Kabanata 3

2.2K 64 16
                                    

Kinabukasan, inagahan ko talaga ang pag-alis ko sa condo ko para makasabay ko si Dee. Alasais pa lang ay nasa tapat nako ng bahay nila. Nasa loob lang ako ng kotse ng makita ko siyang papalabas ng bahay nila. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya bumaba nako ng sasakyan ko.

"Good morning, Dee. Tara breakfast." aya ko at tiningnan niya lang ako.

"Aga aga mo namang nambibwiset." saad niya at napahawak naman ako sa dibdib ko kunwari masakit.

"Sabi ko nga sayo diba nanliligaw ako. Atsaka part ng panliligaw ko to. Dapat nga nasanay ka na kasi ginawa ko ito sayo noon." sabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hindi ako sasabay sayo. Nagpatawag na ako ng taxi." sabi niya at napasimangot naman ako.

"Alam mo bang delikado ang taxi ngayon? May mga taxi driver pa namang man-" pinutol na niya yung sasabihin ko.

"Oo na. Tara na at malelate nako." sabi niya at sumakay na sa kotse ko. Napangiti naman ako at sumakay na din.

Pinark ko ang kotse sa isang cafe malapit sa trabaho niya. Tiningnan niya lang ako at lumingon naman ako sa kanya.

"Breakfast muna tayo." sabi ko at bumuntong hininga na lang siya. We both got out of the car and enter the cafe. Agad siyang umorder at iniwan ako para bayaran ang inorder niya. Hindi naman ako nagrereklamo. Kinuha ko na ang order namin at dinala ito sa upuang inuupuan ni Dee.

"Oh, dapat hindi ka nagiiskip ng breakfast." saad ko at hindi niya lang ako pinansin. Sinimulan na niya ang pagkain at ganon din ako. Hindi kami nagimikan habang kumakain. I know she is off about us. Sino ba namang hindi? She didn't know what my reason why I let her get out of my car that time. Ayoko na ring balikan kasi para saan pa. Antagal na noon. But if explaining to her what I think maybe, maybe she'll consider.

I smiled to myself when an idea popped out of my mind. Napatingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Para kang baliw na nakangiti." puna niya at ngumiti lang ako lalo sa kanya.

"Masama bang ngumiti. Lalo na ngayon at masaya ako dahil pumayag kang makipagbreakfast sakin." sabi ko at umirap lang siya.

"Napilitan lang ako kasi ang ingay ingay mo." sagot niya at mas lalo akong napangiti. Natapos na kaming kumain at hinatid ko naman siya sa botique niya. Naglakad na lang kami kasi walking distance lang naman.

"Ay grabe si Maam. May pa hatid. Hello, sir pogi!" bati sakin ng empleyado niya. Nakita ko namang kinurot niya ito sa tagiliran at napangiti nalang ako sa kanya.

"I'll pick you up again later." sabi ko. She look at me. She was about to say something but she shook her head. Hindi ako mind reader, Dee. Huwag kang ganyan.

"Kahit wag na." sabi niya at napakunot naman ako ng noo.

"I'll pick you up, Dee. No buts." sabi ko at napabuntong hininga nalang siya. Hindi rin pala maiiwasan ang charm ko. Nagpaalam naman na ako at dumiretso ng opisina.

...
Dee's POV

"Grabe ka, Maam. Hindi ko alam na may suitor ka palang ganon kagwapo." saad nitong si Cherry.

"Hindi ko suitor yon." sabi ko habang nilalagay ang bag ko sa desk ko.

"Eh? Hindi ba manliligaw yung grabe makahatid sundo. Naku, Maam. Hindi na uso pakipot ngayon." sabi niya. Masasapok ko ting babaeng to.

"Hindi ko nga manliligaw yon, Cherry. Ex ko yun." saad ko at inayos na ang gamit ko na nakakalat.

"Oemgee, talaga, Maam. Grabe alindog natin Madam. Ex na nga binabalikan pa." pakikiisosyo niya. "Gaano na katagal nanliligaw sa inyo ex niyo, madam?" tanong niya.

