Kabanata 4

1.9K 56 5
                                    

Dumating kami sa bahay nila matapos ang ilang minutong byahe. Dahil nga gabi na at hindi pa ko naghahapunan inimbeta ako ni Dee para maghapunan sa kanila. Actually, tinapos ko lahat ng gawain ko kanina. Kaya okay lang kahit hindi ako makabalik sa trabaho.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at bumaba na. Bumaba na rin si Dee at sinundan ko siya papasok sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit pero agad siyang tumakbo ng may mapansin. Nakita ko ang puting kotse na nakaparada sa garahe nila.

"Kanino naman to?" bulong ko at sinundan na ang nagmamadaling babae. Pagkatapak ko sa porch nila ay nagulat ako ng nakita ko ang magulang niya sa pintuan.

"Mommy, hindi ko alam na darating kayo." narinig kong sabi ni Dee. Bigla akong kinabahan. Malaki ang kasalanan ko sa anak nila at natatakot ako na baka paalisin ako ng mga ito.

"We wanted to surprise you." sabi ng daddy niya na hindi pa ako napapansin.

"Oh." tanging sambit ng Mommy niya ng mapansin ako.

"Uhm, good evening po Tita, Tito." bati ko habang nahihiyang nakayuko.

"Grabe nga naman ang panahon, you've grown a lot more mature now, Kai." saad ni Tita at lumapit sakin. Niyakap ko naman siya ng niyakap niya ako.

"Sorry po." bulong ko at hinagod niya lang ang likod as if she's telling me that it's alright. It is not my fault and will never be. Tito gave me a manly hug and I uttered the same word too.

"Balita ko business man ka na ngayon?" saad ng papa niya at tumango naman ako.

"Ahh, opo. Dad gave the company to me na. Naghahandle parin siya kahit papano pero most of the time ako na po talaga." saad ko at tumango naman siya.

"Hindi ko lubusang matanggap na successful kayong dalawa. Parang dati palang sabay pa kayong pumapasok nung kolehiyo kayo." komento ni Tita at mapayuko naman ako sa pag-alala niya ng nakaraan.

"O siya, nagdinner na ba kayo?" tanong ni Tita.

"Yun nga, Mommy. Hindi pa. Uhm, hinintay kasi ako ni Kai sa trabaho." nahihiyang sambit ni Dee. Kung nakikita ko lang siguro ang itsura niya siguradong maasar ko siya dahil alam kong namumula na ang mukha niya sa hiya.

"Oh, bakit Kai pinopormahan mo bang muli itong anak ko?" seryosong tanong ng Daddy niya. Kinabahan naman ako at tumango.

"Opo, Tito." sinserong saad ko. Tumango lang siya at tinapik ang aking balikat habang ang Mommy niya ay napangiti lang sakin.

"Anyways, let's eat na masyadong late na ang hapunan niyong dalawa and I'm sure pagod kayong dalawa sa trabaho niyo." saad ni Tita at nagpunta na kami sa dining area upang kumain.

...
Pagtapos maghapunan ay nagpaalam na akong umuwi. May gagawin pa kasi akong report bukas para sa trabaho.

"Sigurado ka bang ayaw mong dito na lang matulog?" offer ni Tita.

"Hindi na po, Tita. Medyo malapit na rin po ang condo ko dito. Tsaka may gagawin pa po kasi ako." saad ko at tumango lang siya.

"Dee, ihatid mo ang bisita mo." saad ni Tito at bilang masunurin na anak ay tumayo na si Dee. Muli akong nagpaalam sa mga magulang niya at tahimik naming tinungo ang labas kung saan nakaparada ang kotse ko.

"I'm glad that your parents aren't mad at me." I break the silence.

"Kilala mo sila. Hindi sila mapagtanim ng sama ng loob. They were mad at some point but it fade away rin." sagot niya at tumango naman ako.

"Hindi kita mahahatid sa trabaho mo bukas ah. I have an early meeting with the investors. Sa gabi nalang." sabi ko at bumuntong hininga naman siya.

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon