Chapter 11

3.2K 159 33
                                    


Lahat kami ay nagulat ng sinabi ni Prof na malapit na ang midterm. Friday na ngayon at next week babalik na kami sa classroom namin.

Hindi ko pa din pinapqnsin si Keep hanggang ngayon. Ganon din naman siya saakin, wala naman bago.

Halos lahat ng mga Professor ay umaasang makakapasa kaming lahat.

Ako ang inaasahan ng mga kaklase ko, naisipan nalang mag hanap ng tutor para saakin. Ang gagaling nila no? Bakit kaya hindi sila ang mag patutor para matuwa naman ako.

Break time ng umalis sila Axel para kausapin ang mga kaklase namin sa kabilang section para ipaalam ang balak nila.

"Good news, Sha!" Si Axel. Hindi ako umimik at hinintay ang good news niya.

"Hindi kami nahirapang mag hanap ng tutor mo! May nag kusa. Sa library mo nalang siya hintayin mga 3 o'clock."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Axel. Sino naman kaya Iyon?

Alas tres ng hapon natapos ang klase. Dahil excited sila sa pag kikita namin ng tutor ko, hinatid pa nila akong lahat.

"Good luck, Sha." Andy said and laughed creepily.

Gusto Kong umatras dahil parang may mangyayaring hindi ko alam pero pinag tutulak nila ako papasok ng library. Sinita pa kami ng librarian kaya wala akong nagawa Lindi ang pumasok nalang.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante pag pasok ko. They looked amazed. Paano ba naman, ngayon lang ako nila ako nakitang pumasok dito. Mukhang maliligaw pa ako eh.

Deretso lang ang naging lakad ko. Patingin tingin din ako sa paligid ng mag into ang tingin ko sa nakita. Si Kleo! Anong ginagawa niya dito? Oo nga pala, nag sarap siyang mabuti kaya hindi na ako mag tataka kung suki siya dito. Nang lumingon siya sa gawin ko, mabilis akong nag iwas ng tingin. Naupo din ako sa upuang malayo sakanya. Nakapangalumbaba lang ako habang nag hihintay sa tutor ko. Napaangat lang ako ng tingin ng may tumayo sa harapan ko.

My eyes widened. Napaayos din ako ng upo. "A-Anong ginagawa mo dito?" I asked.

He looked at me coldly. "I'll be your tutor." He whispered seriously. My jaw dropped.

"You're kidding me, right?"

"No."

Oh, shit! Si Kleo ang nag kusang turuan ako? Oh my! Seriously?

Hindi na ako nakaimik ng naupo siya sa upuang katapat ko bago inilapag sa table ang makakapal niyang libro.

"Y-Yang mga yan ang gagamitin natin?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa mga libro. Ang dami!

"Yes." He simply said. Nakatingin lang ako sakanya habang nag bubuklat siya ng libro.

Lutang ako habang nag uumpisa siyang mag turo. Tango lang ang tanging nasasagot. Hindi din ako nag tatanong.

"You're not listening." He said matter of factly. Wala sa sariling napatango ako.

He sighed heavily. "Akala ko ba, gusto mong makapasa?"

"O-Oo na. Makikinig na ako!"

May mga naintindihan naman ako sa mga tinuro niya. May ilang beses kaming inulit para lang maintindihan ko. Meron din naman kaming inulit ng inulit pero hindi ko pa din maintindihan kaya siya na mismo ang sumusuko.

Alas singko ng matapos kami. Palabas na ako ng University ng maramdaman ko siya sa gilid ko. Ang alam ko, parking lot dapat ang pupuntahan niya kaya bakit siya nandito?

"May kailangan kapa ba?"

"Ihahatid na kita." Agad akong napalingon sakanya.

"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Shit! Anong nakain nito?

"Yeah."

At sino naman ako para tanggihan siya? Palihim akong nag didiwang habang papunta kaming parking lot. Shit! Dream come true!

Akala ko idederetso niya na ako pauwi pero nagulat ako ng huminto ang sasaktan sa store ni Auntie Norma.

Kanina pa ako naguguluhan sa kinikilos ng My Loves ko. Lalo na ngayon pinag bukas niya pa ako ng pinto.

Ayaw ko namang masira ang araw na ito kaya wala akong sinasabing mag papabago sa mood niya.

Bumili siya ng dalawang ice cream. Ang cookies and cream ay inabot niya saakin.

I smiled. "Thank you."

Damn. Mukha kaming mag jowa! Ang sweet niya!

Kumain na muna kami. Kanina ko pa gustong tanungin kung anong nakain niya at bakit siya ganito ngayon pero nahihiya kasi ako. Pansin ko ang madalas na pag sulyap saamin ni Auntie. Nang matapos kami ay nag paalam na kami sa kanya.

Saktong dating namin ay ang pag dating din nila Kuya. Pinapasok muna ni Papa si Kleo sa loob ng bahay. Si Kuya naman ay iba na ang tingin saakin. Mapanuri. Inirapan ko lang siya at sumunod na kila Papa sa loob.

Binangga pa ako ni Kuya kaya muntik pa akong natumba. "Ops, sorry."

"Bwisit ka!"

Tinawanan niya lang naman ako bago nag lakad papasok sa loob.

"Andito ka pala, Kleo."

"Hinatid ko po si, Keisha." Napatingin naman si Mama saakin. Ngumiti lang ako bago lumapit sakanila.

"Dito kana mag dinner." Pumayag naman si Kleo kaya kasama namin siya ng mag dinner. Akala ko mag isa ko lang na mag hahatid sakanya palabas ng bahay. Pero grabe! Sumama din sila Mama sa pag hatid palabas kay Kleo. Nang makauwi siya, umakyat na din ako sa kwarto para makapag pahinga.

Kinabukasan, nag trabaho muna ako ng gawaing bahay bago nag ayos ng sarili. Susunduin kasi ako nila Axel at pupunta kaming hospital. Magaling naman na sila at bukas na ang labas. Bored na bored na sila don pero walang magawa kundi hintayin ang araw ng pag labas nila.

Nang makarinig ako ng busina ng sasakyan, nag paalam na ako kay Mama.

"Ma, alis na po ako!"

Lumabas na ako ng bahay, nakita ko naman na sila Axel at Andy sa labas. Pag karating namin sa hospital ay pinaalam din namin agad na malapit na ang midterm.

Nagulat pa ako ng dumating lahat ng mga kaklase namin. Hindi ko alam na may reunion kami today. Nalaman ko lang ang dahilan ng pag punta nila ay dahil dito mismo sa hospital pag uusapan ang kabilang plano para sa darating na examination.

"Basta galingan mo, Sasha."

Ang kinalabasan ng plano ay ako ang magiging source nila sa mga sagot. Dahil pamilya nga kami, pumayag ako makapasa lang ang lahat. 100 items kasi ang sasagutan namin. Once na naka-60 ka, pasado kana.

Nag kwentuhan at nag biruan pa kami bago nag desisyong umuuwi na.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon