"Congratulations, Keisha!"
Yan lang naman ang kanina pa nila sinasabi saakin. Nag karoon pa kami ng picture taking. Tapos yung mga hangal makikipag picture, tinatakpan naman nila ako. Edi sila nalang ang mga picture taking.
"Anak, Congratulations!"
Sobrang saya nila Mama dahil sa pagkapanalo ko. Lalo na si Tita. May paiyak iyak pa silang nalalaman.
"Shashaaa! Congratulations!"
"Thank you, Ashley." I said sincerely and hugged her.
"Congratulations, Keisha."
"Thank you, Ryan."
Nasa likod ni Ashley si Ryan. Napakunot ang noo ko ng hindi makita si Kleo. Nasaan na yun?
"Si Kleo ba ang hanap mo?" Tanong ni Ashley.
I nodded. "Oo. Nasaan siya?"
Tumawa si Ashley at may nginuso kaya napalingon ako.
Naging slow motion ang paligid ko ng makita si Kleo na nag lalakad papalapit saakin. He's wearing a white v-neck shirt inside his black coat. Damn. Ang gwapo niya. Kasabay ng pag litaw ng isang matamis na ngiti sa labi niya ay ang pag lakas ng tibok ng puso ko.
"Huy! Tulala ka teh?" Natatawang tanong ni Ashley.
"Babe. Naging slow motion ang paligid niyan kaya ganyan." Saka sila nag tawanang mag jowa.
Hindi ko nalang pinansin. Muli akong tumingin kay Kleo na nasa tapat ko na pala.
"Hi."
"Congratulations." He said and smiled at me.
"Thank you." Napakagat ako sa labi ko bago siya niyakap.
Yung dalawa sa tabi namin ay todo pa ang hiyawan.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko ng mag angat ng tingin sakanya habang nakayakap pa din.
"Hmm. I told you to my parents. They want to meet you."
"Huh?"
"Let's go." Hindi ako nag pahila kaya nag taka siya. Napakunot ang noo niya.
"Teka—nahihiya ako!"
"Don't worry, Sha. Mabait sila Tita." Ashley said honestly.
Wala na akong nagawa ng tuluyang nahila ni Kleo.
Marami ng nag sasayawan ngayon. Oh, nakalimutan kong sabihin. Naka gown din ang mga estudyante ngayon dahil sa ball. Maraming nag congratulate saakin habang nag lalakad kami ni Kleo. Nakahawak lang si Kleo sa kamay ko.
"Mom." Isang magandang babae ang lumingon saamin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang Mommy ni Kleo. Shit! Ang ganda niya.
"Oh, hindi. Nandito kana pala. Siya naba?" Nakangiti tumingin saakin ang Mom ni Kleo.
Kleo nodded. "Yeah. This is Keisha. Keisha, this is my Mom and Dad."
I smiled. "Good evening po."
"Congratulations, Hija. Ang galing mo. Naikwento ka nga din saakin ni Ashley. Btw. I'm Klare Collins, just call me Tita Klare. And this my husband, John Collins. Tito nalang din ang itawag mo sakanya."
Tama nga si Ashley. Mabait ang parents ni Kleo. Nakipag kwentuhan pa saakin si Tita.
"Kleo, ipasyal mo si Keisha sa bahay."
"Sure, Mom."
Oh my gosh! Ibig sabihin makakapunta na ako sa mansion nila!
Nag paalam na kami ni Kleo sakanila dahil tinatawag na din ako.
8 o'clock na nag start ang ball. Si Kleo lang ang kasayaw ko. Mukhang walang balak na ipasayaw ako sa iba.
Nang matapos ang ball ay umuwi na din kami. Thursday and Friday ay wala ng pasok. Dahil 12 am na natapos ang ball kagabi, tanghali na ako nagising kinabukasan.
Sa Saturday na din pala ang uwi nila Tita Winnie. Balak ko ding sumama sa airport.
Pababa palang ako sa hagdan ay dinig ko na ang ingay sa may living room.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga hangal sa sala. Kasama sila Mama, Papa, Kuya, Tita Winnie, Robert, Ange, Ashley, Ryan and My Kleo. Napakunot ang noo ng makitang ang daming handa sa mesa at may cake pa.
Teka? May reunion ba?
"Anong—"
"HAPPY BIRTHDAY SHASHA!"
Dalawang confetti ang pinasabog nila. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Oh my gosh! BIRTHDAY ko? Dali dali kong pinuntahan ang kalendaryo. Nanlaki ang mata ko ng makitang September 23 na. Oh my!
"Birthday ko nga!" Nag tawanan sila sa sinabi ko.
"Oo nga. Birthday mo na. Tingin tingin din kasi sa kalendaryo, Sha."
"Thank you!"
Natawa ako ng pinaupo nila ako sa isang upuan. Isa isang nag labas ng regalo ang mga hangal.
"Wow!"
"Happy birthday, Shasha."
Isa isang lumapit saakin ang mga hangal bitbit ang mga regalo nila.
"Thank you."
Nang matapos ang mga hangal. Si Ange ang sumunod.
"Happiest birthday to you. I love you, best friend."
I smiled sweetly. "Thank you, Ange."
"Shasha girl. Happy birthday. I'm pretty sure magugustuhan mo itong regalo ko." She said and smirked.
Parang gusto ko tuloy na buksan na dahil parang may kakain sa regalo niya.
"Anak, happy birthday. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin."
Nanlaki ang mata ko ng makita ang ipinasok ni Papa sa loob.
"Oh my gosh! Bike!"
Isang kulay pink na bike ang regalo nila Mama at Papa.
"Thank you po."
Nag tilian sila ng lumapit na saakin si Kleo. Nanlaki ang mata ko ng mag labas siya ng isang maliit na red box.
"Shit. Mag propropose kana, Mahal?"
"Hoy Shasha! Wag kang excited." Inirapan ko lang si Andy at ibinalik ang tingin kay Kleo.
"Happy birthday. Let's have a date later."
"Uyy! Hindi ba kayo mag sasama." Pang aasar nila.
Natahimik lang sila ng buksan ni Kleo ang box. Isang napakagandang kwintas ang inilabas niya mula sa box. My jaw dropped. Oh my gosh!
Nag lakad papunta sa likod ko si Kleo at siya ang nag kibit sa leeg ko.
"Happy birthday." He whispered softly and kissed my cheeks.
Tinulungan ako ni Ange at Ashley sa pag akyat ng regalo sa kwarto ko. Bago kami bumaba para sa kainan. Madaming handa ang niluto ni Mama. Mabuti na nga lang daw ay tanghali na akong nagising.
Natatawa kami kay Andy na nag paparinig habang kumakain kami. Malapit na din daw ang birthday niya sa December. Gusto daw niya yung ireregalo namin ay mahal. Actually pag nag bibirthday itong mga hangal ay lagi kaming invited. Aba. Mayayaman tong mga ito kaya bongga pag sila ang may birthday.
Mabuti nalang talaga medyo malawak ang bahay kaya nag kasya kaming lahat.
Kasama na din ngayon ang celebration ko sa pag kapanalo kaya talagang maraming handa.
Alas tres ng hapon ay sabay sabay na nag uwian ang nga hangal maski sila Ashley. Dahil may importante daw silang gagawin lahat.
Nakakapagtaka dahil talagang lahat sila ay may gagawing importante.
Tumulong kami ni Kleo sa pag ligpit. 3:30 ng pinag ayos na ako ni Mama dahil nga may date pa kami ni Kleo.
Tulad ng dati ay sa park niya ako dinala.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."