Nakarating naman kami kaagad sa pupuntahan naming kainan daw. Nakita ko nga kung gaano ito kaganda at kung paano nagsisimula ang pila ng mga taong kakain dito.
"Medyo pricey dito kaya sagot mo na to." sabi niya sakin habang nakapila kami.
"Wow, pag mahal ako magbabayad, ganon?" hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.
"Edi huwag na." inis na sambit niya sabay aalis sa pila pero naabot ko bigla ang kamay niya at hinila siya pabalik sa pila.
"Joke lang. Tara na pasok na tayo." sabi ko sabay ngiti sa waiter na naghihintay sa labas na nakatingin samin.
Nakaupo kami sa may bandang likod pero sa may bintana banda. Ang cozy lang ng feeling ng restaurant na ito. Dumating na ang waiter na magseserve samin at binigay samin ang menu.
"Uhm, can I have this fettuccine chicken salad, and salted mini potatoes for appetizers and a glass of wine. Red wine." sabi niya sa waiter at hindi ko mapigilang ngumiti kung gaano siya kaarte umorder. Sumunod akong umorder at ngumiti ako sa kanya.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" masungit na saad niya.
"Wala lang. Naalala ko nung unang date natin tapos dinala din kita sa sosyal na restaurant ganon ka parin umorder may class at poise, mamsh." sabi ko at umirap naman siya.
"Lahat nalang napapansin mo." sagot niya sakin.
"Ayaw mo nun. Ikaw lang napapansin ko walang iba." saad ko sabay kindat sa kanya.
"Matuluyan ka sanang pakindat kindat." sabi niya at tumawa lang ako.
"Look, Dee. Huwag mo ng ideny. Itong baklang nasa harapan ay nagpakilig sayo ng todo mula noon hanggang ngayon." proud na sabi ko.
"Ang hangin naman. Pano pag sinabi kong may nagpakilig din saking iba?" maangas na tanong niya. Napangisi lang ako sa mungkahi niya.
"Dee, first boyfriend mo ko." I said and she stilled. Diba nahit ko trigger nito. "So pano mo masasabi ni may nagpakilig sayong iba eh ako ang una?" sabi ko at sumimangot lang siya sakin. "But I'm not taking advantage of it. Hindi kailanman magiging basehan ng pagsuyo ko ngayon sayo yung fact na ako ang una mong nobyo." sabi ko at umirap lang siya.
"This is your order, Maam and Sir. Enjoy your meal." saad ng waiter namin at inilapag na nila ang mga pagkain sa harap namin.
...
Pagkatapos kumain ay hindi na nagpatinag pa si Dee at hinila na ako kaagad papunta sa pila ng mga tao na sasakat sa London Eye. She brought out her phone and took a photo of the ferris wheel. Tapos iniharap niya sa kanya ang photo at lumapit sakin."Picture." tanging sabi niya. Sumunod nalang ako at kumuha kami ng ilang litrato. "Excited na ko. Thank you ulit sa pagsama sakin dito, Kai." sabi niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng babaeng kasama ko ngayon.
All of a sudden, the feelings I've felt before nung unang date namin kung saan nakompronta ko sa sarili ko na mahal ko na siya kahit hindi niya pako sinasagot. You know, the feeling of your heart beating faster against your chest, butterflies in your stomach, and all this cliché things that all books are pointing about. I smiled.
"Ayan na. Tara na, Kai. Magbayad ka na dali." pagmamadali niya sakin and I pull out my card and paid for the ride.
"Two please." sabi ko at tumango naman ang kahera sakin at binigay na ang pass sakin.
"Dali dali. Oh my gosh." excited na sambit niya ng makasakay na kami. Tumayo kami sa isang bahagi ng sinasakyan namin at humawak sa railing. "Ang ganda." sabi niya ng medyo nasa taas na kami. Hindi ko rin mapigilang mamangha sa view na binibigay ng London samin.
Maya maya pa'y napatingin ako sa kanya at nagsimulang tumibok muli ng sobrang lakas ang puso ko. Hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko rin ang nangyayari. Pumwesto ako sa likod niya at niyakap siya.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong niya sakin. Ipinatong ko ang baba ko sa shoulders niya at bumunting hininga.
"Please let me." bulong ko at niyakap siya ng mas mahigpit. Hindi naman siya umangal pagkatapos nun at hinayaan lang niya akong nakayakap sa kanya. Napangiti naman ako. "I miss you." bulong ko at bumuntong hininga naman siya. Hindi parin siya kumikibo habang nasa ganon kaming pwesto.
...
Nang makauwi na kami hanggang ngayon ay wala paring iniimik si Dee sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Masyado akong napaparanoid talaga kapag nananahimik siya. Marami kasing iniisip ang isang tao kapag tahimik sila. Minsan nakakakaba kasi hindi mo alam na yun na yung makakasakit sayo kaya kailangan lagi kang handa sa mga posibilidad.Nakita ko siyang nakatanaw sa balcony habang sumisimsim ng kapeng inorder niya bago kami pumasok dito ng lumabas akong cr. Nagbihis ako kaagad at lumapit sa kanya.
"Hey, mukhang malalim iniisip natin ah." saad ko at tumingin lang siya sakin. Napaclear agad ako ng lalamunan at lumapit ng konti sa kanya. "Hindi ko sinasadya na gawin kang hindi kimportable sa ginawa ko kanina. Namiss ko lang na kayakap ka kaya ko yun ginawa. Sorry, Dee." sabi ko at uminom lang siya ng kape niya.
"Why are you doing this again, Kai?" tanong niya sakin habang hindi nakatingin. "Bakit mo ulit ginagawa ang mga bagay na ito?" tanong niya sakin muli na ngayon ay sa Tagalog na.
"Dahil mahal parin kita. Hindi naman ako tumigil." sabi ko at tumingin siya sakin ng mat nagbabadyang luha sa mga mata niya.
"Eh ano si Primo? Past time?" taning niya at nasaktan ako ng pumatak na ang luha galing sa mata niya. "You don't know how happy I am when you said that. Pero late ka. Now, I don't know how to feel." sabi niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Shh, you don't have to feel, Dee. Hayaan mo kong iparamdam sayo." sabi ko at hinarap ko siya sakin. "I still love you, Dee." saad ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak galing sa maamo niyang mga mata. Natawa naman siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinonekta ang mga labi namin.
...
Short update. Baka bukas ulit. Baka lang. ☺
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...