Maaga akong inuwi ni Kleo ng gumaan ang pakiramdam ko. Inalalayan niya pa ako sa pag akyat ng hagdan papuntang kwarto ko. Hindi na ako nag protesta dahil gusto ko din naman.
"Uuwi kana ba?"
He nodded. Hindi ko napigilang ang ngiti ko habang pinapanood siyang kinukumutan ako. Siya na din ang nag sindi ng aircon.
"Rest." He said and kissed my forehead.
Tumango ako at pumikit na. Nag mulat ako ng mata ng marinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Sinilip ko ang bintana at nakita ko siyang sumakay na sa kotse niya. Kasabay ng pag tunog ng cellphone ko ay ang pag andar ng kotse niya paalis.
Dali dali kong nilapitan ang cellphone ko na nasa study table.
From: Baby Kleo
Sleep. I love you <3
Napangiti ako ng mabasa ang text niya saakin. Hindi na ako nag reply at bumalik na sa higaan ko para mag pahinga.
Malakas ang ulan ng magising ako. Nakita ko ang oras, Alas otso palang. Agad akong tumayo sa pag kakahiga. Nag hilamos muna ako bago bumaba.
Naabutan kong kumakain na sila Mama, Papa at Kuya sa dining.
"Oh, halika na. Gising kana pala." Si Mama.
"Kanina pa po umuulan, Ma?"
"Oo. Naabutan nga kami ng ulan."
Kung ganon naabutan kaya si Kleo ng ulan? Siguro naman nakauwi na siya.
Mabuti nalang tapos na kaming kumain ng mag brown out. Umakyat na ulit ako sa kwarto para makapag pahinga.
Kinabukasan, nagising ako mataas na ang sinag ng araw. Wala ng bakas ng ulan na nangyari kagabi. Nag text muna ako kay Kleo bago ko ginawa ang morning rituals ko. Sabado ngayon kaya walang pasok.
Nang matapos akong mag ayos ay muli kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung may text na si Kleo pero wala pa din. Pag ganitong oras kasi ay may reply na siya kaya nakakapag takang hindi pa siya nag rereply ngayon.
Isang oras pa ang hinintay ko pero wala pa din siyang reply. Natapos ko na din ang mga gawaing bahay, wala pa din. Kunot noo akong nag lakad palapit kay Kuya na nag cecellphone sa sala.
"Kuya."
"Hmm?"
"Pakisabi kay Mama aalis ako." Wala kasi si Mama nag puntang palengke.
Napaangat ng tingin si Kuya. "Saan ka pupunta?"
"Sa condo ni Kleo. Hindi pa siya nag rereply sa mga text ko baka may masamang nangyari sakanya." Nag aalalang sabi ko. Matagal akong tinitigan ni Kuya bago siya tumango.
"Sige, mag iingat ka."
Tumango ako at lumapit na. Chineck ko muna kung maayos ang bike ko bago ako umalis gamit ang niregalo nila Mama at Papa saaking bike.
Ilang beses akong napamura dahil bigla nalang akong naplatan. "Shit! Paano na ako makakarating ngayon?"
I sighed. No choice ako ngayon kundi ang mag lakas kasama ang malas kong bike.
Sa awa ng diyos, sa wakas nakarating na din ako. Inilagay ko sa parking lot ang bike ko bago nag tungo sa elevator para maihatid ako sa floor ng condo ni Kleo.
Kakatok palang sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ni Kleo at iniluwa noon ay si Manang Pasing.
"Shasha."
Ngumiti ako kay Manang at nag mano. "Nandito po ba si Kleo?"
"Oo nasa kwarto niya. Mabuti nalang at dumating ka. Pwede bang ikaw muna ang bahala sakanya?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit po anong nangyari sakanya?"
"Nasiraan ng sasakyan kahapon si Kleo at naabutan ng ulan kaya ngayon ay nilalagnat. Mabuti nalang pinapunta ako ni Ma'am Klare dito para mag linis kaya nalaman kong nilalagnat siya."
"Nakainom na po ba siya ng gamot?" I asked worriedly.
"Oo. Pauwi na nga ako. Pwede bang ikaw na muna ang mag bantay sakanya?"
Mabilis akong tumango. "Sige po ako na ang bahala sakanya."
Hinintay ko munang makaalis si Manang bago ako nag tungo sa kwarto ni Kleo. Tulog siya ng maabutan ko. Inayos ko muna ang kumot niya bago umalis at nag tungo sa kusina.
Nilutuan ko siya ng sopas bago ako bumalik sa kwarto niya.
Ginising ko siya at inalalayang umupo.
"Kumain kana muna." I said softly. Hindi siya sumagot kundi nakatitig lang siya saakin.
"Say ahh." Napataas ang kilay ko ng hindi niya binuksan ang bibig niya.
"Kleo? May dumi ba sa mukha ko at nakatitig ka?" I asked and smiled at him.
Nakahinga ako ng maluwag ng mag pasubo na siya. Napangiti ako ng maubos niya ang sopas kahit wala naman siyang paglasa ngayon.
"Mag pahinga kana muna ulit." Tatayo na sana ako ng bigla nalang niya akong hinila paupo ulit sa kama.
"Stay here." He said softly. Nagulat ako ng isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you." He huskily whisper in my ear.
"I love you too." I said happily and smiled sweetly at him. "Sige na, mag pahinga kana muna at mag huhugas ako."
Tatayo na sana ako pero muli niya akong hinila. Ngayon naman ay parehas na kaming nakahiga.
"Kleo! Ang harot mo ha!"
He chuckled. Nakayakap pa din saakin.
"Stay here.." He whispered.
I nodded. "Oo na. Sige na, mag pahinga kana ulit."
Humarap ako sakanya kaya nag tama ang tingin naming dalawa. Inilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya.
"Mainit kapa."
Nakatitig lang siya saakin, hindi pa din nag sasalita.
"Close your eyes na! Ayaw mo bang gumaling? Hindi ka lang pala maharot pag nilalagnat, makulit ka din."
He sighed heavily. "Fine. I'll sleep now."
I smiled. "Sige. Sweet dreams." I said and kissed his lips.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong dinaganan at mas pinalalim pa ang halik na sinimulan ko. Oh, shit! Hindi ko alam ang gagawin ko ng gumalaw ang labi niya. Oh my gosh!
"Kiss me back, baby."
Hindi ko alam kung anong gagawin hanggang sa namalayan ko nalang sinasabayan ko na ang pag galaw ng labi niya.
Parehas kaming habol ang pag hinga ng bumitiw siya.
"Matulong kana nga!" Mabilis akong tumayo at hinampas siya ng unan. He just laughed out loud.
"Heh!" Tumalikod na ako at kinuha ang pinag kainan niya. Hindi pa ako nakakalabas ng marinig ko ang sinabi niya.
"I love you."
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."