Chapter 21

2.9K 135 8
                                    

Kagat labi akong nag iwas ng tingin sakanya. Unti unti, muli ko siyang sinulyapan at ng makitang nakatingin siya saakin ay nag iwas muli ako ng tingin.

I heard him chuckled. "You can look now. I'm fully clothed." He said.

I rolled my eyes and looked at him.

"Gutom na ako, Kleo." Sabi ko at napahawak tyan ko.

His eyes drifted on my body. My eyes widened. "A-Anong tinitignan mo?!"

He smirked. "You look good."

"Talaga?"

"Hmm. Anong gusto mong ulam?"

"Adobo nalang."

Tumango siya at nag tungo ng kusina. Sinundan ko naman siya.

"Dito ka pala umuuwi." Naupo ako at pinanood siyang nag nag hihiwa ng karne.

"Tumigil na ba ang ulan?"

"Hindi pa. Nag paalam na ako kila Tita na dito kana mag papalipas ng gabi. Maraming puno ang natumba sa kalsada hindi din tayo makakadaan."

Nang kumain kami ay tahimik lang akong pinag mamasdan siya. Masarap ang adobong niluto niya. Naisipan ko tuloy na ipagluto din siya bukas. Magugustuhan kaya niya?

"Saan nga pala ako matutulog?"

"Sa kwarto. Ako na sa kapag." Oh, akala ko mag tatabi kami. Ako na sana ang mag huhugas pero hindi siya pumayag. Kundi pinapunta na niya ako sa kwarto niya. Hindi naman nakalock kaya nakapasok agad ako.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kabuuan ng kwarto. Ang ganda at ang linis pa. Agad akong sumalampak sa higaan niya ng makita ito. Damn. Ang lambot at amoy Kle—

"Kleo." Napaupo agad ako ng makita ang pag pasok niya.

"You should rest. Alam kong pagod ka."

"Ang lawak nitong kama mo. Lalamigin ka kung sa sahig ka matutulog."

"Hmm."

Nilagay ko ang dalawang malaking unan sa gitna. "Charan! Tapos na. Problem solved."

He chuckled and nodded. "Okay."

Nang mahiga siya ay sinilip ko siya. Sa gulat ko ng makitang nakatingin siya saakin ay agad akong bumagsak sa higaan ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang bilis ng pag kabog nito.

"Kleo.."

"Hmm?"

"Bukod saakin may dinala kana dito?" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng makapag tanong na.

"Ikaw palang." He simply said. Simple pero kaya akong pakiligin.

"Kleo.."

"Hmm?"

"May pag asa ba ak—Damn. Ah, wala. Sige, good night." Mariin akong napapikit. Agad akong nag talukbong ng kumot.

He chuckled. "Night,"

5 o'clock ng bumangon ako, nag hilamos at nag toothbrush muna ako bago nag tungo sa kusina para gawin ang plano ko kagabi. Mahimbing pa ang tulog ni Kleo kaya hinayaan ko nalang. Dahil malamig pa din ang panahon dahil maulan pa sa labas ay naisipan kong sopas ang iluto. Nag hiwa ako ng repolyo, carrots, hotdog, eggs at karne. Nasa mesa ang lahat ng ingredients sa pag gawa ng sopas.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng maramdaman kong may nanonood sa akin. Ng lingunin ko ang likod ko, nakita ko si Kleo na kunot ang noong pinapanood ako.

I smiled. "Good morning!"

"Morning, what's that?" Tanong niya at tinignan ang niluluto ko.

"Sopas. Mabango diba?"

Tumango naman siya kaya napangiti ako. "Maupo kana muna. Saglit na lang ito. Makakakain na tayo."

"Ang dami mong stock ng pag kain."

"Si Manang ang nag gro-groceries nyan."

"Oh. Kaya pala." Ngumiti ako. Nang makitang luto na ang sopas. Kumuha ako ng dalawang mangkok. Ang una kong nilagyan ay inabot ko muna sakanya. Bago ako kumuha ng saakin. Nag salin din ako ng tubig sa baso namin.

"Ano, masarap ba?"

Napapalakpak ako ng tumango siya. Parehas kaming nakadami sa sopas hanggang sa maubos na naming dalawa ang niluto ko.

Hindi pa maayos ang panahon kaya hindi pa kami makakalabas ni Kleo para mag date kaya naman naisipan naming mag movie marathon nalang ulit.

Nakaupo ako ngayon sa sahig habang nakasandal sa sofa at nag hahanap ng CD. Samantalang si Kleo ay nasa sofa nakaupo. Puro action ang lahat ng CD ni Kleo kaya naman yung nagustuhan kong may magandang cover nalang ang kinuha ko.

Kumuha ako ng chips bago naupo sa tabi ni Kleo. "Maganda ba yan?" I asked. Nag kibit balikat naman siya.

"Hindi mo pa napanood?"

"Yeah."

Nang mag start ang movie, isinandal ko na ang ulo ko sa balikat ni Kleo habang kumakain ako ng chips. Seryoso ang mukha ni Kleo habang nanonood. Ako naman ay pinag mamasdan lang siya.

"Kleo.."

"Hmm?"

"Nakapag desisyon kana ba?" I asked. Kunot noo niya akong tinignan.

"Huh?"

"Y-Yung ano.. mag live in tayo?"

Nagulat ako ng biglang nasamid si Kleo sa kinakaing chips. Mabilis akong napatayo sa gulat at napatakbo sa kusina para kumuha ng tubig.

"Okay kana ba?" Nag aalalang tanong ko ng maiabot sakanya ang tubig. Hahawakan ko sana siya pero bigla akong napaatras ng samaan niya ako ng tingin.

"What are you talking about? You shocked me!"

Alas tres ng hapon ng ihatid niya ako sa bahay. "Thank you. Papasok kapa ba?" I asked. He shook his head.

"Sige, mag iingat ka."

Pag pasok ko sa bahay ay nagulat ako ng makita sila Tita Winnie at Robert. Nag mano ako sakanilang dalawa.

"Saan ka galing?" Tanong ni Tita at napatingin sa suot ko. Mabuti nalang at tuyo na ito kaya naisuot kona.

Natawa si Mama at siya ang sumagot kay Tita. "Buong linggong may date yan."

Gulat akong nilingon ni Tita. "May boyfriend kana?"

"Soon, Tita." I said and chuckled.

"Tita—" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Kuya.

"Huwag ka ngang sumabat!"

Umakyat muna ako sa kwarto ko para maligo bago bumaba sa sala. Nakipag kwentuhan na din ako kay Kita. Malapit na din silang umuwi, sa susunod na linggo na. Kaya naman sinusulit nila ang natitirang mga araw dito.

"Kaya siguro ayaw nitong si Keisha na mag aral sa Canada ay dahil in love na."

Tama si Tita. Isa iyon sa mga dahilan kaya ayaw kong nag aral doon. Bukod sa bobo talaga ako.

Dito na din nag dinner sila Tita bago sila umuwi.

10 pm ng bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nag talo kami kanina ni Kuya dahil ayaw niyang ibigay saakin ang number ni Kleo. Kaya ngayon, balak kong pasukin ang kwarto niya para makuha sa cellphone niya ang number ni Kleo.

Bitbit ko ang flashlight ko ng lumabas ako ng kwarto. Dahan dahan akong nag lalakad palapit sa kwarto ni Kuya.

Palapit palang ang kamay ko sa doorknob ng magulat ako dahil biglang bumukas ang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kyaaaaah!"

Napatili ako sa gulat. Natataranta akong tumakbo pabalik ng kwarto ko. Pero dahil mabilis tumakbo si Kuya ay nahabol niya ako.

"Kukunin ko lang naman yung number ni Kleo! Ayaw mo kasing ibigay!"

He tsked. "Bakit hindi mo sakanya kunin?" He asked and glared at me.

"Nahihiya ako!"

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon