Kabanata 17

1.3K 45 2
                                    

Kinabukasan ay may naramdaman naman akong mali. Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Hindi ko ito pinapansin nung pero dahil sobrang naiirita na ako sa tunog nito ay sinagot ko na kung sino ang tumatawag.

"Hello?" bagong gising na sagot ko. Ala sais pa lang kasi ng umaga at usually ala siyete ako nagigising para pumasok sa trabaho. Wala naman kasi akong time in at time out. May-ari nga ako diba.

"Hello, Dee. Morning." bati ng kabilang linya. Tiningnan ko ang tumatawag at nakita ang pangalan ni Kai.

"Morning. Napatawag ka?" sabi ko sabay punas ng mga muta ko sa mata. Paniguradong hindi nako makakatulog pagtapos natin.

"Oo eh, sorry kung nagising kita. Hindi kita mahahatid sa work this morning ah. Nag-aya ng reunion yung mga kabatch ko nung high school hindi naman ako makatanggi dahil ako una nilang niyaya noon at lagi nalang daw ako hindi nakakapunta sa mga reunion. Sorry, babe." paalam niya at the same time pagpapaumanhin niya.

"Okay lang. I can always book a Grab or something. Huwag mong ipressure sarili mo bilang service ko no. Anyways, parang biglaan naman ata." saad ko at bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Oo, nalaman din kasi nila na nakauwi na si Riana tapos nakauwi din yung iba kong kaklase kaya ayun mga nag-aya ng biglaan. Ang sabi kasi nila kapag biglaan ang lakad yun yung natutuloy. Simple breakfast lang naman ang gagawin namin. Naghalf day nga ako sa trabaho para masundo ko rin kayo ni Kiana mamaya." sambit niya and I nodded.

"Oo naman, tama naman sila. Enjoy ka and always be safe sa pagdadrive." paalala ko at alam kong kinikilig na naman ang gagong to sa kabilang linya.

"Namimiss na kita, damn. Sige na ibababa ko na to. Magbreakfast ka." paalala niya at napangiti naman ako don. This guy never fails to make me smile.

"Okay, bye." paalam ko sabay baba ng phone at dahil sobrang napasaya nako ni Kai ngayong umaga hindi na talaga ako makakatulog kaya napagpasyahan ko nalang na mag-ayos na para makapasok ako ng maaga.

...
Lunch na at hinihintay ko nalang ang pagdating ni Kiana dito sa store bago kami dumiretso sa kung saan. Kumakausap muna ako ng customer to buy some time.

"Yes, Maam. I think it looks good on you. May mga sizes po kami if ever na masikip sa inyo or hindi fit sa inyo but on my perspective the dress looks perfect on you po." sabi ko syempre tamang pambobola lang para kumita. Pero maganda naman talaga ang fit ng dress sa kanya. Curvy kasi ang kanyang katawan kaya bagay talaga sa kanya. I made that dress especially for curvy women.

"Alright, I'll buy this dress." saad niya at napangiti naman ako.

"Apple, pakitulungan naman si Maam. Tapos idala mo na sa counter." utos ko kay Apple and sinunod naman niya ito.

"Rhea, ikaw na muna ang bahala dito ah. Pag may problema call me." sabi ko sa kahera ko at pinaabot ko ang bag ko na nasa counter. Nakita ko na kasi ang kotse ni Paolo na nagpapark.

"Sige, Maam. Ingat po." paalam niya at nginitian ko lang siya. Nagpaalam din sakin ang security guard at ganon din ang isinagot ko sa kanya. Pumasok na ko sa backseat at nakangiting sinalubong naman ako ni Kiana sa harap.

"Oemgee, I can't wait, Ate Dee. Buti at pumayag ka sobrang busy ka pa naman." saad niya.

"I'm the owner, Kiana. Hindi naman ganon kabusy." sabi ko at tumango naman siya. "Musta life, Paolo?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sakin.

"Nako, ateng. Stress na ang feslak ko sa mag-ina ko pero love ko yang mga yan. Tsaka under the mat ako, ateng. Di ko kinekeri." sambit niya sakin. Alam kong hindi nakakaintindi ng beki words si Kiana kaya niya ginawa yon dahil alam kong mag-aaway na naman sila. Natawa na lang ako ng nakita kong kumunot ang noo ni Kiana.

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon