Halos tunog na lang ng paghampas ng tubig sa buhangin ang naririnig sa pagitan naming dalawa.
"First of all, I want to say sorry. Kung ano man yung nakita mo when Kai said that it is not what you think it's not." panimula niya at napataas naman ako ng kilay. "Before you react, I never intended to break you guys apart. Okay. I have my fiance here. Yung lalaking nakita mo kanina sa kotse ni Kai. That's my fiance. Yes, I know we look like we're kissing pero hindi ganon yun. Nahulog yung purse ko. It looks like I am whispering something to him because I am leaning towards him. When we both get down to get my purse akala mo nagkiss kami pero no, nagkauntugan lang kami. In behalf of my actions and kay Kai, I apologized. My fiance went to the comfort room nung dumating ka kaya akala mo kami lang dalawa doon. But no, it was supposed to be a double date. I'm sorry if we both gave you the wrong impression." paliwanag niya.
Hindi naman ako makaimik. Marami ngang namamatay sa maling akala. All I know is to believe what I saw. Hindi ko man lang pinapaliwanag si Kai. Sarili ko na naman inuna ko. Kaya ayoko kapag sarili ko inuuna ko eh nagiging panget yung kinalalabasan ng pagiging selfish ko.
"Sorry din. I accuse you for doing something na hindi mo naman ginawa." saad ko sabay yuko. Nakakahiya ka, Dee. May gana ka pang magpabebe kay Kai eh kasalanan mo naman pala kasi naniwala ka kaagad sa nakita mo.
"It's alright, Dee. Kahit ako din if I saw my fiance na nasa ganong position I'll get mad too. Also, I'm sorry din ako din kasi yung dahilan minsan kaya hindi ka nasusundo ni Kai nitong nakaraang week. Malapit na kasi akong ikasal and need ko syempre nung bestfriend ko to make some opinions. Pero don't worry hindi kami alone dalawa. Kasama ko yung fiance ko." paliwanag niya ulit. Tanga tanga.
"Ako dapat ang magsorry eh. Sobrang naging selfish ako na dapat pinakinggan ko muna yung side ni Kai about what happen. Siguro nadala lang ako sa hindi niya pagsundo samin. I'm sorry, Riana." sabi ko and she smiled.
"Okay lang yun. Ano ka ba. Actually, I talked to you din because I want you to be one of my bridesmaid. Kahit ngayon lang tayo nagkita. I know naman na Kai is a better person now kundi dahil sayo." sambit niya.
Bakit ba binibigyan ako lagi ng karibal na napakabait? Naiinis na ko sa sarili ko. Feeling ko wala na akong karapatan na magpakita pa kay Kai.
"Talaga? Salamat, Riana. Again, sorry ulit. Ngayon ko na napagtanto na hindi totoo yung to see is to believe." sabi ko at natawa naman siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako bigla.
"Communication is the best solution fot successful relationship, Dee. Hindi pwedeng icoclose na lang natin yung argument ng hindi napapagusapan. Kaya maraming mag-asawa ang naghihiwalay dahil sa kawalan mg komunikasyon. I know, Kai. He will always stay by your side kahit gaano ka pa magpabebe pag nag-away kayo. Just don't let it na mapapagod na lang siya bigla. Because you know Kai. Kapag napagod siya wala na talaga." sabi niya and I nodded. Humiwalay na kami sa yakapan namin at nagngitian.
"Ngayon hindi ko na alam paano pa siya haharapin." sambit ko. Nawala yung pagkatipsy ko sa binanggit niya. Tanga tanga kasi Dee.
"Well, nasimulan mo na magpabebe eh di tapusin mo din. Pero slowly ang pagtapos ah, wag tayo marupok. Basta ah sa kasal ko." saad niya at tumango naman ako.
"Count me in." sabi ko. Bumalik naman kami kaagad sa grupo. Para akong nabunutan ng tinik sa nalaman ko. Sobrang laking kahihiyan ang ginawa ko. But I admire Kai. Hindi siya sumuko kahit na pinagtatabuyan ko na siya.
"Anong pinagusapan niyo?" tanong niya sakin. I looked at him and sighed.
"Wala naman." maikling sagot ko kasi nahihiya parin talaga ako sa kanya. Sino ba namang hindi diba? Akusahan ko ba naman siya na nagchecheat. Mas lalo namang nakakahiya kasi hindi naman kami.
...
Kinabukasan ay iwas ako kay Kai. Hindi dahil galit ako sa kanya kundi sa hiya na. Itinuon ko ang atensyon ko upang magbaby sit kina Rainne at Macy."Tita Dee, did you and Tiwo warla?" tanong ni Rainne sakin. Tingnan mo tong batang to. Bata palang alam na yung word na warla.
"Hindi naman, baby. Why?" sabi ko at nagshrug lang siya.
"Tiwo said kasi na he is bad to you kaya hindi kayo magkasama." malungkot na sabi niya. I smiled and hug her sinama ko na rin si Macy sa yakap ko. I really love kids. Yung innocence kasi nila ansarap nakawin sa kanila. Sana ganyan nalang sila habang lumalaki kasi pag nawala yung innocence nila malalaman nila yung mga kagaguhan sa mundo.
"Tita just don't know how to talk to Tito Kai. Atsaka okay na yun, we are playing naman." sabi ko at tumango naman siya.
"Grabe babysit natin ah." sambit ni Kiana na bigla nalang sumulpot ma parang kabute. "Uuwi na tayo ngayon, Ate ah. May emergency meeting daw kasi sina Dad at Kuya." sabi niya at tumango naman ako. "Kailan mo kakausapin si Kuya?" tanong niya.
"Yun na nga, Kiana eh. Nalaman ko na yung dahilan niya. Yung paliwanag niya. Diba kahapon nag-usap kami ni Riana. Ayun nalaman ko. Hiyang hiya ako sa Kuya mo." saad ko at natawa naman siya. Tingnan mo to.
"Kaya nga kita pinipilit na kausapin si Kuya noon eh. Ikaw kasi eh. Pero hayaan mo muna yun atlis kahit papano hindi naman niya masyadong dinidibdib yung away niyo kuno. Atsaka okay din kasi kailangan talaga siya ni Papa sa opisina." saad niya at tumango naman ako. "Basta, Ate Dee. Kayo ni Kuya ah. Wala ng atrasan. Kasi ako una malulungkot kapag naghiwalay kayo ulit. Number one shipper niyo kaya ako." saad niya at natawa naman ako.
"Nahihiya lang ako sa Kuya mo hindi ko sinabing iiwan ko." sabi ko at tumili naman siya.
"Mommy, so loud." sambit ng anak niya na ngayon ay parehas na sila ni Macy na nakatakip ang tenga.
"Bet ko yun yung mga ganong sagutan." sabi niya at natawa naman ako. Dinaluhan niya akong makipaglaro sa mga bata.
...
Kaming dalawa lang ni Kai ngayon sa loob ng kotse niya. Malapit na kami sa bahay. Nakakaawa nga tong si Kai kasi pagkatapos nito didiretso silang opisina para magtrabaho agad."Hindi na kita mahahatid bukas kung papasok ka man. Malapit na kasi ang turnover." sabi niya ng makapark na soya sa harap ng bahay namin.
"Okay lang." saad ko at binigay niya sakin yung bag ko. He smiled and patted my head.
"I miss you." bulong niya at namula naman ako. "Good night na." sabi niya sabay kaway sakin bilang paalam.
...
Double updated. Bukas naman. HAHAHAHA 7 chapters to go. Enjoy reading. Xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...