Chapter 32

2.6K 146 5
                                    

"Ang sakit tinamaan ako." Si Clyde na napahawak pa sa kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso.

"Natamaan sayo." Sabay turo niya kay Katelyn kaya nag hiyawan kaming lahat. Putangina, kanina pa bumabanat itong mga hangal na to.

"Clyde!"

"Yes, baby?"

"Alam mo ba pag binaback hug mo ako nararamdaman ko yung ano mo—" Oh my gosh! Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Katelyn. Yung mga lalaki naman todo hiyawan na. Alam kong iba na ang iniisip itong mga to dahil kung makatulak kay Clyde ay wakas. May narinig pa nga akong nag sabi na 'Ang swerte mo, Dude.'

"Ano, Katelyn? Share mo naman." Natatawang sabi ni Andy. Isa pa itong lalaking to, masyadong chismosa.

"Syempre, yung pag mamahal niya."

"Yon! Masyado kasi kayong green minded." I said and laughed out loud.

"Deena, mantika kaba?" Si Gino.

"Bakit?" Si Deena na namumula na ang mukha wala pa man yung banat.

"Kasi oil I want is you. BOOM! Shinning shimmering shingshing!"

"Gago!"

Natigil lang kami ng dumating na si Professor Lee. Nag lecture lang naman si Professor Lee buong klase. Hanggang sa maubos na ang dalawang oras niya saamin.

"Shasha, may nag hahanap sayo sa labas." Sigaw ng isang kaklase kong galing sa labas.

"Sino daw?"

"Ewan ko."

Pag labas ko ng classroom ay may nakita akong lalaking may hawak na bouquet of flowers at chocolates.

Napakunot ang noo ko. "Ikaw ba ang nag hahanap saakin?" I asked him. Tumango naman siya at inabot saakin ang hawak hawak niya.

"Pinabibigay po sainyo ni Mr. Collins."

My eyes widened. "Talaga galing sakanya ito?"

"Opo. Pinapasabi po niya na susunduin niya kayo mamayang lunch."

Napangiti ako ng maamoy ang mabangong amoy ng bulaklak. Ang sweet talaga ni Kleo.

"Shasha, kanino galing yan?" Tanong ng mga hangal pag pasok ko ng classroom.

I smiled. "Kay Kleo ko."

Tulad ng pinapasabi niya ay sinundo nga niya ako ng lunch time. Ngayon ay nag kahawak kamay kaming nag lalakad patungo sa office niya. Mas gusto daw niyang kumakain doon dahil tahimik. Ako din gusto ko, dahil masosolo ko siya.

Sisig, adobo, at minudo ang ulam na inorder niya sa cafeteria.

"Say ahh." Napakunot ang noo ni Kleo ng ilapit ko sa bibig niya ang kutsara kong may lamang kanin at ulam.

"What are you doing?"

"Susubuan kita. Dali na, say ahh."

Nag puppy eyes at nag pa cute pa ako sakanya para lang pumayag siyang mag pasubo.

"Please?"

He sighed heavily. "Fine."

"Yes!"

Malapad akong napangiti ng tuluyan niyang sinubo ang pag kain. Napapalakpak ako.

"Isa pa. Say ahh!"

Natawa ako ng pati ako ay sinubuan na din ni Kleo. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nag subukan kaming dalawa.

2 pm pa start ng klase namin ngayong hapon dahil PE lang ang subject namin ngayon. Kaya naman nag stay na muna ako sa office ni Kleo.

1:30 ng umalis kami ni Kleo sa office niya. Ihahatid niya kasi ako ngayon sa gym. Naabutan namin ang mga hangal doon.

"Bye, Kleo!" Madalian lang ang ginawa kong pag halik kay Kleo dahil baka makita ng mga hangal.

Pero talagang malinaw ang mga mata nila dahil nag umpisa na naman silang mang asar pag kaalis ni Kleo.

"Uyy, nakita namin yon!" Si And na pinakamalakas mang asar.

"Si Shasha, nag blublush oh!"

Hindi ko nalang pinansin dahil sanay na ako sa mga katarantaduhan nilang lahat. Nang dumating si Professor Faye saka lang sila huminto. Paanong hindi eh halos lahat sila type ang Professor namin.

"Let's start."

Nahati kami sa dalawang grupo. Volleyball ang laro namin ngayon. Boys Vs Girls.

"Ready?" Tanong ni Prof. Nag tanguan naman kami.

Sa ganito ng laban huwag mong aasahan ang nga hangal na mag seseryoso. Kanina pa kami nakakapuntos dahil sa kadayaan nila.

"SHASHA, ILAG!" Sigaw nila.

Bago pa ako makailag ay tumama na saakin ang bola. Dahil sa lakas ng pag kakatama saakin ay natumba ako.

"SHASHA!"

Damn. Ang sakit.

Agad silang nag silapitan saakin. Si Andy at Axel ang nag tayo saakin.

"Shasha, dumudugo ilong mo." Natatarantang sabi ni Katelyn. Inabutan niya din ako ng panyo.

"Gamitin mo na muna." Tumango ako at inabot ang panyo niya.

"Boys, ipunta niyo na si Ms. Martinez sa clinic." Natatarantang utos ni Mom.

Habang palabas kami ng gym ay narinig kong itinigil na ni Professor Faye ang laro namin. Narinig kong sinabi din niyang exempted na kaming lahat.

"Uyy Shasha. Exempted na tayo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Andy. Nahihilo na kasi talaga ako lalo na dumudugo pa ang ilong ko.

"Tumingala ka, Sha. Para tumigil yang pag durugo."

Sinunod ko ang utos ni Axel. Agad kaming sinalubong ng nurse sa clinic ng makita kaming tatlo.

"Anong nangyari sakanya?" Nag aalalang tanong ng nurse.

Pinahiga muna nila ako sa kama bago sila nag simulang mag kweto sa nurse kung anong nangyari saakin.

Umalis muna saglit sila Andy at Axel kaya naiwan kami ni ng nurse. "Ano masakit sayo?"

"Nahihilo po ako." Sagot ko sa nurse.

"Sige, mag pahinga ka na muna."

Tumango ako at pumikit na para makapag pahinga. Papunta palang ang tulog ko ng mapamulat ako sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng clinic.

Napaupo ako at tinignan kung sino ang dumating. Narinig ko ang boses ng nurse at boses ni Ange? Tatayo na sana ako para makita kung si Ange nga talaga ang kausap ng nurse ng bigla nalang lumitaw sa harapan ko si Kleo.

"Kleo?" Topic akong ngumiti ng nag aalala niya akong tinignan.

"Hey. Are you okay?" He asked worriedly. Naupo siya sa tabi ko.

"Oo. Nahihilo lang ako. Tumigil naman na ang pag durugo ng ilong ko." I said honestly.

He sighed heavily. "Nagugutom kaba?"

Tinanguan ko lang si Ange na pumasok na din sa kwarto ko.

Umiling ako at niyakap nalang siya. Naramdaman ko naman na niyakap niya din ako.

"Ay ang sweet."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ange. Hinigpitan ko pa ang pag kakayakap kay Kleo at isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Please, don't make me worry again." He whispered seriously and hugged me tight.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon