Chapter 5

3.6K 184 5
                                    

-

"Bakit hindi mo sinabing pupunta pala sila?" Kanina pa ako nag tatanong kay Kuya pero hindi niya ako pinapansin. I glared at him.

"Kuya!"

"What?"

"Tinatanong kita!" Naiinis na sabi ko. Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kailan. Nakakainis! Andito kami ngayon sa living room. Hindi ko siya hahayaang makaakyat sa kwarto niya, hanggang hindi niya sinasagot ang tanong ko.

He sighed and shrugged. "Biglaan lang yun." He said borely.

"Ayaw mo lang malaman ko eh." He laughed out loud kaya nakatanggap siya ng sapak ko. Naiinis akong iniwan siya sa sala at umakyat na sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Mama na kinunutan ako ng noo.

"Oh, anong nangyari sayo?"

"Wala po. Akyat na ako, Ma." Tumango lang naman si Mama kaya nag patuloy na ako sa pag lalakad. Nang makapasok ako sa kwarto ko, kinuha ko ang cellphone ko para maitext si Ange.

To: Ange

Balita?

Nakipag titigan pa ako sa cellphone ko habang nag hihintay sa reply ni Ange. Pero ilang minuto na ang lumipas wala pa din siyang reply saakin. Ano bang ginagawa ng bruhang to? Tss.

Hanggang sa makatulugan ko na ang pag hihintay sa reply niya. Maaga akong nagising kinabukasan. Naisip kong puntahan mamaya si Ange sakanila.

"Good morning." I greeted.

"Kumain kana. Nauna na ang Kuya mo, may practice daw sila sa basketball ngayon." Sus! Hindi ako naniniwala sa dahilan ni Kuya para maagang makapasok. Sisiputin lang nun yung mga babae niya eh. Tumango na lang ako kay Mama. Syaka hindi naman kami nag sasabay ni Kuya kaya okay lang kung mauna o mahuli siya.

"Alis na po ako, Ma." Pag papaalam ko. Si Papa kasi ay nauna na kaninang kumakain pa lang ako.

"Sige, mag ingat ka."

Pag labas ko ng gate namin, dumeretso ako sa bahay nila Ange. Ang kaso, ang bruha ay kanina pa daw nakaalis. Lagot talaga saakin yung babae yung pag nag kita kami. Pumara na ako ng taxi para makapasok na. Pag dating ko sa University, pumunta muna ako sa Cr. May isang grupo akong naabutan sa loob. Nag me-make up sila kaya hindi ko na pinansin. Ako, hindi ko na kailangan ng make up dahil dyosa na ako. Baka lahat ng lalaki at mapa-babae ay ma in love saakin pag nag make up ako. Taas ng confident ko no?

Pumasok ako sa isang cubicle na walang tao.

"Yelena, ang ganda mo talaga."

"Kaya nga in love si Kleo sakanya eh."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Yelena? In love si Kleo? Omg! Andito sa loob ng Cr ngayon si Yelena the bitch!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle. Maliit lang awang ng pinto, sapat lang para makita ko silang lahat.

"Ang swerte mo kay Kleo, Yelena!" Pinalo ng isang babae ang Impokrita na nakaharap sa salamin habang inaayos ang foundation niya. Tumawa lang naman si Yelena. Siya pala si Yelena. Bakit hindi sinabi ni Kleo na mahilig pala siya sa clown? Shit siya! Ito ba ang Yelena niya? Mas maganda ako dito eh.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon