Napangisi ako ng makuha ang gusto niyang sabihin. I chuckled a bit. He looked at me curiously.Tinanggal niya ang tape ng makarating kami sa park. "Whoa! Sa wakas!" Nag hugas muna ako ng mukha sa isang gripo bago siya hinila papunta sa isang karinderya.
"Date to diba? Ayoko sa restaurant, mas bagay kasi dito ang beauty ko."
Naupo kami sa pang dalawahang table. Agad may lumapit saamin.
"Ano pong order niyo?"
"Lomi dalawang order."
"Buong itlog po?"
"Yeah. Tapos softdrinks dalawa din."
Nang makaalis yung babae. Tumingin na ako kay Kleo. "Okay lang ba kung dito tayo mag date? Gusto ko kasing maging memorable itong date natin para hindi mo makalimutan. Papakainin kita ng mga pagkaing hindi mo pa natitikman." I said and smiled sweetly at him.
He nodded and answered. "Okay."
Habang nag hihintay sa order. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nalaman ko na pinagtitinginan pala kami. May narinig pa akong nag sabing, bakit may naligaw na mayaman dito. Hindi ko nalang pinansin at ibinalik ang tingin kay Kleo na pinapanood pala ako.
I smiled. "Nakakain kana ba ng barbeque?"
"Yeah. Yung karne."
Tumango ako at sinabi sakanya ang balak ko. "Pag katapos natin dito sa barbequehan tayo. Ipapatikim ko sayo ang isaw, ulo, pwet ng manok—" Nahinto ako sa pag sasalita ng makita ang pag ngiwi niya. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Ayaw mo ba?"
"I don't eat pwet ng manok."
I chuckled. "Alam ko kaya nga ipapatikim ko sayo. Masarap yun."
"No."
"Yes. Whether you like or not." I said and smirked. Wala na siyang nasabi dahil dumating na ang order namin.
"Masarap to."
Akala ko mahihirapan pa akong pakain siya mabuti nalang at nag kusa siya. Mukhang nagustuhan naman niya dahil maubos niya.
"Order kapa?" I asked him. Tumango naman siya pero umiling ako at ngumisi.
"Bawal. May kakainin pa tayong iba."
He sighed. "Fine."
Malawak ang ngiti ko habang nag lalakad kami papunta sa barbequehan. Madaming tao kaya nag hintay pa kami.
"Ang bango diba?"
"Yeah." Kanina ko pa nakikitang tinitignan niya ang mga barbeque. Mukhang hinahanap yung pwet ng manok.
Umorder ako ng isaw, ulo ng manok, paa ng manok, at syempre pwet ng manok. Gusto kong matawa ng makita ang disgusto sa mukha niya.
Tinuro pa niya ang karne na orderin ko pero hindi ko siya sinunod. Kumuha muna ako ng sauce at suka bago siya hinila papunta sa pang dalawahang upuan.
Nang dumating ang order ay agad akong natakam. Tuwang tuwa ako ng mailapag na table namin. Nakangiti kong tinignan si Kleo. "Kain na tayo!"
Akala ko kumakain na din siya pero ako lang pala. Dahil nakatingin lang siya saakin at pinapanood ako.
"Ayaw mo? Kahit tikman mo lang. Ang arte mo naman." I siad and rolled my eyes.
He tsked. "Fine."
Napaayos ako ng upo ng kumuha siya ng isaw at isinawsaw iyon sa suka. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya. Kaya ng isubo niya ang isaw, hinintay ko lang ang magiging relasyon niya ng sinubo na niya ang isaw.
"M-Masarap diba?"
Natatakot akong baka hindi niya magustuhan. Gusto ko pa namang magustuhan niya lahat ng ipapakain ko sakanya.
"Hmm.."
"Hindi mo ba nagustuhan?" I asked calmly.
"It tastes good." He said and smiled at me.
My eyes widened. "Nagustuhan mo? Yes!"
Pati pwet ng manok ay tinikman din niya. Sa huli, naka iling order pa kami dahil talagang nagustuhan niya ang barbeque.
Parehas kaming busog ng makaalis sa barbequehan. "I'm full. Ikaw, kaya paba ng nyan mong kumain ng balot?"
Tanong ko sakanya habang nag lalakad kami dito sa park. Napakunot ang noo niya. "Balot?"
"Oo. Halika." Nag pahila naman siya saakin. Nang makarating kami sa tindahan ng balot ay bumili ako ng lima.
"That's egg." He whispered.
I nodded. "Oo pero ang tawag dito, balot."
"Really?"
"Yep. Dahil may sisiw sa loob—"
"What the fuck? I'm not gonna eat that!" He said coldly.
I crossed my arms. "And why?"
He sighed. "May sisiw."
I laughed. "Edi ako ang kakain sa sisiw."
"No." He said and shook his head.
I sighed heavily. "Umuwi kana. Ako ang kakain dito, mag isa." Iritadong sabi ko bago siya nilayuan.
Susunod sana siyang ng samaan ko siya ng tingin. "Huwag kang susunod!"
Sa duyan ako naupo bago binuksan ang balot. Hinigop ko muna ang sabaw bago kinain ang laman. Ang arte arte niya. Alam kong kanina pa may nanonood saakin pero hindi ko pinapansin.
Ala sais na ng hapon kaya dumarami na din ang tao dito sa park. Hindi pa din ako nag angat ng tingin kahit na ramdam ko ang pag tayo siya sa harapan ko.
"Fine." He said and sighed. "I'm gonna eat that."
"Kung kakain ka bumili ka." I said coldly. Hindi ko pa din siya tinitigan. I heard him curse softly and sighed heavily.
"Keisha.."
"Baby—"
"Bakit ba?" Sagot ko agad. At nag angat ng tingin para makita siya. A smile slowly crept on his lips.
Hindi siya sumagot kundi naupo sa kabilang duyan sa tabi ko bago kinuha saakin ang spot ng balot
"Kakain ako."
Ginaya ang ang ginawa kong pag bukas. Hindi ko napigilan ang tawa ko ng magulat siya ng may lumabas na sabaw.
"Damn." He cursed.
"Higupin mo." Sabi ko at inabot na din ang suka at asin sakanya. Napangiti siya ng mahigop ang sabay. He smiled at me. Ngumiti din ako sakanya.
Pinaalis ko sakanya ang sisiw kung ayaw niyang kainin. Tinanong pa muna niya kung kinakain daw ba ni Kuya ang sisiw.
"Oo. Bakit?"
Hindi siya sumagot. Nagulat nalang ako ng bigla niyang kainin ang sisiw ng balot.
"Oh my gosh! Bakit kinain mo?" Gulat na tanong ko. Akala ko iluluwa na niya pero nilunok niya!
"Kleo—" He cut me off.
"Masarap."
Nakangiti lang ako buong byahe. Maaliwalis ang mukha ni Kleo mukhang nagustuhan ang date namin.
"Nagustuhan mo ba yung date natin?"
Gusto kong makasiguro kaya nag tanong ako.
"Yeah. Thank you." He said and smiled at me.
My heart fluttered blatantly. Shit!
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."