"Keisha!" Natigil ang pag subo ko sa ice cream ng tawagin ako ni Mama.
"Bakit po?" I asked and looked at her.
"Pinalabas ka ni Prof Lee?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Wait, paano niya nalaman? Umayos ako sa pag kakaupo bago hinarap si Mama.
"Fake news." I said and smiled. Nanliit ang dalawang mata niya. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko..
"Don't lie to me." Wow! spokening dollars ang mama ko.
"Bakit? Chat mate ba kayo ni Prof, Ma?" Mama glared at me. I blew out a loud breath.
I sighed and nodded. "Sorry na, Ma."
"You're 15 minutes late! Maaga ka namang umalis dito ah!" Napakamot ako sa ulo ko. Wala na akong kawala. Mahaba habang explanasyon ito.
Nang matapos akong mag paliwanag kay Mama, sinermunan pa muna niya ako bago pinakawalan. Sa study table ako dumeretso. Agad kong inopen ang laptop ko ng may maalala. Nag log in ako sa facebook at agad si-nearch ang pangalang Jan Kleo Collins.
Hindi pa din niya ina-accept ang friend request ko. 3 years na yang friend request ko, sigurado akong natabunan na. Ki-nancel ko ulit ang friend request bago muling pinindot.
Dahil nga hindi ko siya friend. Tanging profile picture at cover photo niya lang ang nakikita ko.
"Ang boring." I said boredly. Clinick ko ang photos niya. Hindi ko na kailangan pang isave. Matagal ng nasa gallery ko eh.
"Anong bang ginagawa mo at nag rereklamo ka dyan?" Mabilis ang naging kilos ko, nasara ko na ang laptop bago pa makita ni Mama ang lalaking pinag papantasyahan ko matagal na.
"Mama naman eh! Masyado kang chismosa."
"Anak naman, masyado kang malandi. May boyfriend kana ba?" Mabilis ang pag iling ko. Inirapan lang naman ako ni Mama bago niya ako iniwan.
"Mag luto ka na nga lang!" Sigaw ni Mama mula sa kusina. Tumayo ako at nag tungo sa kusina.
"Anong lulutuin ko?" I asked. Inilabas naman ni Mama ang mga ingredients. Tumulong nalang ako. Kaya sa huli, si Mama pa din ang nag luto ng sinigang.
Ala sais na ng makarinig kami ng busina ng sasakyan. Nandyan na sila, Papa at Kuya. Si Kuya ang sumusundo kay Papa sa trabaho kaya naman lagi silang sabay sa pag uwi.
"What's up, Bobo!" I greeted him. Sinalubong ako ng masamang tingin ni Kuya. Hindi ko siya pinansin at tinawanan na lang. Lumapit ako kay Papa para mag mano.
"Ikaw ang bobo!" Si Kuya. Mag sisimula na naman siyang mang asar dahil pumasok na sa kusina si Papa.
"Yeah. Ang boboo ng buhay niya." I said happily. Kuya laughed out loud.
"Asa. Little sis, may girlfriend na siya." He said and smirked. Umiling ako. Hindi ako naniniwala.
Si Kuya ay kaibigan ni Kleo. Fourth year college na si Kuya. Samantalang kami naman nila Kleo ay third year college na din sa wakas. Na improved ko naman ang grades ko, yung dating kwarto ay naging tres na. Kasi nga, I'm freaking genius.
"Si Yelena ang girlfriend niya." Ah, si Yelena the bitch. I raised my eyebrow.
"Who's that bitch?" Humagalpak sa tawa si Kuya na mas ikinainis ko. Sira na nga ang buong araw ko dahil sa Yelena na yan, dumagdag pa siya!
"His girlfriend." He said matter of factly. I pouted.
"You're kidding." Ngumisi saakin si Kuya bago siya humagalpak ulit sa tawa habang umaakyat sa hagdan.
![](https://img.wattpad.com/cover/191834359-288-k945633.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."