Chapter 9

3.3K 164 8
                                    

Maganda ang gising ko kinabukasan. Sobrang lapad ng ngiti ko, pag pasok ko sa dining. Sila Mama, nakasunod lang ang tingin saakin.

"Good morning!"

"Morning, ayos ka lang ba?" Tumango ako at nag thumbs up pa kay Mama.

"Oo naman, Ma. Bakit?"

"Kagabi, tulala ka. Hindi ka namin maka-usap ng maayos. Ngayon naman para kang baliw, ang lapad ng ngiti mo. Ano bang nangyari sayo?" Si Mama. Nakikinig lang naman sila Papa at Kuya saamin.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Wala yun, Ma."

"May tinatago kaba saamin, Keisha?" Mabilis ang pag iling ko sa tanong ni Papa. Si Kuya, nakangisi na.

"Wala po."

"Sigurado ka?"

"Yes po."

Kahit na halatang hindi sila naniniwala, hinayaan nalang naman nila ako. Si Kuya naman ay sinabihan akong pupunta kami kila Robert ngayon para bisitahin si Tita Winnie. Sa parking lot niya ako hihintayin. Umoo nalang ako dahil miss ko na din naman si Tita at gusto ko na ulit siyang makita. Nakakasawa na kasi kung si Robert lang ang lagi naming nakikita.

Isang himala din ng sinabay ako ni Kuya sa pag pasok. Nung una ay hindi pa ako naniniwala. Akalain mo after many many years, ngayon lang niya akong naisipang isabay.

Hinatid muna namin si Papa sa trabaho niya bago namin tinahak ang daan patungong University. Sa front seat ako naupo. Mag mumukha kasing driver si Kuya kung sa backseat ako uupo.

"I know what happened." Si Kuya na bigla nalang nag salita at saglit akong sinulyapan. Hindi ko na kailangan mag tanong, alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Duh! Hindi na ako mag tataka kung paano niya nalaman dahil matagal ko ng alam na chismoso talaga siya.

"So?"

"You like it?"

Hindi ako sumagot. Pinag taasan naman niya ako ng kilay kaya tumango na ako.

"Eh, ano naman ngayon?"

"Wala naman. Nag dadalaga kana talaga." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya binato ko siya ng tissue. Humalakhak lang siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit anong tingin mo sakin, bata? Nakakainis ka!" He just laughed out loud. Then, he nodded.

"Yes, little sis."

"Bwisit ka!"

Sinira ni Kuya ang magandang araw ko. Wala na talaga siyang ginawang mabuti. Alam kong baby face ako perp hindi na ako bata! Malapit na nga akong maikasal kay Kleo eh!

"Bad mood?" Inirapan ko si Andy at dumeretso papasok ng classroom. Alam na nga niya mag tatanong pa siya! Tss. Maski yung mga bumabati saakin hindi ko pinansin. KASI NGA WALA AKO SA MOOD!

"Bad mood yan huwag mong kausapin." Narinig kong sabi ni Andy kay Axel. Maski sa mga kaklase kong kadadating lang sinasabihan niya. Gago talaga. Maski si Ange sinabihan niya kaya ang gaga, hindi nga ako kinausap. Tinignan ko si Andy at sinamaan ng tingin. Mukhang naramdaman niya dahil napalingon siya saakin. He just laughed.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon