Kabanata 30

2K 52 6
                                    

Pagkatapos namin kumain ay agad niyang pinaligpit sakin ang pinagkainan namin. Nagulat ako ng pagkatapos kong hugasan ang isang plato ay piniringan niya ako. Hindi ko alam kung ano yung sorpresa na sinasabi niya. Kinakabahan ako kasi mamaya kung ano ano na naman ito.

"Dahan dahan, mahal." sambit niya ng simulan na niya akong palakarin.

"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. Kapit na kapit ang mga kamay ko sa mga braso niya.

"May papakita lang ako sayo sa labas. Pramis hindi ka na magagalit sakin kapag nakita mo na to." sambit niya. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan hanggang sa maramdaman ko ang malambot na sahig. Ibig sabihin nasa labas na kami at patungo na sa dagat dahil unti unti ko naring naririnig ang alon ng dagat na humahampas sa mga buhangin.

"Okay, ready, babe?" he asks and I nodded. Unti-unti niyang tinanggal ang piring saking mata. Hindi ko makita nung una ang buong paligid dahil nag-aadjust pa ang aking nata matapos nitong matakpan. Nakarinig ako ng tunog ng gitara at nakita ko si Kai na kasama ni Mang Nestor. Si Mang Nestor ang naggigitara at mukhang kakanta naman si Kai.

~Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you~

~Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?~

Tumingin ako sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Nagkalat ang mga triangle na ilaw sa paligid at nakatayo kami ngayon sa ilalim ng parang makeshift na tent. Unti unti akong naging emosyonal sa nakikita ko.

~Like a river flowsSurely to the seaDarling, so it goesSome things are meant to be~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be~

~Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you~

Nagpatuloy lang sa pagstrum si Mang Nestor at unti-unting lumapit sakin si Kai na may ngiti sa kanyang labi. Ngumiti ako pabalik at hindi inaasahang tumulo ang luha ko.

"Dee, I've known you halos kalahati na ng edad ko. You are my first crush. You are my first girlfriend. You are my first love. Unang kita palang natin ay sinabi ko na sa sarili ko na tinamaan na ako ni kupido sayo. I even doubted my gender when you came into my life. You make me a man I never thought I would be. Kaya ginawa ko ang lahat para mapasakin ka noon and I got you. Pero kasama ng mga first na yun ang malungkot na first. You are my first heartbreak. Gumuho ang mundo ko ng iwan mo ko. Halos mapariwara ako ng landas ng iwan mo ko. I thought that I am not enough to be with someone. You came back and made me believe that I never stop loving you. Nagpahinga lang ako. Now, that we are here. I will confess my whole love to you. Sorry for everything that I have done, mahal ko. Pero all in all, I want to ask you this and I hope your amswer will make me the happiest man alive." mahabang sabi niya. Naiyak ako lalo ng nakita ko siyang lumuhod sa harap ko.

Want You Forever (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon