Hindi ko alam kung bakit nasa ospital si Kiana. Bakit siya umiiyak? Anong meron? Yan ang mga tanong na pumapasok sa isipan ko. Halos mataranta na ako habang binubuksan ko ang ignition ng kotse ko. Minadali ko ang pagdadrive pero may banggaan na naganap malapit sa area ng hospital kaya medyo natraffic ako.
Pagdating ko doon ay napakaraming tao. Probably because of the accident I saw. Ito kasi ang pinakamalapit na hospital don sa nangyaring aksidente. Kaya probably dito dinala yung mga nasugatan or something.
Pumunta ako sa reception area at hinintay na iassist ako. Hindi na ako mapakalo sa kinatatayuan ko at akmang tatawagin na sana ang atensyon ng nurse na hindi na rin magkandaugaga dahil sa dami ng bumibisita ay may tumawag sakin.
"Dee!" tawag sa akin at napalingon ako. Nakita ko si Paolo na gulo gulo ang buhok at mukhang kagagaling lang ng trabaho.
"Paolo. Ano bang nangyari?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako na tila ba iniisip niya kung tama ba na nandito siya.
"Mabuting sa taas mo na lang malaman." saad niya.
"Eh paano yung doon? Baka harangin tayo." saad ko at tiningnan ko na tinanguan niya lang yung nurse na napatingin samin.
"Okay na. Tara na." saad niya at napakunot naman ang noo ko pero sumunod pa rin sa kanya.
"Ano ba kasing meron? Bakit umiiyak si Kiana?" tanong ko ng makapasok sa elevator.
"Sa taas mo na lang malalaman." saad niya at nainis naman ako pero hindi ko inexpress at hinayaan na lang siya.
Nang makarating kami sa taas ay nakita ko sina Tita na umiiyak kay Tito at si Kiana na inaalo ni Primo. Nandon din si Sheena na inaalagaan ang mga bata.
"Tita, what happen?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanila at mas lalong umiyak si Tita.
"Iha..." sambit ni Tito. Paolo took care of Tita before Tito pulls me away from the commotion.
"Iha, please stay calm, okay." sabi ni Tito sa akin.
"Tito, just tell me what happen. Kinakabahan na ako dito oh." saad ko at bumuntong hininga naman siya.
"Kai is in the OR. Unfortunately, he got involve with the accident. I know you saw the accident." saad niya at napatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko. Sobrang sudden naman non. Akala ko yung aksidenteng yon e kagaganap lang. Nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Tito at don na bumuhos ang luha ko.
Kaya pala sobrang kabado ako kanina. Yun pala ay may mangyayaring masama kay Kai. Sinabi ko lang naman na hindi ko muna siya papansinin hindi ibig sabihin non ay hindi ko na siya makikita.
"Shh, iha. The doctors are going to save him." sabi niya sakin to make me calm.
"A-ano po bang nangyari?" tanong ko kay Tito habang humihikbi.
"Drunk truck driver na nagswerving sa lane. Kasunod ng truck si Kai and I raise my son well. I know na iiwas siya doon. Saktong pag-iwas niya ay ang pagkawala naman ng kontrol ng truck driver. Nasapul siya nito pati yung ibang vehicle." kwento niya at mas lalo akong naiyak. Tumango ako at lumapit kay Tita. Niyakap ko siya at nag-iyakan kaming dalawa.
...
Hours passed by and still nandito parin kami sa labas ng OR. Wala paring lumalabas na doctor galing sa OR. Sabi ng mga pulis samin ay hindi naman daw masyadong naapektuhan si Kai nung nirescue nila pero he lost a good amount of blood and lost consciousness."Dee, kumain ka muna." sambit ni Primo at binigay sakin ang McDo na binili nila ni Paolo I guess. Kanina pa kasi ako nakatulala dito after kung kumalma. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng mapait. He hugged me tightly and again tears started to fall from my eyes.
"I blame myself, Primo. Kung hindi lang ako dakilang tanga na iniwas-iwasan pa siya noon hindi siya mapupunta sa sitwasyon na to." saad ko at he just shushed me.
"Hindi mo kasalanan, Dee. Accident do happen everytime nasaktuhan lang si Kai. Don't blame yourself. Kai will be so mad at you kapag nalaman niyang sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. Kumain ka na." sabi niya at tumango naman ako. I tried to eat pero wala talaga akong gana eh.
After kung ibigay ang hindi ko naubos na pagkain kay Primo ang siyang paglabas ng doctor sa OR.
"Sino po ang relatives ni Kai Buenaventura dito?" tanong nito at agad naman lumapit ang parents ni Kai.
"Ano na pong lagay niya, Doc?" saad ni Tito.
"He is okay, Mr. Buenaventura. We need to transfer blood into his system because honestly, he lost a lot of it. Buti na lang at may type ng blood niya sa blood bank at nabigyan ulit namin siya. Also, medyo nagbent ang ilang buto niya, I think because of the impact. It is a miracle na yung ganong aksidente ay lost of blood lang ang natamo niya at hindi siya napipi doon. I will let you all know na kapag natransfer na namin siya sa normal room. Anytime right now, pwede na siyang magising." saad niya. He was about to go when he go back again.
"Also, habang inooperahan namin siya, he is in high fever. Maybe yun din ang rason kung bakit medyo hindi niya naiwasan ang truck na sumagasa sa kanya. Police said he lost consciousness but I think he lost his consciousness way before na mangyari yung insidente. That would be all." he said and we all both nodded. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan ng malaman namin ang kalagayan na niya ngayon.
"Thank God. He is okay now." sambit ni Primo at tumulo naman ang luha ko. Still the same Kai, I know. Yung tipong kahit hirap na hirap na hindi parin nawawalan ng pag-asa at lumalaban.
...
Napilitan akong umuwi dahil pinilit ako nila Tita. They said na kailangan ko munang magpahinga at dahil hindi naman ako makakapalag kina Tita ay sumunod na ako. I guess, I can take a break din naman. Habang kumakain ako ay tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito."Hello?" sagot ko.
"Ate Dee, gising na si Kuya." saad niya at nabitawan ko naman ang kutsara ko sa balita niya.
"Okay, papunta na ako." sabi ko at hindi na tinapos ang pagkain ko at umalis na.
...
Last mo na to this day. Bukas naman. 5 chapters to go. Enjoy reading. Xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...