Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil sa meeting na gaganapin. Kailangan kong makapagdeal dito dahil nakasalalay ang future ng kompanya for the next years dito. This business trip allows evry entrepreneur from different country to deal with the otger entrepreneurs. Kaya kailangan kahit makatatlo lang ako dito ay ayos na.
Habang nagbibihis ako ay nagising naman si Dee at inaantok na tinitingnan ako.
"Ang aga mo naman." she sleepily said and I smiled while buttoning my shirt.
"Hindi pwedeng malate dito eh. Feel free to roam around the city. Promise bukas ipapasyal kita sa iba pang place dito dahil wala naman meeting bukas." saad ko at tumango naman siya.
"Para saan ba to?" tanong niya sakin.
"Kailangan kong makapagdeal sa mga investors. The company needs it so we can have bright future kapag lumipas na ang panahon. Also, investors before were worrying lalo na't next year ay bababa na si Dad sa pwesto." paliwanag ko sabay ayos ng neck tie ko.
"They don't trust you?" she asks and I sighed.
"They trust me once pero nalaman kasi nila yung nangyari so they are doubting now. Some are thinking to pull out there money. Kaya as a strategy, kailangan kong makahanap ng bago so it wouldn't affect the company that much if ever na may magpull out mang investors." she nodded and stood up.
Lumapit siya sa akin at pinaharap ako sa kanya. Kinabahan naman ako sa gagawin niya. She fixes my tie and pat my shoulders.
"You can do it." saad niya at napangiti naman ako.
"Thanks, that means a lot." sabi ko at tumango siya bago tumalikod at kumuha ng damit niya ata. "If ever na gusto mong magroam around the city, please don't refrain yourself." pag-uulit ko.
"No, matutulog na lang ako dito maghapon. Ngayon nagcacatch up yung jet lag sakin. Like you said free day mo tomorrow then we'll go tomorrow. Nandiyan lang naman yung mga gusto kong puntahan hindi naman mawawala yan." sabi niya at tumango lang ako. Pumasok na siya sa banyo pagkatapos at napangiti na lang ako sa kawalan.
Her small gestures makes me smile this much. Grabe ang epekto nitong babaeng to. Nagpaalam nako sa kanya at umalis na.
...
The next day ay nakakagulat dahil siya pa ang naunang gumising sakin. Excited siguro."Dalian mo na diyan at maligo ka na." sabi niya habang nakaharap sa salamin at nagmemake up. Pinagmasdan ko muna siya habang nakangiti ako. "Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Kumilos ka na." sabi niya habang nakakunot ang noo.
"I can get used to this." saad ko.
"Anong pinagsasasabi mo?" tanong niya at napatawa naman ako.
"Wala. Ito na po, madam maliligo na. Itong merlat nato kung di lang kita mahal najombag na kita." sabi ko sabay bulong ng last part.
"Andami mong dada. Maligo ka na." sabi niya at napailing na lang ako. Still the same bossy Dee. Pero sinunod ko naman siya. Hindi ko naman matitiis to eh.
...
Nang matapos akong maligo at magbihis ay hinila niya na ako kaagad palabas. Tutns out that while mag-isa siya sa hotel kahapon ay nagsearch na siya ng mga pupuntahan. Kumain muna kami ng breakfast bago kami naggala.Una naming pinuntahan ang Buckingham Palace. I rented a car for the whole day para hindi kami masayangan ng pamasahe para magtaxi.
"Oh wow." taning naibulalas ni Dee ng nasa harapan na kami ng palasyo. Same reaction din naman ako kahit nakailang beses nakong punta dito ay hindi ko parin makakaila na ang ganda ganda ng palasyo. "I never thought na mapupuntahan ko pa to." bulong niya na narinig ko naman.
"Bakit naman?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang manghang mangha sa palasyo.
"Syempre nga diba nagkasakit ako. I thought that was the last year of my life. Turns out that miracles do happen. The surgery went successful. Now, here I am. Nandito sa London sa harap ng Buckingham Palace. 5 years after ng surgery." self-reflect niya and I smiled.
"I'm happy na natupad ko isa sa mga pangarap mo." sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya.