"Alam mo ikaw masasapok na kita. Tanggalan nalang kaya kita ng trabaho at makitsismis ka nalang sa ganap sa buhay ko." naiinis na sambit ko.

"Naku, Madam Dee. Joke lang po. Peace na po tayo. Ito na nga po magtatarabaho na po." sabi niya sabay labas ng opisina ko. "Pero Maam, ang gwapo talaga ng ex niyo." sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Kai. Bakit niya ba ako sinusuyo? Malinaw na yung pasya niya nung gabing yon. Tumunog naman ang phone ko at nakita na tumatawag si Kiana.

"Hello, Ate." bunhad niya.

"Hello, napatawag ka." sagot ko.

"Uhm, I know this is odd pero pano nalalaman kapag nagtataksil sayo." saad niya at napabuntong hininga naman ako at pinayuhan siya.

Sa dalawang taon na namalagi ako sa Amerika, lahat ay ginawa ko para makabangong muli sa pagkakalugmok ko. Itinuon ko ang pansin ko sa pagtatarabaho at pag-aalaga ng ng negosyo ko. Only two people know kung anong ganap ko. Si Kiana at si Primo. Hindi ako nashock nung sinabi ni Kai sakin na he rejected Primo's proposal. Nauna pang sabihin ng bakla sakin iyon.

Sa dalawnag taon na yon, I make myself stronger. Sa tulong narin ng mga naging kaibigan ko dun. Especially Kyle. He is a good friend. Hindi ko siya manliligaw o ano. Siya yung taong nandon nung wala sina Kiana and I thank him for that. Walang strings attached ang pagkakaibigan namin which is good. Kasi alam kong si Kai parin hanggang ngayon ang tinitibok ng martyr kong puso.

...
Kai's POV

Saktong ala singko ng magout ako temporarily sa opisina. Katulad kahaon dumaan ulit ako sa flower shop at sinundo si Dee.

"Maam, nandito na yung manliligaw na ex mo." tawag ng empleyado niya. Napatawa naman ako. Sinabi niya rin pala sa empleyado niya.

"Alam mo ikaw kunti nalang tatanggalin na kita." sabi ni Dee at lumingon sakin. "Andito ka na naman." saad niya ng walang kagana-gana. As if she is not happy to see me. Don't worry, Dee. I will try my best para baguhin kong muli ang perspective mo sakin.

"Like I said, nanliligaw ako." saad ko sabay abot sa kanya ng flowers. Kinuha naman niya ito at pinalagay niya sa vase sa nagiisang empleyado niya.

"Mamaya pa out ko." saad niya and I nodded.

"I can wait." sabi ko at tumango naman siya at bumalik sa opisina niya.

"Nako, Sir. Mamaya pa po talaga out namin. Tuwing Thursday po kasi nagoot kami. Mabenta po kasi ang store tuwing thursday." sabi ng empleyado niya na inuutusan niya lagi.

"Okay lang. I can handle." sabi ko at pinaupo naman niya ako sa isang upuan malapit sa pintuan ng opisina ni Dee.

....
9PM na ng umuwi si Dee. Nagulat pa siya na paglabas niya eh nandon padin ako.

"Are you ready to go home?" I asks with a smile. She nodded and followed me.

"Pakisara maigi, Cherry ah." habilin niya sa empleyado niya.

"Opo, Madam. Enjoy po kayo ni Sir." sabi niya at tumango naman ako bilang paalam kay Cherry.

"Are you hungry? Let's eat first." saad ko at tumingin naman siya sakin.

"You skip work?" tanong niya at napakamot naman ako sa batok ko. "Don't do that again, Kai. Kung manliligaw ka know what to prioritize first." saad niya.

"I do know what to prioritize and that is you." banat ko. Napaiwas naman siya ng tingin at sumakay na sa kotse ko.

"Saan tayo kakain?" taning ko bago ko buksan ang ignition ng kotse.

"Sa bahay nalang. Nagluto si Manang." saad niya and I nodded.

...
Update. Sunod sunod update ha. Kota na kayo. HAHAHHAA anyways, enjoy reading. Xx

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon