Nagpark ako sa isang space sa malapit na restaurant dito sa opisina ko. Matapos ko ngang kausapin si Dee sa phone ay agad ko siyang sinundo.
"Sure kang wala ka talagang hangover?" pangilang beses na tanong ko. Syempre malay mo eh masakit pala ulo niya tapos lumabas pa kami edi magkasakit pa to. Bumaba na kami sa sasakyan ko at naglakad patungong entrance.
"Wala nga. Kulit nito. Dapat nga ikaw tinatanong ko niyan eh. Uminom ka rin kaya kahapon." sabi niya at pinagbuksan siya ng pintuan ng restaurant.
"Okay lang ako. Atsaka unti lang yung ininom ko no. Ikaw yung nakipagtagisan sa inumin kina Kiana." sagot ko.
"Table two po sir?" tanong ng waitress sakin. Tumango naman ako at iginiya niya kami na sumunod sa kanya. "Tawagin niyo lang po ako, sir kung may kailangan kayo." sambit niya. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Dee sa waitress.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakita kung paano niya ko inignore na parang wala kang kasama. Masasampal ko yung haliparot na yon." saad niya at natawa naman ako.
"Wag kang mag-alala, Dee. Sayo parin naman ako kahit tingnan pako nila." saad ko.
"Sus. Asawa nga nasusulot eh tayo pa kayang hindi pa magkasintahan." saad niya at mas lalo akong napangiti. Hindi ako naoffend sa hindi pa nga kami kasi totoo naman. Ang cute cute niyang magalit. "Anong nginingiti ngiti mo diyan?" tanong niya sa akin at umiling lang ako.
"Order na tayo." sabi ko at inirapan niya lang ako.
...
"Tapos pupuntahan niya ngayon si Sheena?" tanong niya sa akin. Kinwento ko kasi na nagwawalang dumating si Primo kanina sa opisina at ang gaga ay naintriga kaya ayan todo tanong sa akin."Oo. Syempre sinunod ko utos mo na pagbatiin yung dalawa. Ewan ko nalang kung anong nangyari ngayon." sabi ko sabay subo ng pagkain na inorder ko.
"Hayst. Grabe mga happenings sa buhay natin." komento niya sabay kain din.
"Ayaw mo bang pag-usapan yung atin naman?" tanong ko sabay taas baba ng kilay ko.
"Ewan ko sayo, Kai." sagot niya sakin sabay irap.
"Syempre, nagaassure lang ako." sabi ko at tumingin naman siya sakin.
"Hindi mo na kailangan ng assurance, Kai. As long as I keep you with me you are assured." banat niya. Jusko mukhang malaki laki na ang deficit ng score namin ni Dee ah.
"San mo gustong pumunta ngayon?" tanong ko at tumingin lang siya sakin.
"Wala ka bang trabaho? Tapusin mo na muna trabaho mo." sabi niya.
"I can cancel my appointments naman." sagot ko.
"Ayoko. Magtatrabaho ka at dahil wala kang sekretarya ngayon ako magiging secretary mo. Tapos pag natapos mo na lahat ng gawain mo tsaka tayo lalabas." sambit niya at tumango naman ako.
"Okay, boss." sabi ko at ngumiti siya sakin.
...
Alasingko na ng matapos akong magtrabaho at katulad nga ng sinabi ni Dee ay hinintay niya ko hanggang matapos ako. Tinulungan niya rin ako kahit ilang beses ko ng sinabing wag na."Sa inyo na lang tayo. Ayaw kong umuwi ng bahay." sabi niya habang nagdadrive ako.
"Ano namang gagawin natin sa condo?" tanong ko at medyo nagisip muna siya.
"Netflix. Dating gawi. Yung tipong matatapos natin in one seating yung buong season ng isang show." sabi niya at ngumiti naman ako.
"Namiss ko yun. Sige, sabi mo eh." niliko ko na ang sasakyan ko dahil akala ko nga pupunta kami sa kung saan.
Nakarating na kami sa condo at agad namang nag-order si Dee ng hapunan namin which is three boxes of pizza para sa buong magdamag na panonood ng series na matitipuhan namin. Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng tinawag niya ako.
"Hmmm?" tanong ko sabay lingon sa kanya. Nagulat ako ng hinalikan niya ako at syempre magpapabebe pa ba ako. Hinalikan ko siya pabalik. Umalis siya sa pwesto niya at kumandong sakin. My hands automatically snaked its way to her waist and I pulled her closer to me.
Natigil kami ng tumunog ang phone ko. Pero hindi ko muna ito pinansin nung una at patuloy parin siyang hinahalikan. Nang pangatlong beses na itong nagring ay lumayo na si Dee.
"Sagutin mo muna yan." sabi niya habang hinihingal. Hinalikan ko muli siya bago dinampot ang phone ko na nasa side table. Nakaupo parin siya sa hita ko at pinagmamasdan ako. Bago ko sagutin ang tawag ay hinalikan ko siyang muli at natawa naman siy.
"Hello?" sagot ko.
"Kai! Thank Heavens you answered. It's me Riana." sabi ng kabilang linya.
"Sino?" tanong ko. Hindi ko naman alam na may ganito pala akong kakilala.
"Silly, guy. Ako to si Riana Echavez. Yung kababata mo noon." paliwanag niya at nanlaki naman ang mata ko.
"Kailan ka pa nakuwi ng Pinas?" tanong ko at tumawa siya sa kabilang linya. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dee at hinapit ko lang siya palapit sakin.
"Kanina lang. Hang out tayo. Tagal na nating hindi nagkita eh." saad niya at napangiti naman ako.
"Sige lang. Kailan ba?" tanong ko.
"Libre ka ba bukas? After work?" tanong niya. Inisip ko muna kung may gagawin ako bukas bago sumagot.
"Sige bukas. May isasama pala ako ah." sabi ko at tumili siya.
"New boylet? O asawa mo na?" tanong niya. Alam niya na bakla ako dati pa. Hindi kasi talaga ako mahilig makipagkaibigan sa mga lalaki noon. Karaniwang kaibigan ko ay babae at gusto ko rin yung mga ginagawa ng mga babae kaya matagal na akong ladlad sa pamilya ko pati sa mga kaibigan ko noon.
"Hindi, boylet. Lalaki na ko." saad ko at mas lalo siyang napatili kaya inilayo ko ng unti ang phone ko sa tenga ko.
"Ay bet. Sige bukas. I'n so excited tl meet her. I mean, who would have thought that this girl change Kai. Parang dati tinatry ko lang eh." saad niya. It's true. Tinry kong ligawan noon si Riana peor sadyang gusto ko ng lalaki noon at sadyang matindi lang ang pagkakapana ni Kupido sakin para mabaliw ng todo kay Dee.
"Sige, bye." sabi ko sabay baba ng telepono. I smiled at Dee and gave her a peck.
"Sino yon?" tanong niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"You'll know, bukas and I am sure na magugustuhan mo siya." sabi ko at tiningnan niya muna ako bago ako hinalikan muli.
...
Meet our newest addition, Riana. Anong feel niyo sa kanya? Magiging mabait ba siya or not? Anyways, mag-uupdate ako bukas probably medyo gabi na. Enjoy this double updated. Xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...