Kabanata 26

1.5K 43 2
                                    

Agad akong umalis ng inend ko na yung call ni Kiana ni hindi pa ako tapos kumain nun pero dahil nagising na si Kai gusto ko andun din ako.

"Iha, hindi mo na ba ito uubusin?" tanong ni Manang.

"Hindi na po. Nagising na po kasi si Kai." nagmamadaling saad ko habang sinusuot ang sneakers ko.

"Diyos ko, salamat naman. Basta kumain ka doon ah baka ikaw naman ang madala sa hospital." saad ni Manang at tumango naman ako. Papabili na lang ako kay Primo ng burger or something naalala ko palang hindi pako 100% na okay. Yes, they have treated my condition na pero not to the point na pababayaan ko na lang sarili ko.

Agad naman akong nakarating sa hospital. Buti na lang at walang traffic papunta at nakarating ako kaagad. Nailipat narin yung ibang nadamay sa aksidente. Some stayed in this hospital may iba na mas piniling sa public hospital na lang. Well, mahal naman kasi talaga dito.

"Miss, bisita po ni Kai Buenaventura." saad ko at binigyan naman niya ako ng visitor's pass. Pinasalamatan ko siya at nagpunta na sa room na pinaglipatan niya. I hate hospitals. Ayokong nagpupunta ng hospital na walang kasama. Naalala ko kasi yung pagstay ko noon sa hospital. Basta something about sa hospital makes me creep off.

Nakita ko naman sina Paolo sa labas ng room at nagkakape. They smiled at me at tumingin muna ako sa pintuan bago sa kanila.

"Bakit nandito kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Masyadong crowded sa loob kahit sabibin nating big room na yung kinuha." sagot ni Primo at tumango namana ko.

"Uhm, Paolo pede mo ba akong bilhan ng makakain. Hindi ko kasi naubos yung dinner ko sa bahay." utos ko sabay abot ng pera sa kanya.

"Nako, Dee buti mabuti kaming kaibigan at hindi ka isusumbong kay Kai. Kailangan mong kumain at baka ikaw naman ang maratay sa hospital bed." pananakot ni Primo at binelatan ko lang siya.

"No need. Sagot ko na. Burger lang naman diba?" tanong niya at tumango ako. Tumayo naman na siya at naginat ng unti. "Pasok ka na. Kanina ka pa hinhintay ni mamsh." sabi niya at tumango naman ako. Binuksan ko ang pinto at narinig ko ang paguusap nila.

"You shouldn't have called her, Kiana. She will be worried." narinig kong sambit niya. Oh, I miss his voice.

"Too late, she's here." sabi ni Kiana at pinapasok ako. I greeted his parents first before hugging him tightly.

"Ahhh.." he grunted and I loosen my hug.

"Maiwan na muna namin kayo at uuwi. We will be back tomorrow, son." saad ni Tito. Nakayakap lang ako kay Kai at lumuluha. Nang makalabas na sila ay hinampas ko naman sa braso si Kai.

"Ano bang pumasok sa kokote mo?" saad ko habang lumuluha. He just look at me. "Pinag-alala mo ng sobra magulang mo. Pati din ako syempre. Kaya pala buong araw ako kahapon na balisa kasi may mangyayari sayo." iyak ko at hinila niya lang ako papalapit sa kanya at niyakap. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan sa noo.

"Huwag ka ng umiyak, Dee. I'm sorry." saad niya at mas lalo akong umiyak.

"Ako nga dapat magsorry sayo eh. Alam ko na yung ieexplain mo dapat sakin. Ang tanga tanga ko dahil hindi kita pinakinggan tapos malalaman ko na maaksidente ka pala. Ayaw lang kitamg kausapin hindi yung ayaw na talaga kitang makita na as in literal. I'm sorry." sambit ko at tumawa lang siya. He cupped my face and look directly into my eyes.

"Apology accepted." sambit niya na ikinangiti ko. "Don't cry na. Okay na ako oh. Hindi mo dapat ako iniiyakan kasi ayoko non." saad niya at pinunasan ko naman yung mga luha ko at ngumiti sa kanya tumawa naman siya.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Paolo na may dalang isang plastik na galing sa Burger King.

"Ito na yung pinapabili mo. Uwi na muna kami, Kai. Dee, ikaw muna bahala dito ah." saad ni Paolo at tumango naman ako.

"Sige, salamat." saad ni Kai at umalis naman na ulit si Paolo. "Hindi ka pa kumakain?" tanong niya sakin at umiling ako.

"Wag kang magalit. Pumunta kasi ako kaagad dito nung tumawag si Kiana sinabi niya sakin gising ka na nga daw. Per eto kakain na ako." saad ko at bumuntong hininga siya.

"Huwag mong kalimutan yung pagkain, Dee. Baka mamaya iwan mo na naman ako dahil diyan." saad niya at ngumiti naman ako.

"Hindi man ako 100% na okay pero hindi na kita iiwan no. Kahit good mistake yun atleast buhay pa ako ngayon." saad ko sabay kagat sa burger. "Gusto mo?" tanong ko at umiling naman siya.

"Ano ba kasing nangyari sayo? For sure, hihingan ka ng statement ng mga pulis pag ayos ka na." tanong ko.

"Well, pumasok ako nun na masama ang pakiramdam. Siguro sa sobrang pagod. Hindi naman ako pwedeng umabsent, girl. Magtuturn over na ng company kaya hindi talaga pwede. So ayun, hindi nakayanan ng katawan ko at nagkalagnat nako nun pagkatapos ng meeting. Pauwi na ako sa condo ko ng manlabo yung vision ko. Akala ko inaantok lang ako pero unti-unti na palang bumibigay ang katawan ko. Anyways, nakita ko yung truck na pagewang gewang sa daan. Una, hindi ko pinansin yon pero nung sumunod na kinabahan na ako kaya naisipan kong umiwas na. Saktong pagiwas ko nahagip naman niya ako." saad niya at napabuntong hininga ako.

"Buti walang nangyari sayo. Kai, hindi ko kakayanin kapag nawala ka." saad ko at ngumiti naman siya.

"Huwag mong isipin yon ang mahalaga ay nandito na ako sa tabi mo at kausap mo. I'll be very careful next time." reassure niya at tumango na lang ako. "Paano mo nga pala nalaman na naaksidente ako?" tanong niya.

"Kiana called sinabi niya na nasa hospital daw siya." saad ko at umiling naman siya.

"Si Kiana talaga." sambit niya.

"Don't blame your sister for calling me. Nag-alala lang yung tao." sambit ko.

"Kumain ka na diyan at magpapahinga lang ako." sabi niya at tumango naman ako. "Huwag mo kong iiwan ah." bilin niya.

"Never." sagot ko na nagpangiti saming dalawa.

...
4 chapters to go....

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon