The next day ay hindi ako pumasok sa opisina. Kakabalik ko lang kasi at sobrang pagod pa yung katawan ko sa byahe. Dahil nga nandito ako ay niyaya ko si Kiana dito sa bahay. Umalis na rin kasi patungong America sina Mommy at Daddy kaya ako na lang ulit mag-isa dito.
"Ahh, so umalis na sina Tita?" saad sakin ni Kiana ng makarating siya dito. Dala niya si Rainne pati si Macy. Iniwan kasi muna ni Sheena si Macy sa kanila dahil sa walang tiwala si Sheena kay Primo.
"Oo, hinatid ko sila kanina. Nakakalungkot kasi dito sa bahay kaya inaya kita." saad ko at tumango siya.
"Sobrang tahimik naman ng bahay niyo. Maingay kasi sa bahay eh dahil kay Rainne." saad niya.
"Tita Dee, pwede po ba kaming magswimming?" tanong ni Macy sakin at tumango naman ako.
"May dala bang damit yang mga yan?" tanong ko kay Kiana at tumango naman siya.
"Meron, Ate Dee. Kanina pa nagbabalak yang dalawang yan magswimming." saad ni Kiana sakin at lumipat kami sa pool area namin para mabantayan yung mga bata.
"Buti pumayag ang asawa mo na dito kayo magistay maghapon." sabi ko sabay higop ng juice na inihanda ng mga katulong samin.
"Papayag naman talaga yun. Busy din yun dahil nga pinatigil na niya ako sa trabaho ko sa kompanya namin siya na mismo nagtrabaho. Sinasabi ko nga sa kanya na sa kompanya na lang magtrabaho may incentives pa. Hindi siya pumayag kesyo daw nakakahiya kina Mama at Papa. Mataas prinsipyo non sa buhay e. Pero atlis naman kahit papano e medyo okay naman buhay namin." saad niya at tumango naman ako.
"Mahirap ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Ang alin, Ate Dee?" tanong niya. "Ang magpamilya?" tumango ako. "Oo, syemrpe sa part ko mas mahirap. Kakagraduate ko lang nun sa college eh. Bagong salta kumbaga sa mundo ng pagtatrabaho tapos nagkaanak na ko agad. Wala kang ipon. Hindi mo alam gagawin mo. Pero syempre thankful na nandyan si Paolo. Kahit papano gumagaan yung loob ko kasi hindi ako nag-iisa. Pinanindigan niya yung responsibilidad niya sakin kahit na juding siya." kwento niya at ngumiti naman siyang nakakaasar sakin.
"Bakit?" tanong ko habang kumakain ng cake.
"Ikaw, Ate Dee ah. Kausapin mo na kasi si Kuya para magpajuntis ka kaagad. Hindi na kayo bumabata jusme. Ilang taon ka na ulit, Ate? 28?" saad niya at tumango naman ako.
"Grabe ka sa pajuntis agad." sambit ko at tumawa naman siya.
"Syempre, Ate. Alam ko naman na nabigay mo na kay Kuya ang bataan mo pero syempre hindi na kayo bumabata. Well, sa kalagayan niyo sobrang financially stable naman kayo kaya okay lang. Pero kahit hindi nagsasabi sina Mama at Papa gusto non talaga makauna ng apo kay Kuya. Eh dahil nga tatanga tanga noon. Naunahan ko siya." sabi niya at umiling ako.
"Yang bunganga mo talaga." saad ko at inirapan niya lang ako ng pabiro.
"Totoo naman, Ate." sabi niya at nagkwentuhan pa kami. Nagstay pa sila ng gabi upang maghapunan sa bahay na niluto ko. Tinulungan ako ni Kiana. Sinundo sila ni Paolo sa bahay at ako na naman uli magisa sa bahay.
...
Kinabukasan nagising ako ng kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero habang naliligo ako ay inisawalang bahala ko nalang ito."Manang, gabi na po ako makakauwi. Baka hindi narin po ako maghapunan dito. Kayo nalang po bahala dito sa bahay." saad ko kay Manang at tumango naman siya.
"Mag-ingat ka, iha. Tumawag ang Mama mo kagabi at nakarating na daw silang Amerika. Hindi na kita pinagising at alam kong maaga ka papasok ngayon." saad niya at tumango naman ako.
"Basta, Manang. Ikaw na bahala dito. Alis na po ako." saad ko at umalis na nga.
.
Habang nagtatrabaho ako ay hindi ko talaga mawalawala ang feeling na parang may mangyayari. Napaparanoid na naman ako. Pumasok ako sa opisina na balisa na nahalata naman agad ng empleyado ko. Hindi rin nila ako tinawag mula sa opisina ko kasi alam nilang baka magulo ko lang ang lahat."Maam, eto na po yung pinabili niyong lunch. Okay lang po ba talaga kayo?" tanong sakin ni Apple na inutusan kong bumili ng lunch ko.
"Ewan ko nga eh. Basta kaninang umaga kinakabahan nako. Hanggang ngayon hindi mawalawala kaba ko." saad ko at tumango naman siya.
"Alam niyo, Maam. Parehas kayo ng naany ko. Ganyan rin siya kapag may nararamdamang hindi maganda pero malay niyo naman po wala lang. Pacheck up na rin po kayo kung sakali." saad niya at tumango ako.
"Thank you, Apple." saad ko at umalis na siya. Feeling ko talaga may mangyayaring hindi maganda o ano kaya agad kong nilabas ang phone ko at tinawagan ang magulang ko. Ilang ring lang ay sinagot na ito ni Mommy.
"Hello, Mom." sagot ko.
"Oh, anak. Bakit?" sagot niya.
"Nag-aalala lang po. Anyways, sinabi sakin ni Manang na nakarating na kayo diyan kagabi. Nakapagpahinga na po ba kayo?" tanong ko at tumawa naman siya sa kabilang linya.
"Itong anak ko talaga. Yes, we safely landed, iha. Don't worry too much. Atsaka yakamg yaka namin ng Dad mo dito. Anyways, I visited your shop earlier and my goodness, iha it was booming. Ang daming tao bago ko mareach si Jessica. I suggest na iexpand mo ito. Hidni kaya ng building na pinagtatayuan nito yung capacity." sabi niya at nasiyahan naman ako doon.
"Yeah, I'll check on it, Mom. Tingnan ko kung kaya ng budget." saad ko.
"Wag mo kong inaano sa budget anak. Your shop is financially stable. Building another floor isn't gonna affect the money you have." saad niya at natawa na lang ako.
"Okay, Mom. Magpapaextend na. Sige na po. Trabaho na ako. I'm just checking on you, guys." saad ko.
"Okay, take care there. I love you as always." sabi niya sabay baba ng telepono ko. Napabuntong hininga ako pero kahit na natawagan ko na si Mama feeling ko parin may mali eh.
Hapon ng magdecide akong magpahinga muna. Nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko hudyat na may tumatawag sakin.
Agad ko itong sinagot at narinig ko ang hikbi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Hello, Kiana. Why are you crying?" tanong ko at patuloy lang siya sa pag-iyak. Napatayo na ako dahil mas lalong tumindi ang kaba ko.
"Ate, please.... come here." sabi niya at naguguluhan naman ako sa inaasta niya.
"Where are you?" saad ko habang kinukuha ang bag ko at nilalabas ang susi ng kotse ko.
"At the hospital.... Vicente Cruz Hospital." pagkasabi na pagkasabi niya non ay agad akong umalis sa loob ng opisina ko.
...
Hehehe. 6 chapters to go.
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Teen FictionBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...