The next day hindi ko nasundo si Dee. Kailangan ko kasing pumasok ng mas maaga dahil may surprise ako sa kanya mamaya. Pinagpaalam ko na rin siya sa magulang niya kaninang umaga. I am planning to take her with me sa business trip ko sa London. Not because I am pursuing her to be mine again but because I want her to be there for me. Like company lang ganon.
I am finalizing my reports for Friday sa London when my phone rang. I look at the caller and smile.
"Miss mo na ko?" bungad ko and I heard her scoff.
"Bakit kailangan kong mag-impake? Sabi ni Mommy." saad niya at napangiti lang ako.
"Hello, Dee." pang-aasar ko. I heard her groand from the other line.
"Kai, trust me you don't want to tease me right now. Kung hindi mo sasabihin kung anong gagawin ibaba ko to at hindi na kita kakausapin pa." gigil na sabi niya.
"Okay, chill. Gusto ko lang ng kasama sa London." sabi ko.
"Eh bakit ako pa?" tanong niya at napairap naman ako at pinirmahan ang pinapapapirmahan sakin ni Sheena.
"Alangan namang si Kiana eh nag-aalaga kay Rainne yun. Hindi pede yung sekretarya ko kasi may bata rin yon. Atsaka think of it as a trip. Libre na pamasahe mo." saad ko.
"Waw, so gagawin mo kong secretary don." saad niya at napabuntong hininga ako.
"No, Dee. I just want you to be there. Atsaka I remember na pangarap mong mag-London diba. I'm achieving your dreams for you." sabi ko. Ngayon palang nakikita ko na ang pagkunot ng noo niya kahit hindi ko naman talaga siya nakikita. "So, payag ka ba?" tanong ko.
"Ilang araw ba don?" tanong niya matapos ang napakahabang katahimikan. Napangiti ako sa tanong niya tsaka siya ininform sa trip na ito.
...
Nandito ako sa tapat ng bahay nila. Alas dose ng umaga ang flight namin. Kaya alas diyes pa lang ay nandito na ako para sunduin siya. Nakita ko naman ang paglabas niya dala ang isang maliit na maleta."Siguraduhin mo lang na limang araw lang tayo dun. Remember, Kai, I have a business here at napeperwisyo mo ako." sabi niya sakin. Hindi ata nakaday off to sa trabaho niya ang sungit.
"Pwede ka namang tumanggi." pang-aasar ko ng kuhain ko na ang maletang bitbit niya.
"Papayag ka ba?" balik niya sakin at napangiti ako. Umiling ako at tumango siya. "See. No choice ako." saad niya at tumango nalang ako.
"Fair point. Huwag tayong masyadong masungit, Madam." sabi ko sabay kindat sa kanya at ngiti.
"I hate your smile." saad niya at napangiti ako lalo.
"I miss your smile, Dee." sambit ko at natigilan naman siya. "Tara na at baka malate pa tayo. Dun nalang tayo kumain ng hapunan." sabi ko at sumakay naman siya agad ng sasakyan ko.
...
After 15 hours of flying, nakarating na kami kaagad sa London Heathrow Airport dahil may kakilaa ako sa airlines ay nakakuha ako ng one flight papuntang London."Minsan ishare mo sakin yung mga kakilala mo sa airlines. Ang hassle kasi kapag naglilipat pa ng eroplano." sabi sakin ni Dee na halata na ang pagod.
"Sabihin mo lang kung saan ka pupunta at gagamitan ko ng koneksyon yang kahirapan mo." saad ko at napangiti naman siya.
"London air." rinig kong bulong niya. Tumawag na ako ng taxi para makapunta na kami sa hotel na binook ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakacheck in na kami at dire-diretso siyang humiga na sa kama. Nilagay ko na muna sa gilid ang maleta naming dalawa.
"Sigurado ka bang okay lang sayo na isa lang kinuha nating kwarto. Dalawa naman pinareserve ko." sabi ko. Kanina kasi sa lobby nag-insist siya na isang kwarto nalang kami.
"Oo. Atsaka gagastos ka pa no. Parang hindi tanga to. Matutulog lang naman tayo wala tayong gagawin." sabi niya habang nakapikit. Umiling na lang ako at umupo sa kama.
"Magpalit ka kaya muna bago matulog." saad ko at bumangon naman siya.
"Uulitin ko ulit. Bakit mo ko sinama dito?" tanong niya. Anlayo ng sagot niya sa sinabi ko ah.
"Like I said, gusto ko lang ng kasama. Hindi kita gagawing sekretarya o giangawa ko to dahil nililigawan kita and also, this is your dream." sabi ko. I am telling the truth bakit ba ayaw maniwala ng babaeng to.
"Talaga lang? No funny business?" tanong niya.
"Oo, wala. Malinis intensyon ko. Nasa saiyo nalang yon kung bibigyan mo ng meaning." sabi ko at hinampas naman niya ang braso ko.
"Bakit ako pa ang maglalagay ng meaning? Gagong to. Diyan ka na nga." saad niya sabay tayo at kuha ng damit niya mula sa maleta niya.
"Malay mo ikaw lang talaga naglalagay ng meaning kaya nag-aalangan ka parin hanggang ngayon kahit na nandito na tayo." pang-aasar ko.
"Nye nye. Talk to my hands." saad niya sabay pasok sa cr at sarado nito. Kahit kailan tong babaeng to ansarap asarin.
"Bilisan mo kakain tayo sa labas. May alam akong masarap kainan ng breakfast." sigaw ko. Alam kong narinig niya ako pero hindi nalang soya sumagot. "Yan ah. Kakain lang tayo baka bigyan mo pa ng meaning yan." pang-aasar ko pa lalo.
"Pakyu, Kai. Bahala ka mag-almusal mag-isa mo." sigaw niya galing sa banyo. Hindi ko mapigilang tumawa kahit alam kong hindi siya nagbibiro sa paratang niya hindi ko parin maiwasan.
...
"Hoy, pansinin mo naman ako. Para naman akong tanga na kumakausap ng hangin dito eh." sabi ko. Nandito kami ngayon sa isang cafe na sinabi ko sa kanyang masarap kainan ng almusal.
I still didn't get any answer from her. Napabuntong hininga nalang ako at kumain na pero pinagmamasdan parin siya habang kumakain.
"Hindi mo talaga ako papansinin?" nagmamakaawang tanong ko.
"Ginawa mo yan sa sarili mo panindigan mo. I did warn you." sabi niya sabay higop ng tsaang inorder niya.
"Sorry, Dee." I sincerely said. Probably yun yung sorry na nabanggit ko sa buong buhay ko na may double meaning. I'm not just saying sorry for teasing her earlier. I'm saying sorry din sa lahat ng ginawa ko sa kanya.
"Apology accepted. But still, manigas ka diyan." sabi niya at nanlumo naman ako. Inaya ko siyang dumaan muna sa Hyde park bago kami magpahinga sa hotel. Nakita ko kung pano siya mahirapang kumuha ng selfie.
I get her phone from her hands. She was about to protest when I put my hands up so she can't reach her phone.
"Again, sorry for teasing you earlier. Now, ako na kukuha ng litrato sayo. Pansinin mo lang ako." saad ko at umirap naman siya.
"Next time, hindi lahat ng biro mo nakakatuwa at ibahin mo ang Dee noon sa ngayon. Alright?" saad niya at pumwesto na kung saan gusto niya. "Now, that you offered. Galingan mo ang pagkuha ng picture." sabi niya at napangiti na lang ako.
She is right. Dee before is nothing compared to Dee now and that makes her more special to me.
It makes me fall in love with her more.
...
London trip sa mga susunod na chapter. Thank you sa suporta sa librong to pati sa Want You Back grabe kayo isang linggo palang napupublish tong librong to eh 500+ reads na agad ang meron. Maraming maraming salamat. Also, kung gusto niyo maspoil sa mga upcoming works ko bisitahin niyo profile ko tapos click niyo yung description. Sana magawa ko lahat ng nakalista na libro dun.And also comment kayo kung ano yung upcoming project na gagawin ko ang pinakaexcited kayo? Thank you ulit.😊
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...