"Dali kunan mo na ko ng picture." sabi niya at inabot sakin ang cellphone niya. Kinuhaan ko naman siya ng litrato katulad ng sinabi niya.
"Wait, diyan ka lang." sabi ko at naghanap ng taong pwede kong mautusan para magpicture saming dalawa. "Umm, excuse me, Maam. Can you take a photo of us?" tanong ko dun sa babae na kadadaan lang.
"Oh sure." mabait na sambit niya. Ibinigay ko naman ang cellphone ko sa kanya at pumwesto nako sa tabi ni Dee.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin.
"Remembrance." maikling sambit ko. Nagbilang na ang babae hudyat na ikiclick na niya ang capture button. Agad king inakbayan si Dee at napahawak naman siya sakin. Malawak ang aking ngisi at bumitaw ng tapos na kaming kunan nung babae. "Thank you, Maam." sabi ko at napangiti sa picture.
"Ang galing kumuha nung babae. Kung mayaman lang ako maghihire ako ng photographer ko." sabi niya sakin habanag nakatingin sa litrato naming dalawa. "Isend mo sakin yan ah." saad niya at tiningnan ko naman siya. "Bakit? Sabi mo nga remembrance." saad niya at naglakad na palayo sakin.
"Halika na, Kai. Marami pa tayong pupuntahan." sabi niya at napangiti na lang ako.
Sunod naming pinuntahan ay ang Big Ben. Katulad nung ginawa namin sa labas ng palasyo kanina ay nagpicture kami. Pumasok kami sa isang boutique shop na pwedeng pagbilhan ng souvenir.
"Pili ka lang ako na magbabayad." sabi ko sa kanya.
"Eh, ayoko nga. Ako na atsaka ikaw na nga nagbayad ng sasakyan na nirentahan, plane ticket, hotel tapos pati eto pababayaran ko pa sayo. Huwag na no. Ako na nito. Ikaw ang pumili ako na bahala." pakikipagaway niya sakin.
"Okay, madam. Surrender na ko." sabi ko at tumingin nalang ng ipangpapasalubong sa parents ko, kay Kiana at kay Rainne.
Matapos ang ilang oras, halos napuno ang basket na bitbit ko sa dami ng binili nitong si Dee.
"Aanhin mo tong ganito karami?" tanong ko at ngumiti lang siya.
"Early Christmas shopping." sabi niya at natawa naman ako.
"Antagal pa ng pasko, July pa lang." saad ko at inirapan naman niya ako.
"Ayoko kasing lumalabas ng bahay para mamili sa mga mall pag December na. Ang daming tao kaya non atsaka nandito na lang rin naman ako kaya binili ko na. Babalutin ko na lang sa December yan." sabi niya.
"Iba ka din." sambit ko at kinuha niya sakin ang pasalubong sa pamilya ko.
"Ako na magbabayad niyan. Akin naman yan eh." sabi ko. Sinimangutan niya lang ako. "Okay, okay. Jusko te kalma. Masyadong mainit ang ulo." sabi ko at lumayo na lang sa kanya at baka masapak pako nun.
Tsaka na lang ako lumapit ng natapos ng ipackage ng kahera ang pinamili niya.
"Saan na tayo sunod?" tanong ko. Maggagabi na rin kasi. Tinanghali nako ng gising kaya medyo unti lang ang napuntahan namin.
"London Eye. May kainan don banda tapos sakay tayo." sabi niya.
"Plinano mo na to lahat no?" sambit ko ng makasakay na kami sa sasakyan.
"Syempre. Dali masyadong maraming tao pag gabi kaya mauubusan tayo ng upuan sa kainan dun." saad niya at tumango ako at pinaandar ang kotse.
...
Ito na po yung update. ☺
BINABASA MO ANG
Want You Forever (Book 2)
Fiksi RemajaBook 2 (Sequel). Missed oppurtunitues. Isa yan sa mga kinahihinayangan ng tao. Kesyo dapat mas pinili na lang yung ganitong desisyon kaysa sa isa and Kai Buenaventura is one of those people who experience missed oppurtunities. Hindi niya akalain na...