Chapter 8

3.2K 168 10
                                    

2 days na kami ngayon sa section nila Kleo. Baka ma-extend pa hanggang friday dahil wala pa din si Professor Lee. Ano kayang nangyari dun? Kung bibisitahin naman namin baka kung mapano pa siya o matuluyan na—kidding.

Monday ngayon. May meeting ang mga professor kaya hindi nila kami sisiputin. Bawal namang lumabas hanggang class hour. Dahil bored na bored na kami, nag-yaya si Carla na mag laro. Walang killjoy sakanila kaya lahat kami ay sumali. Si Kleo naman, pinilit pilit pa nila kaya sa huli, walang siyang nagawa kundi ang sumali.

"Ano ba yan?"

"Truth or Dare. Sige na, bumilog na kayo."

Iginilid naming lahat ang mga upuan. Ang mga bintana ay sinara pati na din ang kurtina ay binaba. Yung pintuan, sinara din nila. Kaya kung mapapadaan ka sa classroom namin, iisiping mong walang tao sa loob.


Sa sobrang dami namin, hindi na ako aasang mahihintuan ako ng plastic bottle. Katabi ko si Ange syaka si Axel, kasunod sila Andy. Pinaliwanag ni Carla na kung sino ang tatapatan ng pwet ng bottle, siya ang mag tatanong. Umagree naman kaming lahat sa mechanics niya.

"Game?"

"Yeah,"

"I-ikot muna, tagal."

Hindi naman sila mukhang excited no? Ako, maeexcite lang pag si Kleo ang natapatan ng bottle. Kaya todo pray ako tuwing iniikot ang bottle na sana siya ang matapatan.

Nang matalos tanungin si Jewel, muling pina-ikot ang bottle. Kay Rose tumapat ang bottle at si Peter naman ang mga tatanong o mag de-dare.

"Rose.."

"Hmm?"

Si Rose ay ang secretary ng section nila. Actually, maganda si Rose, idagdag pang ang sexy niya.

"Truth or dare?" Peter asked her.

"Truth."

Tahimik kaming lahat na nakatingin kay Peter na nag iisip ng itatanong niya.

"First kiss mo?" Nag hiyawan kami ng makita ang pag pula ng pisngi ni Rose. Nag blu-blush siya!

"Uyy!"

"Sino, Rose? Sagot na."

Bumuntong hininga siya bago tumango. Napakunot ang noo ko ng lingunin niya ako. Hoy! Hindi ako ang first kiss niya no! Napatingin tuloy saakin ang mga kaklase ko.

"Si Keisha?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong ni Jerome.

"Gago! Hindi no." Inabot ko siya para masapak. Agad naman siyang nakailag kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag tawanan ang lahat, sumimangot na lang ako bago tinignan si Rose.

"Sino?" I asked.

She smiled. "Si Raphael."

My eyes widened. Na amazed naman ang iba at sunod sunod na ang pag tatanong kung anong meron sakanila ni Kuya. Gusto ko din sanang mag tanong pero lahat ng itatanong ko, nasasabi na nila kaya nanonood na lang ako.

"I'm his ex girlfriend." She said softly. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nagulat ako ng mag tama ang tingin namin ni Kleo. Ako na ang unang nag iwas ng tingin. Shit!

Tumahimik naman na sila kaya muli ng inikot ni Carla ang bote. Natawa kami ng kay Carla huminto ang bote. Si Andy naman tuwang tuwa dahil siya ang naturo ng dulo ng bote.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon