Nakarating na rin kami sa wakas. I really hate long drives. Nakakangawit kasi sa pwet yung nakaupo ka lang. Pagkadating namin don ay agad namang tumakbo si Rainne sa tito niya. Mahal na mahal nitong batang to si Kai.
"Well, tara na pasok na sa loob." saad ni Kiana at nagulat ako ng umangkla sakin si Primo.
"Warla kayo?" tanong niya sakin. Napansin kong nakasunod sa kanya si Sheena tsaka yung anak nito.
"Oo. Mahabang kwento." sabi ko kaagad kasi baka magpakwento.
"Ay nga pala, alam kong kilala mo na pero papakilala ko parin." sabi niya at sabay akbay kay Sheena na ikinabusangot naman nito. I smiled at them.
"Si Sheena, secretary ni Kai. Sheena si Dee, almost girlfriend ng boss mo." saad niya at ngumiti naman sakin si Sheena.
"Finally, nameet ko na rin yung pinagdadalhan ni Sir ng sandamakmak na bulaklak. Grabe walang patawad mula umaga hanggang gabi may paflowers si Sir." sabi niya at natawa naman ako.
"Oo nga eh. Hindi ko na alam san ilalagay yung iba." saad ko at kinamayan siya.
"Ito naman si Macy, anak ko." sabi niya at nagwave naman yung bata sakin.
"Anak namin." pagtatama ni Primo at nanlaki ang mata ko pero hindi na nagcomment nung nakita kong nakatingin na ng masama si Sheena kay Primo dahil sa sinabi nito. Umupo ako para maging kalevel ko si Macy.
"Hello, gusto mo sakin ka muna sumama? Hayaan muna natin si Mommy mo." saad ko at tumango naman siya. Dahan dahan naming nilisan ang dalawa na nagbabangayan na.
...
Sumapit ang gabi at nandito na kami sa restaurant sa resort na ito. Dahil big time naman sina Kiana ay pinareserve nito ang buong resort para sa birrhday ng kanyang anak. Si Kai ay nasa tabi ko karga karga si Rainne na kakahipan lang ng candle sa cake niya. Ako naman ay nagbebaby sit kay Macy dahil gusto kong magkasundo muna yung dalawa bago nila makuha yung anak nila. Kung titingnan parang kami ni Kai yung nagpabirthday sa anak namin tas may isa pa kaming anak.Tinukso na kami dito pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya iniimik. Hindi ko kasi alam kung pano siya iaaproach dahil kasama niya lagi si Rainne.
"Tita Dee, ayaw ko na po." saad sakin ni Macy at ngumiti naman ako.
"Ano pang gusto mo? Ice cream?" tanong ko at tumango naman siya. Mukhang narinig ni Kiana ang usapan namin at pinaserve na ang ice cream.
"Okay, paspeech muna. Una sa lahat, thank you sa pagpunta at dinaluhan niyo kami sa 4th birthday ng princess ko. Thank you kina Tita at Tito na laging nakaagapay samin. Kay Mama at Papa salamat din po sa pagasikaso ng resort na ito. Ang wish ko lang sa prinsesa ko ay sana lumaki siya ng tama, may takot sa Diyos at magalang. Nawa'y makaimplewensiya sa kaniya ang mga taong nasa paligid niya." sabi ni Paolo at nagsipalakpakan naman kami.
"Magpapatalo ba yung Mommy?" saad ni Jade na ngayon ko lang nakita uli pagkatapos nung pacoming home party ko.
"Syempre hindi. Uhm, una sa lahat, happy birthday, anak. Love ka ni mama at papa. Salamat sa mga dumalo na kahit sobrang hectic ng schedule niyo ay dumalo parin kayo. Thank you Mama at Papa sa pag-aalaga minsan kay Rainne kapag wala kami ni Paolo. Thank you Kuya sa pagtulong samin na palakihin si Rainne bilang sweet na bata ngayon. Thank you din po Tito at Tita sa walang sawang suporta. Nagkamali man kaming dalawa ng maaga pero tinanggap niyo parin kami at sinuportahan. Ang wish ko lang sa aking bebe na sana ay matupad mong lahat yung mga dreams mo na sinabi mo samin. Lagi kaming nandito ni Mama at Papa at ang mga tao sa paligid mo para gabayan ka. I love you." sabi niya at tumulo ang luha niya. Napangiti naman ako. Inutusan naman ni Kai na pumunta si Rainne sa mga magulang nito at bigyan ito ng halik sa pisnge.
.
Matapos ang celebration ay napagpasyahan na iistay sa mga oldies ang dalawang bata habang kami ay magiinuman dito malapit sa shore. Medyo tinatamaan na rin ako ng alak kasi nakarami na rin kami."Kaya pa?" tanong ni Kai sakin. Kanina pa siya tanong ng tanong kung okay pa ako. Tumabi din siya sakin kaya heto kami magkatabing muli.
"Yes. I can handle drinks, Kai." sabi ko ulit dahil makulit tong lalaking to.
"Sino ba susunod na ikakasal?" saad ng isa sa pinsan nina Kai.
"Ay hindi ako. Kasal na ako eh." saad ni Kiana. Napatingin naman ito sa amin.
"Kayong dalawa wala ba kayong dapat aminin?" tanong ng pinsan ulit ni Kai. Hindi ko na kasi makita kung sino at madilim na rin.
"Anong aaminin?" tanong ni Kai ngunit may ngiti parin siya sa labi.
"Warla sila mga te." saad ni Primo at tumawa naman ang iba sa mga pinsan ni Kai.
"Jusko, warla ba yan eh laging magkadikit. Basta we can't wait na matali na ang Kuya mo Kiana." sabi ulit nung pinsan nila.
Nagulat ako ng may kumalabit sakin at nakita kong si Riana ito. Ang mga mata niya ay nagbabasakali.
"Pwede ba kitang makausap?" saad niya at tumango naman ako at tumayo.
"Saan kayo?" tanong ni Kai.
"Usap lang. Wag ka ng sumunod." sabi ko at tumango lang siya sa akin. Alam ko ang nasa isip niya. Baka sabunutan ko na lang bigla to si Riana pero maayos akong tao. Kapag maayos na nagtanong sakin kung pwede akong kausapin eh maayos din kitang haharapin kahit na may kasalanan ka pa sakin.
Medyo lumayo kami sa grupo para makapagusap na rin ng maayos. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Paprangkahin niya ba ako. Sasabihan niya ba ako na layuan ko na si Kai kasi gusto niya ito. Marami ng pumapasok sa isip ko at nawala lang ito ng huminto na kami.
"About what happen sa restaurant noon." simula niya hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kailangan ko na bang mag-alsabalutan paalis sa puso ni Kai kasi sila na. Ayaw pa kasing magsalita nito. May pabitin effect pa.
"Get to the point, Riana." saad ko at bumuntong hininga naman siya. Tanging ang hampas lang ng tubig sa dagat ang naririnig namin.
...
Pabitin. Next chapter na lang yun. Anyways, 8 chapters to go. Enjoy reading.xx
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...