer sa kanya ag nakita siyang pumipiglas kaya agad na nahuli yung manyak na lalaki.

"Bakit dito pa kasi pinili ni Primo magbar?" tanong niya sakin ng lumalakad na kami patungo sa kinaroroonan nila Primo.

"Ewan ko sa gagong yun. Pero panigurado maghahanap lang ng lalaki yun dito." sabi ko at tumaas naman ang kilay niyang tumingin sakin.

"Ikaw hindi?" tanong niya at tiningnan ko siya ng seryoso.

"Bakit pa ko maghahanap ng iba eh kung nandito ka naman?" tanong ko na ikinapula naman niya. 3 points para kay Kai. Nako, Dee hindi ka na makakahabol pa.

"Aba ewan ko sayo. Malay ko ba na iba na preference mo." sagot niya na nonsense.

"Hindi naman nag-iba preference ko. Kasi hanggang ngayon ikaw parin nilalaman nito." sambit ko sabay turo sa puso ko. 4 points na.

"Ewan ko sayo. Bilisan na nga natin." sabi ni Dee at lumakad naman kami. Kahit kailan pikon talaga to.

"Dee!" sigaw ni Primo ng makalapit na kami at nagyakap ang dalawa. Nang medyo tumatagal na ang yakapan nila ay inalis ko na si Primo sa kanya.

"Ang higpit, pre. Miss na miss?" tanong ko at umirap naman ito sa akin.

"Ang corny mo, Kai. Syempre miss ko tong jowabels mo. Tagal ko na ring hindi nakita to." saad niya sakin at umirap lang ako. "Kita mo yun, Dee. Lumalabas pagkamaldita niya. Ewan ko sayo, Kai." masasapak ko ng di oras tong lalaking to eh.

...
Naka ilang shots na ng tequila si Dee at pilit parin siyang pinapainom ni Primo. Ganon rin si Kiana. Nakikita ko na yung panggagalaiti ni Paolo kay Primo. Kung hindi lang under tong si Paolo, kahit ako rin naman, siguro nasapak na namin tong si Primo.

"Tara sayaw tayo, girls." saad niya at sumunod naman ang dalawa. Pinigilan ko naman si Dee.

"Dito ka lang. Hayaan mo si Primo don." bulong ko sa kanya at tumango nalang siya. Sinandal ang ulo niya sa balikat ko at pumikit.

"Bakit ba ganon yan si Primo? I will probably regret doing this." sabi niya habang hinihimas ang noo niya.

"Ewan, di naman nagsasabi ng problema samin yan. Basta nag-aya nalang kanina yan pagtapos nilang magsagutan ng sekretarya ko." sabi ko at parang nabuhayan naman tong katabi ko at humarap sakin. Nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko at tumingin ng diretso sa mata ko.

"That's it. Your secretary infuriates him. Kaya siya nag-aya ng inuman. Try to lock him with her so he can settle things down between the two of them." sabi niya sakin. Hindi parin ako mapakali sa lapit sakin ni Dee.

"Hindi naman sila magkakilala. Paanong may problema sa kanilang dalawa?" tanong ko kay Dee.

"No, they know each other. Nakita ko sila one time sa may katapat na diner. Mukhang malalim ang pinag-uusapan kasi nakita ko si secretary mo na nagalit sa kanya." sabi niya habang hindi nakatingin sakin pero hawak parin ang mukha ko. 2 points para kay Dee. Jusko iba magpakilig tong babaeng to.

"Sigurado ka bang sila yon?" tanong ko at tumango siya na parang bata at binatawan ang mukha ko.

"20/20 vision ko no. Now, gawin mo yung sasabihin ko. Baka kasi kung sino sino pa madamay niyang si Primo." sabi ni Dee at tumango na lang ako. Bakit nakita ni Dee ang dalawa? Dapat ang pinoproblema namin hindi lovelife ng iba eh. Dapat yung samin.

"Uwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya at umiling lang siya.

"Huwag na muna. Let's bring Primo back to his condo then we'll go home." sabi niya. So may plano siyang magbabysit kaming dalawa. Okay lang naman sakin. Basta't kasama ko siya. "Babalik narin naman yun dito. Kailangan ko lang mahimasmasan." sambit niya at humarap sakin.

"Bakit sakin ka nakatingin?" tanong ko. Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan. 8 points agad para kay Dee. Syempre hindi ko na rin napigilan at tinugunan ang mga halik niya. Gusto niyang himasmasan pero ako naman ng mababahala. Okay lang yan atleast nahalikan ko siya. Nagiging manyak na ko dahil sa babaeng to. Jusko, Dee. Binabaliw mo ko.

...
May orientation kami bukas sa school. Skl. So hindi ko alam kung makakaupdate ako. Kasi 5:30 ang uwi namin at traffic sa españa men. Kaya hintay nalang kayo ng updatr sa Friday kasi ID pic naman namin sa Thursday. Baka sa Friday mag 3 update ako. Kung kaya. Pag hindi double update lang tapos may update ng sabado. Yun lang. Enjoy reading.

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon