Kabanata 10

1.5K 52 5
                                    

Humiwalay ako saglit bago ko ikinonekta ang labi naming muli. Si Dee na mismo ang lumayo at humakbang paatras sakin.

"Dee..." tawag ko ng nakita kung umiiyak siyang lumalayo na sakin. Bigla siyang umalis sa harap ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinundan ko naman siya hanggang sa maabutan ko siya sa may pool ng hotel na ito. "Dee, tara na ano ba? Matutulog na tayo. Gabi na oh. Tsaka anlamig lamig baka magkasakit ka. Halika na." sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Diyang ka lang. Huwag kang lalapit." sabi niya habang umiiyak.

"Tara na. Magkakasakit ka na niyan eh." sabi ko at pinigilan niya lang akong muli.

"Ano na namang kapalit, Kai? Ano na namang kailangan mo? Ilang taon na naman ako magdudusa kung hahayaan kitang lumapit sakin?" sabi niya. "I left you 6 years ago for your own sake. Ayokong masaktan ka. Kahit nasa bingit na ako ng kamatayan ikaw parin yung inaalala ko. I came back 4 years ago for you again. Kahit alam kong malabo na I take the risk. Kasi mahal kita. Kasi alam kong kahit pinagtabuyan kita noon alam kong mamahalin mo parin ako. Tapos pagbalik ko I saw you with Primo. The guy you love when I'm gone. Sabi ko sa sarili ko, okay hindi nako papatol kasi may mahal ng iba yung mahal ko eh. Ano pang laban ko? Now, I came back. Ikaw parin yung makikita ko. I came back for my business. I have no plans na magpakita sayo. Kasi alam ko na makukuha mo na agad ako. Isang ngiti. Isang yakap. Isang halik. Wala, hulog na naman ako." sabi niya. I can't help but to tear up as well.

"Hindi naman ako tumigil, Dee. I still love you. I made it very clear kanina." sabi ko habang lumuluha.

"Hindi mo rin naman sinagot ang tanong ko. Ano si Primo? Diba? If you still love me all these years I am gone, hindi ka hahanap ng iba. Kasi sabi mo mahal mo pa ako pero who am I to say that. Hindi ko kontrolado buhay mo." sambit niya.

"I'm sorry, Dee. I'm sorry I make you feel like that." sabi ko at yumuko. She smiled. Painfully. Yung tipong pati ako nasasaktan sa paraan ng ngiti niya.

"Nakakainis. I've put up this very high wall around me pero isang halik mo lang bumagsak muli. Ikaw na naman yung mundo ko. Pano naman ako? Wala na ba akong karapatang sumaya? Hindi ba pwedeng ako muna yung isipin ko? Sarili ko muna? Because I'm tired of thinking about you. All of my friends say na ang tanga tanga ko kung papapasukin kitang muli sa buhay ko. Yes, I love you, Kai. I still love you. But ako muna. Gusto ko munang mahalun yung sarili ko. Gusto ko munang maramdaman na mahal ko naman yung sarili ko kahit papaano. Because I've spent my whole life loving you to the point na kahit ako nagdoubt na kung mahal ko pa ba ang sarili ko." sabi niya at nanlumo ako. I never thought that all these efforts I have done this all she feels. I get her though. I move on by having Primo by my side.

I forget about her for the mean time pero hindi ko man lang naisip na she spent all of those years thinking about me and now I'm going to barge into her life without thinking na ako na naman ang iisipin niya.

"I'm rejecting you for now, Kai. All I can offer is friendship. If you are willing to wait, then go. Pero please wait. Hindi ko na mababago nilalaman nito eh." sabi niya sabay turo sa puso niya. "I'm sorry. I just need this for myself. Para pag bumalik na ako sayo, I am strong." sabi niya and smiled at me.

Lumapit na ako sa kanya at niyakap siya. She cried and I caressed her back to calm her down.

"Okay. Friends for now at hindi kita papakawalan no? Ano ako tanga? I will be your friend, Dee. With strings attached." sabi ko at hinampas naman niya ako.

...
The next day ay may meeting kaming muli. Dee is still sleeping when I woke up pero habang nagbibihis ako ay nagising siyang muli.

"Musta pagtulog, jumer?" tanong ko at humikab lang siya.

"Ang hapdi ng mata ko." reklamo niya at napatawa lang ako.

"Iyak ka kasi ng iyak kagabi." pangaasar ko.

"Kasalanan ng mata ko to eh. Anyways, san ka pupunta?" tanong niya at hikab muli.

Pumayag akong maging kaibigan ng isang ito. Pero parang hindi naman kaibigan ang relasyon namung dalawa eh. Para kaming magjowang nagcool off. Basta ganon. Tanggap ko naman ang desisyon niya. I guess, its time for us to love ourselves first bago namin mahalin ang isa't isa.

"May meeting kami ulit. Lunch nalang tayo sa labas mamaya. Kitain mo ko sa Starbucks yung sa tapat mga 12." sabi ko at tumango siya.

"Goodluck." sabi niya sabay higa muli sa kama. Tiningnan ko siya at nakapikit siyang muli.

"Kumain ka na. May pagkain dun." saad ko at tumango lang siya habang nakapikit. "Kumain ka na ah." sabi ko at tumango siyang muli.

"Oo na, umalis ka na." naiinis na sabi niya sabay takip ng unan sa mukha niya.

...
Dumating ako sa Starbucks ng mga 1. Nagover time ng isang oras yung meeting. Kinakabahan akong pumasok sa Starbucks pero masaya ako kasi nandon siya nag-aabang.

"Kanina ka pa andito?" tanong ko at umiling naman siya.

"Hindi, kararating ko lang rin. Tinamad ako kumilos kanina. Tara na kain na tayo nagugutom na ko." sabi niya sabay tayo at sumunod kang ako. Sumakay na kamis sa sasakyan at umalis sa Starbucks.

"Bakit ka nga pala natagalan?" tanong niya. Liniko ko muna ang sasakyan bago ko siya sinagot.

"Nadeal ko na yung tatlo. Kaya tumagal." sabi ko at tumango naman siya.

"Ilan ba dapat madeal mo?" tanong niya.

"My goal is to have three and thank God tatlo nga ang nadeal ko pero meron pang dalawa na nagaalangan at tatawagan nalang daw ako. So five na." sabi ko at pumalkpak naman siya.

"Congrats. Sana pumayag na yung dalawa." saad niya at tumango ako. Ipinark ko ang sasakyan ko sa isang restaurant at bumaba na kami at kumain ng tanghalian.

For now, I feel contented. With her by my side kahit hindi kami.

...
Update po. 😊

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon