Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. May plywood sa likod ko na punong puno ng mga magagandang bulaklak.
Para akong papasok sa isang paraiso habang mabagal akong nag lalakad papasok sa loob ng simbahan. Hindi ko inaasahan na darating ang araw at mararanasan ko ito.
Natawa ako ng makitang nag punas ng luha si Kleo. He's crying. Hindi ko rin naman mapigilang hindi maging emosyonal ngayon. This is our day kaya naman masayang masaya kaming dalawa.
Tumigil ako sa pag lalakad ng makarating sa tapat nila Mama at Papa. Parehas ko silang hinalikan sa pisngi bago ko inilagay ang dalawang kamay ko sa braso nilang dalawa.
Nang mag umpisang tumugtog ang music ay nag lakad na din kami nila Mama at Papa.
Napangiti ako ng makita ang mga importanteng tao sa bahay ko na narito ngayon sa loob ng simbahan. Ang mga hangal na ngayon ay kumpleto pa rin at masaya akong makitang nandito nga silang lahat. Si Ashley na walang ginawa kundi maging mabuti sa akin, nandito rin siya. Si Ryan na kaibigan ni Kleo. Si Ange na maid of honor ko nga ngayon. Nandito din ang mga bata na inutusan ni Kleo na bigyan ako ng mga tulips. Sila ang ginawa kong flower girls. Nandito rin lahat ang mga relatives namin ganon din naman ang kila Kleo. Hindi ko napigilan ang pag luha ko ng mag tama ang tingin namin ni Kleo.
Yung dating pangarap ko lang ay ngayon nag katotoo na. Nararanasan ko na nga.
Inabot na nila Mama at Papa ang kamay ko kay Kleo
"Please take good care of our daughter, Kleo." Sabi ni Papa kay Kleo. Nakita ko pa na emosyonal din sila ngayon.
"I will, Tito."
Muli kong niyakap si Papa at Mama. Niyakap ko din naman si Tita Klare na ngayon ay Mom ko na pati si Tito John na ngayon ay Dad ko na din.
"Welcome to our family, hija."
"Thank you po."
Humarap na kami ni Kleo kay Father ng makaalis sila Mama. Pinaupo naman kami ni Father bago siya nag umpisa sa kanyang speech. Nanatili lang kaming nakikinig hanggang sa dumating na ang part na parehas kaming nag 'I do' ni Kleo.
Hanggang sa nasa vow na kami. Kay Kleo unang inabot ni Father ang mic.
"I, Jan Kleo Collins. Take you Keisha Marie Martinez to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, from this day forward until death do us part. Keisha Marie Martinez, I love you." Hindi ko mapigilan hindi mapaluha ng tuluyan ng maipasok ni Kleo ang wedding ring namin sa daliri ko.
Pinunasan muna ni Kleo ang luha ko bago niya inabot saakin ang mic.
I smiled sweetly. "Today, I choose you to be my husband. I vow to love you, encourage you, trust you, and respect you. I accept you as you are, and I offer myself in return. I will care for you, and stand beside you. I will share with all of life's adversities, and all of its joy, from this day forward, and all the days of my life. Kleo, I LOVE YOU!" Tuluyan ko ng ipinasok ang wedding ring namin sa ring finger niya.
Nag hiyawan ang lahat ng sabay naming itinaas ni Kleo ang kamay namin kung saan kita ng lahat ang wedding ring namin na nakasuot na sa ring finger namin.
"You may now kiss the bride."
Mas lumakas ang hiyawan ng walang sabi sabing hinalikan ako ni Kleo. 5 minutes ang itinagal non bago kami mag hiwalay.
Napatili ako ng bigla niya akong binuhat na pa bridal style.
"We're married!"
Nang dumating kami sa reception ay marami ng tao. Sa mga business man muna kami nag punta ni Kleo. Bago sa mga hangal. Nagulat pa ako ng malamang may asawa na din pala ang iba sakanila. Tulad nila Clyde and Katelyn.
"Congratulations Mr. And Mrs. Collins!"
Natawa kami ni Kleo ng patunugin nila ang baso. Wala kaming nagawa ni Kleo kundi ang mag kiss sa harapan nilang lahat.
Nag karoon pa kami ng picture taking. May ibang regalo kaming binuksan. Natapos ang reception ng 7 pm. Sa bahay na namin ni Kleo kami dumeretso pauwi. Nung nakaraang linggo lang pinakita ni Kleo ang bahay na pinagawa niya para saamin. Maganda ang bahay dahil ako ang nag ayos ng loob.
Madilim ang loob ng bahay ng makapasok kami. Nang buksan ni Kleo ang ilaw ay napatalon ako sa gulat ng makita sila.
"WELCOME HOME!"
Nag karoon pa ng kaunting salo salo bago kami tuluyang nakaakyat ni Kleo sa kwarto para makapag pahinga.
Natawa ako ng nauna siyang nakatulog. Niyakap ko nalang si Kleo para makatulog na din.
"Good night, hubby."
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."