Alas otso ng gabi ng dumating ang pamilya ni Dee sa bahay nila Kiana. Nagulat siya ng malaman na bahay pala ni Kiana yung pinuntahan niya.
"Dapat pala hindi na kita binaba sa inyo kanina." saad ko ng lumapit siya sakin upang makasabay sakin sa paglalakad papasok ng dining room nila Kiana.
"Edi hindi ako nakapagpalit. Atsaka okay na yon nagsasawa na ako sa pagmumukha mo." sabi niya sakin na ikinangiti ko.
"Nako, Dee. Pag itong mukhang to nawala sa paningin mo, baka mabuang ka." pagyayabang ko at napatsk naman siya. Nakita kong naglalakad patungo sakin ang pamangkin ko. She lift up her arms, a way of her to say that I should carry her.
"Why love?" I ask and she whispered in my ears.
"She is so pwewwy, Tiwo." bulong niya at napangiti naman ako.
"She is, no? Tito likes her." sabi ko sa bata at napatili naman ito. Anong klaseng palabas ba ang pinapanood nila Kiana dito at alam ang mga ganitong bagay? "Want me to introduce you?" tanong ko at nagtago ito sa leeg ko.
"I'm shy." mahinang sambit niya at napatawa naman ako. Naupo na ang lahat sa chair pero ang isang to ay ataw paring umalis sa akin.
"Dali na. So we can eat na." sabi ko sa kanya and she looks at me. I smiled at her at kinalabit si Dee.
"Ano?" tanong niya sakin bago humarap kay Rainne. "Hello, you're so pretty. What's your name?" tanong ni Dee sa bata. Nagtago ulit ito sa leeg ko at tumawa naman ang lahat.
"Rainne, she is asking your name. Is that the right way to talk to people?" I slightly scolded her and she waved a little hello to Dee. "Come on, don't be shy." sabi ko at humarap namang muli si Rainne kay Dee.
"Rainne." banggit niya at ngumiti naman si Dee. Kung ako nginitian ni to baka naihi nako sa kilig.
"Oh, your name is Rainne?" tanong niya at tumango naman ang bata. "Well, nice to meet you Rainne. I am Dee. Tita Dee." sabi niya at lumawak naman ang ngiti ng pamangkin ko.
"Tita Wee." banggit niya at natawa naman si Dee habang tumatango.
"Rainne, come to mommy na. We will eat na." sabi ni Kiana at dali-dali namang bumaba ang batang ito para makalapit sa mama niya.
"English talaga salita niya?" tanong sakin ni Dee.
"Yes, sinanay siya nila Paolo. Alam mo naman yang si Paolo maarte kaya ayun. Nakakaintindi naman ng tagalog yan at nakakasalita kahit papaano." saad ko at tumango naman siya.
"Sobrang cute niya. Sayang lang wala ako nung pinanganak siya." sabi niya habang nakatingin sa bata na kumaway naman sa kanya.
"She became my safe haven." banggit ko. May sasabihin pa sana siya ng nag-aya na sina Mama kumain.
...
All of us is in the backyard now. Grabe naman kung mag-usap sina Tita at si Mama. I don't blame them. Matagal nung huli silang magkita."What do you mean na Rainne became your safe haven?" tanong ni Dee sakin.
"Uhm, nung umalis ka. I guess, ever since na nalaman naming buntis si Kiana. I promise to myself na aalagaan ko ng mabuti yung magiging pamangkin ko. You know, I found another reason to be sane because of Rainne. Kasi kung wala si Rainne most probably hindi ko parin hawak ang kompanya." sabi ko at tumango naman siya.
"You love her so much, don't you?" she asks and I nodded.
"But not as much as I love you." sabi ko na ikinatahimik niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero napangiti lang ako. "Anyways, si Rainne yung nagparealize sakin na sobrang worth it pang mabuhay na kailangan kong gawin yung dapat ginawa ko na noon pa." sabi ko at tumango naman siya.
"I can see na naging blessing nga siya sa pamilya niyo. Although, Kiana and Paolo aren't really in good terms yet." saad niya at tumango naman ako.
"Wala ng nagawa ang mga parents ni Paolo ng sinabi ni Mama na titira sila sa iisang bahay eh. You know, Mom what comes out of her mouth becomes a law." sabi ko at tumango na siya.
"Naunahan pa tayo ni Dee." natatawang sambit niya at napangiti naman ako.
"Pag sinagot mo na ko then willing akong buntisin ka ng sumunod ka na kay Dee." saad ko at hinamoas naman niya ako.
"Kalokohan mo, Kai. Ewan ko sayo." naiinis na sabi niya.
"What?" amused kong sabi. "I'm just telling the truth besides kung hindi tayo naghiwalay, I feel like kasal na tayo ngayon at may apat na anak." sabi ko at napatingin naman siya sakin.
"Apat talaga?" tanong niya at proud akong tumatango.
"Syempre every two years mabubuntis ka. Hindi mo kasi mapipigilang hanap hanapin ako." biro ko at nakatikim na naman ako ng hampas mula sa kanya.
"Ang halay ng mga sinasabi mo." komento niya at tumawa naman ako.
"Hindi mahalay yun. Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ko at nagtsk naman siya.
"Sige nga. Paano mo nasabi na kung hindi tayo naghiwalay eh may pamilya na tayo ngayon?" tanong niya na nakakunot ang noo.
"Tinataning pa ba yon, Dee. Bakit pa kita papakawalan kung ikaw na yung pinakadabest na nangyari sa buhay ko?" banat ko at namula naman siya. Kunti na lang Kai.
"Ewan ko sayo." she dismisses the topic like earlier.
"Like I said, nagsasabi lang ako ng totoo. But shit happens and look where we are now. I never thought na babalik ako sa ligaw stage sayo. Kasi naalala ko ayaw ko ng bumalik sa stage na to kasi grabe ka pag nililigawan, alam mo yun, mahirap abutin." sabi ko at tumawa lang siya. "And I admire you for that, kinikilatis mo muna manliligaw mo. I guess, kaya tayo tumagal noon ng dalawang taon dahil sa pagpapakipot mo." saad ko at tumango lang siya.
"It's funny how we casually talk about this stuff." saad niya at nanahimik ako.
"Yeah, it is so casual na nararamdaman ko hindi ko na mababalik yung dati. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Hangga't wala ka pang boyfriend, liligawan at liligawan kita hangga't sasagutin mo na ko. I can wait kahit ilang taon pa yan." sabi ko and she nodded.
"Anak, let's go." yaya ng Mama niya sa kanya. I stood up and greeted her Mom goodbye and also her Dad. Sinamahan ko sila palabas ng bahay.
"Hay nako, Kai. Ang mama mo hindi parin nagbabago. Look at this, she forced me to bring these foods sa bahay. Thank you for the warm welcome, iho." saad ni Tita at tumango lang ako.
"Ingat ho kayo. Thank you din po sa pagpunta." sabi ko at sumakay na sila sa van. Lumingon sakin si Dee at kumaway.
"Bye." sambit ko at pinagmasdan ang kotse nila na papaalis na. Now na medyo nagiging close na kami, I will make sure while we were getting close unti-unti ko ring napapasok yung puso niya na naka Anti-Kai na ata.
You can do this, Kai. Siya nga hindi ka sinukuan. Ikaw pa kaya.
...
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...