Chapter 25

2.9K 149 14
                                    


-

Kwinento ko sa mga hangal na wala pa akong talent para sa pageant. Mabilis naman silang nag suggest ng pwede kong gawin. Tulad nito—

"Tatlong bibe! Hindi lang maganda kundi madali pa. Kami na ang bahala para sa dalawa pang bibe—"

"Mas maganda ang baby shark, Shasha. Kung dancer ang kailangan mo, nandito lang kami syempre—"

"Ang papangit ng mga suggestion niyo!" Si Andy. "Mas maganda kung mag sexy dance—"

"Gago!" Agad ko siyang sinapak kaya napadaing ang gago.

Damn. Hanggang ngayon ay wala pa din silang seryosong masabi. Maaga akong tatanda sakanila. Shit!

Mabuti nalang ng nasa studio na kami ni Kleo ay may maganda ng naisip si Ashley na gagawin ko sa talent portion.

Sumang ayon kaming dalawa ni Kleo sa plano ni Ashley na tumugtog nalang ako ng piano. May kilala din daw siya na magaling mag turo.

"Okay. Let's start."

Namimili kami ni Ashley ng sandals ng lumapit saakin si Kleo.

"I'm bored." He said borely. Napatingin tuloy sakanya si Ashley na ngumisi lang.

"Huh?"

"Let's date." He whispered softly at me.

"Huh? Date? S-Sige—"

"Hoy! Anong date date? Baka nakakalimutan niya nandito kayo dahil sa practice." Napailing iling pa si Ashley. Napakamot ako sa ulo at nag peace sign sakanya bago bumaling kay Kleo.

"Bawal. Mamaya nalang." Sabi ko at tinuro si Ashley na nakataas ang kilay na nakatingin sa aming dalawa.

Kleo tsked. "K."

Yung pointed ang pinasuot saakin ni Ashley. Kabadong kabado pa ako dahil baka ako'y matapilok. Kawawang naman ang paa ko. Mababali.

"Shasha, kalma."

Tumango ako at nag umpisa na.

Napapalakpak si Ashley ng matapos ako. "Marunong kana. Ang pag practican natin ngayon ay ang pag piano mo."

Umalis si Ashley bitbit ang cellphone niya. Tatawagan daw niya muna ang mag tuturo saakin.

Sinilip ko kung nakalabas na ba talaga si Ashley. Ng makitang wala na siya, ngumiti ako at lumapit kay Kleo na pinapanood lang ako kanina pa.

"Pst. Saan tayo mag dedate?" Tanong ko at naupo sa tabi niya.

"Park."

"Barbeque?" I asked. He nodded.

"Yeah. Let's go!" Tumayo siya at hinila ako.

"Teka—tatakas tayo?" Kunot noong tanong ko sakanya.

He smirked. "Yeah."

Palabas palang kami ay natanaw na namin si Ashley na nakatalikod saamin at may kausap sa cellphone.

Nag katinginan kami ni Kleo. Tinanguan ko siya. "Mauna ka."

Dahan dahan ang ginawa naming pag labas ni Kleo sa studio. Akala ko mahuhuli na kami ni Kleo ng tumingin siya, mabuti nalang at nagulat agad ako ni Kleo saka kami tumakbo patungong elevator.

"HOY! SAAN KAYO PUPUNTA?!"

Oh my gosh Kleo! Malapit na siya!" Natatarantang sabi ko kay Kleo.

Kabadong kabado ako habang nakatingin kay Ashley na tumakbo papunta saamin. Mabuti nalang, bago pa niya kami malapitan ay sumara na ang elevator.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon