—Maagang umuwi si Robert. Mamayang hapon pa niya babalikan ni Mama dito. Saturday ngayon. Tulad ng lagi kong ginagawa pag sabado, linggo, nag didilig ako sa mga halaman namin. Dinadamay ko na din ang mga halaman ni Manang Rosa para wala siyang masabi. Nang matapos ako ay pumasok na ako sa loob. Naabutan ko naman si Mama na nanonood sa sala. Si Kuya wala. Nah chicks yun eh!
Pumunta ako sa kusina para kunin ang favorite ice cream ko. Cookies and cream. Nakita ko kasi kagabi na may isa pa akong hindi nakakain. Pag bukas ko ng ref, napakunot ang noo ko ng makitang puro chocolates nalang ang nasa loob. Kinalkal ko pa pero wala na talaga. Nag mamadali akong nag lakad palabas ng kusina.
"Ma!"
"Oh?"
"Yung ice cream ko bakit wala na sa ref?" Naiinis na tanong ko. May ideya na kasi ako kung sino ang kumuha non.
"Kinain ng Kuya mo kagabi. Hindi ba siya nag paalam sayo?"
"Hindi." Naiinis na sabi ko. Dahil sinimangutan ko si Mama. Napabuntong hininga siya at inabutan ako ng perang pambili. Tuwang tuwa ko namang itong inabot.
"Thanks, Ma." I said and kissed here cheeks.
May malapit na store dito sa amin kaya nilalakad ko lang. Paliko pa ang ako sa kanto ng may makitang grupo ng mga matatandang umiinom. Ang aga naman nilang uminom. At mukhang lasing na din ang mga ito.
Hindi ko nalang pinansin at nag patuloy na sa pag lalakad. Ang kaso, nakita nila ako. Isang matanda ang tumayo at nag lakad ng pagewang gewang palapit saakin.
"Hay, mess beyutiful." He said and wave his hand. Napangiwi ako nalang ako. Lalagpasan ko na sana siya ang kaso, hinarangan niya na ako.
My brow raised. "Excuse me." Lalagpasan ko na sana ulit siya ng magulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Halika, samahan mo muna ako—"
"Bitawan mo nga ako!" Tinabig ko ang kamay niya pero dahil malakas siya hindi ko man lang naalis. Nag tatawanan na ang mga kumpare niya na nanonood. Napadaing ako ng humigpit pa ang hawak niya saakin.
"Bitaw—Ahh!" Napatili ako ng biglang bumagsak ang lalaki kaya napabitiw ito sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang gumawa nun.
"K-Kleo?"
Lalapitan ko sana siya pero, napatili ulit ako ng biglang may sumuntok sakanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang sumugod na din ang mga kumpare nung nambabastos saakin.
"Kleo, sa likod mo!" Sigaw ko sakanya ng makitang kumuha ng kahoy ang lalaki at dumeretso sakanya. Nakahinga ako ng maluwag ng nasuntok na niya ang lalaki bago siya nito mapalo sa ulo. Kinuha ko ang pamalo nung lalaki at tinulungan na din si Kleo. Sa paa ko tinitira yung mga lasing para hindi na makatayo pa.
Hinihingal kaming pareho ng matapos. I smiled at him. Mag papasalamat na sana ako kaso nagulat ako ng bigla niya akong hinila.
"K-Kleo! Saan mo ako dadalhin? Mag tatanan na ba tayo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."