aganda ang naging araw ko dahil doon. Masaya akong nag kwento kay Mama about sa nangyari hanggang sa matigil ako sa pag kwekwento dahil may isang epal na dumating.
Kinabukasan, masaya akong pumasok sa classroom namin.
"What's up, geniuses!" I greeted them cooly. Paupo palang ako ng marinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko kaya tinignan ko sila.
"Bakit?"
"Anong trip mo, Keisha? Wala ka sa section nila Kleo, nandito kana sa classroom natin. Kaya ano yung pa what's up geniuses mo?"
Oh, akala ko kung ano na. "Matatalino na ang tingin ko sainyo ngayon eh. Pero sige sandali lang."
Kinuha ko ulit ang bag ko at nag lakad palabas ng classroom. Nang nasa tamang layo na ako, muli kong ibinalik ang masayang ngiti ko kanina bago nag lakad ulit papasok ng classroom.
"What's up mga hangal!"
"Yon!"
Sigawan nila. Napangiwi nalang ako. See? Para kaming tanga.
7 o'clock ng dumating si Professor Lee. Na mag bibigay lang ng announcement at aalis ulit.
"Mag kakaroon kayo ng field trip. One week siya at gaganapin sa boracay. Ang mga sasama ay mag kakaroon ng additional grades."
Sobrang saya namin ng malaman ang announcement ni Prof. Ako pa ang inasign niya sa pag lista sa mga sasama. May ibang nag palista na at mag bibigay na sana ng bayad pero hindi ko tinanggap.
"Mag paalam muna kayo."
Gusto kong sumama kaya pag ka-uwi ko ay nag paalam agad ako kay Mama.
"Ang Papa mo ang tanungin mo, Shasha. Papayag ako pag pumayag siya."
Bagsak ang balikat kong napaupo sa sofa.
"Paano po pag hindi pumayag si Papa?"
"Hindi ka pupunta. Syaka malayo iyon. Paano kung may mangyaring masama sayo? Hindi kami agad makakapunta."
Tulad ng utos ni Mama, nag paalam agad ako kay Papa pero hindi siya pumayag. Masyado daw malayo kaya hindi kami sasama ni Kuya. Kay Kuya okay lang pero saakin? Hindi.
"Huwag mo ng ipilit ang gusto mo, Shasha." Si Papa. Tumango lang ko at umakyat na sa kwarto ko.
Kinabukasan ay tamad na tamad ako sa pag pasok. Wala din ako sa mood habang nag Liliana sa mga pangalan ng pupunta.
Friday ng kinuha saakin ang listahan at bayad. Akala ng mga kaklase ko sasama ako pero sinabi ko sakanilang hindi ako pinayagan. Ngayon din ang araw ng celebration namin dahil sa pagkapasa. Hindi ko maenjoy ang kinakain dahil sa dami ng iniisip. Pangarap ko talaga ang makapunta sa boracay at alam iyon nila Mama kaya nag tataka ako kung bakit hindi nila ako pinayagan.
Nang matapos ang celebration ay nauna akong umalis ng classroom. Palabas palang ako ng University ng bigla akong napatili sa gulat ng may humawak sa braso ko.
"Ay puta—Kleo! Bakit nanggugulat ka!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok nito.
"Hindi ka sasama?" He asked seriously.
"Huh? Saan?" Nag tatakang tanong ko sakanya. Ipinakita niya ang papel na hawak saakin. Field trip. Umiling ako sakanya.
"Hindi pumayag sila Mama. Sayang nga dahil gustong gusto ko talagang makarating dyan." Saad ko at nag patuloy sa pag lalakad. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya.
"Ikaw pupunta ka?" Tanong ko at nilingon siya. He shrugged kaya natawa ako.
"Hindi mo alam? Sa monday na yan."
Hindi na ako umangal ng sinabi niyang ihahatid niya ako. Pag karating namin sa bahay agad akong bumaba.
"Thank you. Kung sasama ka, enjoy!" I said and smiled at him. Sinara ko na ang pintuan ng front seat at pumasok na sa loob ng bahay.
Nag mano muna ako kay Mama bago nag paalam na aakyat sa kwarto para makapagbihis. "Sige. Pag katapos mo bumaba ka at mag usap tayo."
Naabutan ko si Mama sa living room na nakaupo sa sofa. Ng makita ako ay tinap niya ang space sa tabi niya.
"Halika, maupo ka dito." Sumunod naman ako sa utos ni Mama. Nang makaupo ako sa tabi niya ay isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya bago sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
"Galit kaba saamin ng Papa mo, anak?"
I shook my head. "Hindi po."
"Alam mo naman kung bakit ayaw naming sumama kayo diba? Ayaw naming mag alala lalo na't isang linggo iyon. Ang layo pa kaya paano namin kayo mapupuntahan agad pag may mangyaring masama sa inyo ng Kuya mo? Ang aksidente ay hindi natin alam kung kailan darating, anak. At natatakot akong malayo kayo saamin ng Papa mo lalo na ang mapahamak kayo."
"Mahal namin kayo ng Papa mo, Shasha. Sana maintindihan mo kami." Mabilis kong niyakap si Mama lalo na ng maramdaman ko ang pag labas ng luha ko.
"Naalala mo pa ba? Diba nangako kami sayo na pupunta tayo sa boracay na mag makakasama?" Umiiyak akong tumango. Niyakap din naman ako pabalik ni Mama. Naabutan kami nila Papa at Kuya na ganon ang posisyon kaya parehas kaming natawa ni Mama ng makiyakap si Papa at Kuya.
"I love you, Mama. I love you, Papa."
"Paano ako bunso?" Tanong ni Kuya at sinimangutan ako. Kaya natawa kami nila Mama.
"Oo na. Love na din kita." Natatawang sabi ko.
"Family hug!"
Maganda pa din ang gising ko ng sumapit ang araw ng lunes. Nag chat muna ako sa mga hangal na mag iingat sila bago ko ginawa ang morning rituals ko.
Nung friday ko pa narealize na mas masaya pala pag kasama mo ang pamilya mo sa lugar na gusto mong puntahan. Kaya hihintayin ko nalang ang araw na iyon. Ramdam ko namang malapit na. Kaysa naman sa sasama ako sa boracay na ako lang ang nag eenjoy at masaya samantalang ang pamilya ko ay iniwan kong nag naalala saakin.
"Good morning!" I said happily. Natigil ako sa pag pasok ng makita ang kasama nila Mama sa dining. Bakit nandito pa siya? Dali dali akong nag lakad papasok sa dining para tatanong siya.
"Good morning, Sha."
"Kleo? Bakit nandito kapa? Ngayon ang field trip."
Napakunot ang noo ko ng tumawa sila.
"Anak, hindi sumama si Kleo. At pinag paalam ko na niya saamin at pumapayag kami." Mas lalong napakunot ang noo ko ng hindi maintindihan si Mama.
"Po?"
"I'm inviting you to date me the whole week."
MY JAW DROPPED! Shit!
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."