Chapter 31

2.9K 148 25
                                    


"I wrote your name in the sand, but the waves washed it away. Then I wrote it in the sky, but the wind blew it away. So, I wrote it in my heart and that's where it will stay forever." I said and smiled. Kanina pa ako bumabanat ng mga salita dito habang nasa byahe kami ni Kleo. Guess what? Papunta kami ngayon sa Mansion nila!

"Dictionary is incomplete because it doesn't have a word which can describe how much I love you." I said confidently and winked at him.

"Panis!" Bago pa ako makatawa, naramdaman ko na ang malambot na labi ni Kleo sa labi ko. My eyes widened in shocked.

"Everyone says you only fall in love once. But that's not true because every time I see you, I fall in love all over again." My jaw literally dropped.

Everytime I see you, I fall in love all over again.

Everything I see you, I fall in love all over again.

Holy shit! Napatakip ako sa mukha ko ng maramdaman ang pamumula nito.

Nag tayuan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang pag yakap niya sa bewang ko.

"Baby.." Mariin akong napapikit ng marinig ang binulong niya.

"You smells so damn good." He whispered softly.

Mabuti nalang may driver na sumundo saamin. Kundi baka kung si Kleo ang nag dradrive hindi na kami nakarating sakanila dahil sa ginagawa niya.

Nakayakap pa din siya saakin hanggang sa pumasok kami sa isang napakalaking gate.

"Nandito na ata tayo, Kleo."

"Hmm.."

Laglag ang panga ko ng tuluyang masilayan ang Mansion nila Kleo. Bigla tuloy ako nahiya. Sobrang laki ng Mansion nila, bagay kaya ako dito?

"Let's go?" Tanong ni Kleo na nakahawak pa din sa bewang ko.

"S-Sige."

Nag kikita kita pa kaya sila Kleo dito? Sa sobrang laki mukhang minsan lang sila nag kikita kita. Nasulyapan ko din ang mga bulaklak sa garden nila. Holy shit! Ang gaganda! Hindi ko kilala ang mga bulaklak kaya balak kong mamitas mamaya.

Isang marunong ang sumalubong saamin ni Kleo.

"Señorito, pumasok na po kayo sabi ni Madame."

Tumango si Kleo at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila. Nakasunod na kami ngayon sa katulong.

Pag pasok palang namin sa main door, laglag na ang panga ko. Mabuti nalang talaga walang laway na nalaglag habang nililibot ko ang tingin sa paligid.

Maraming katulong ang palakad lakad. Ang iba ay napapalingon pa saamin ni Kleo.

"Where's Mom?"

"Hinihintay na po kayo sa dining." Itinuro ng katulong ang isang pinto. Mukhang iyon ang dining.

Tumango si Kleo saka ako hinila patungo doon. Papasok palang kami ng dining ay nakita na kami nila Tita.

"Hijo, Hija. Mabuti naman at nandito na kayo."

Sinalubong ni Tita ng yakap si Kleo. Ganon din naman ako. "Good morning po." Nag mano ako kay Tito John.

"Maupo na kayo."

Pinaghila ako ni Kleo ng upuan bago siya naupo.

Nakikinig lang kami habang nag kwekwento si Tita Klare. Tuwing nag tatanong siya saakin ay agad ko namang sinasagod.

Hindi pa ako makapaniwala ng bigyan niya ako ng regalo dahil sa katatapos kong birthday.

"Thank you po Tita." I muttered.

"You're welcome hija. Nabalitaan kong kayo na."

Mapang asar na ngumisi si Tita saamin ni Kleo.

I chuckled. "Yes po, Tita " I said honestly.

Marami kaming na pag usapan ni Tita habang kumakain. Si Kleo at Tito naman ay seryosong nag uusap about sa business.

Sa living room kami nag tungo ng matapos kumain. Ipinasyal pa ako ni Tita sa garden niya.

"Tita, pwedeng mag hindi?" Kinapalan ko na talaga ang mukha kong mang hindi dahil gusto ko talaga ang mga flowers ni Tita Klare.

Tita Klare laughed out loud. "Of course, Hija. Pumili ka lang ng gusto mo at ipapakuha natin mamaya."

My eyes widened. "Talaga po?"

Hinatid ang meryenda dito sa garden. Mabuti nalang may upuan at lamesa dito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na din sila Kleo at Tita kaya sabay sabay na kaming nag meryenda.

"Let's eat!"

Tulad ng pangako ni Tita ay nag tawag siya ng isang hardinero at pinakuha ang mga bulaklak na gusto ko. Shit! Sigurado akong maiinggit si Manang Rosa pag nakita niya ito.

Alas tres ng hapon ng mag paalam na kami kila Tita. Ayaw ko pa nga sana kaya pinapauna ko na siya. Parang gusto kong dito nalang tumira—just kidding.

"Basta bumalik kayo ulit."

Parehas kaming umoo ni Kleo. Mag dadala na ako ng damit ko pag babalik kami dito. Gusto kong masubukang mag swimming sa pool nila.

"Thank you po ulit." I said happily again. Itinaas ko pa ang plastic kung nasaan nakalagay ang mga bulaklak.

"You're always welcome, Hija."

Kinuha ni Kleo ang plastic saakin bago ako iginiya sa kotse.

"Bye po!"

"Bye! Mag iingat kayo.

Si Tito ay tinanguan lang kami ni Kleo. Grabe! Ngayon alam kona talaga kung kanino nag mana itong bebe luvs ko.

Pag kasakay palang namin sa back seat ng kotse ay niyakap kona agad si Kleo. Ang sarap sa pakiramdam pag yakap yakap ko siya. Ang taong mahal ko.

Imbis na sa bahay, sa airport kami nag pahatid ni Kleo. Ngayong araw kasi ang uwi nila Tita at Robert sa Canada. Isang taon o dalawang taon na naman bago namin sila makikita ulit.

"Titaaaa!" Tumakbo agad ako palapit sakanila ng makarating kami. Sinalubong ako ni Tita Winnie ng yakap.

"Mamimiss po kita!" I said and hugged her tight. Ilang buwan din namin silang nakasama kaya talagang mamimiss ko sila lalo na si Tita. Eh, si Robert ay wala namang ginawa dito kundi ang mambabae. Mabuti nalang talaga ay walang mga babae niya ang dumating dito para mag paalam sakanya.

Nang umalis ako sa pagkakayakap namin ay si Robert naman ang niyakap ko. "Tumigil kana sana sa pag bananas saka ikamusta mo ako kay Kuya Larry ha!"

"Nako, si Larry ay mag babakasyon dito sainyo next month." Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ibinalita ni Tita.

"Talaga, Tita?" Si Kuya. Close kasi talaga sila ni Kuya Larry lalo na pag dating sa kalokohan.

Nang tinawag na sila Tita ay tuluyan na silang nag paalam saamin. Kumaway lang ako ng kumaway sakanila hanggang sa mawala sila sa paningin namin.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon