Buong linggo akong dinate ni Kleo. Ngayong araw ang last day namin kaya nandito kami sa park kung saan kami unang nag date.
Kung dati ay nahihirapan akong pakainin siya, ngayon hindi na. Lahat ng bibilhin kong kakainin namin ay nagugustuhan niya.
Nandito kami ngayon sa damuhan. Nakasandal si Kleo sa puno ng acacia samantalang ako ay nakahiga at ang hita niya ang ginawa kong unan.
"Thank you." I muttered and smiled sweetly at him. "You made me happy."
"Btw. Bakit pala hindi ka sumama? School president kapa naman baka magalit ang Dean sayo." Bigla akong nakaramdan ng kaba dahil sa sinabi.
"May additional grades yon. Nag paalam kaba sakanila?"
"Yes." He said. Nakampante naman ako. Hindi ko na inalam ang rason niya kung bakit hindi siya sumama. Basta masaya ako ngayon dahil buong linggo ko siyang nakasama. Marami akong akong napuntahan dahil sakanya.
"Kleo."
"Hmm?"
I smirked. "Sasagutin mo na ba ako?"
Kunot noong niya akong tinignan. "What do you mean?"
"Nanliligaw ako diba? Kailan mo ba ako—" He cut me off.
"I'll court you first." Oh my gosh!
My eyes widened. "Huh? Manliligaw ka?"
"Yes."
"Sorry. Strict ang parents ko." I said and smiled.
He glared at me. "Mag papaalam ako."
"Eh kung bastedin—"
"As if i let you reject me." He said and smirked. My jaw dropped. Tangina.
"Sige, sinasagot na kita. Doon din naman ang punta natin." I said softly.
He chuckled. "No."
Napakunot ang noo ko. "Tinatanggihan mo ba ako?" Naiinis sa tanong ko sakanya. Bakit hindi nalang siya matuwa na sinasagot ko na siya!
"I'll court you first."
I tsked. "Kaya nga. Sinasagot na nga kita eh. Ang gulo mong kausap." Inirapan ko siya.
He sighed. "Fine. Hindi na Kita liligawan." He said seriously. Nanlaki ang mata ko at agad na umapila.
"Ano? Oo na manliligaw kana muna. Walang bawian."
"Tss."
Habang nag lalakad kaming dalawa ay unti unti kong inilalapit ang kamay ko sakanyang kamay. Hanggang sa mag tagumpay ako. Napangiti ako ng maramdamang hinigpitan niya ang pag kakahawak sa kamay ko.
Hindi mawala wala ang ngiti ko habang nag lalakad kami. Marami ang napapatingin sa kamay naming mag kahawak. Nag lakad lang kami kanina ng pumunta dito. Kaya nag lalakad din kami ngayong pauwi saamin.
Nang malapit na kami sa bahay ay kitang kita ko kung paano bumaba ang mga tingin ng mga kapit bahay sa kamay naming mag kahawak ni Kleo.
Napangisi ako ng makita si Kuya na nasa may gate at kunot noong nakatingin saamin. Yung tingin niya ay nasa mag kahawak naming kamay ni Kleo.
"Hi, Kuya." I greeted and waved my hand at him.
Tinignan lang ako ni Kuya at binalik ang tingin kay Kleo. "Saan kayo galing?" He asked.
"Sa park." I simply said.
Hinila ko na si Kleo papasok at tinulak si Kuya na harang sa daraanan namin. Naitulak ko siya kaya napagilid siya. Ramdam ko ang masama niyang tingin saakin pero hindi ko pinansin.
"Mama!" Lumapit ako kay Mama and I kissed her cheeks. "Liligawan na ako ni Kleo." Kinikilig na bulong ko sa tenga ni Mama.
"Ano?"
"Huwag kang maingay, Ma. Mag papaalam daw muna siya sainyo."
Alas tres ng hapon ng ihatid ko sa labas si Kleo. "Bye. Take care. I love—aray!"
Sinamaan ko ng tingin si Kuya na siyang bumatok saakin. Ang gago talaga niya! "Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko. Tumawa lang siya at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.
"Immature!" I shouted.
"Wow! Nag salita ang matured." He said sarcastically. Inirapan ko siya bago nag lakad at umakyat sa hagdan papuntang kwarto.
Nag online ako para kamustahin ang mga hangal. Nasa byahe na sila ngayon pauwi. Salamat sa diyos dahil walang nagyaring masama sakanila. Na-eexcite ako para sa mga pasalubong nila hindi sa pag dating nila.
Kinabukasan ay nag palate ako. Gusto ko kasi nasa classroom na silang lahat pag pasok ko. Para yung mga pasalubong ay iaabot nalang nila.
"Good morning!" I greeted and smiled sweetly.
"Shasha!"
"Miss me?" I asked and chuckled. Nag tawanan naman sila. Successful ang plano kong mag pa late. Sobrang napuno ang lamesa ko dahil sa mga pasalubong nila saakin. Nag kwento din sila sa nangyari doon at kung gaano kaganda ang boracay.
"May good news ako."
"Ano?"
"Si Kleo nanliligaw na saakin!" Kinikilig na sabi ko at napatili. Nanlaki ang mga mata nila, halatang nagulat sa ibinalita ko.
"Ha? Gaanong nangyari yun?"
"Nag text mate kayo tapos na in love na siya sayo?"
I shook my head and smirked. I kwinento ko sakanila ang nangyari buong linggo na inimbitahan ako ni Kleo na idate siya the whole week.
"Ngayon alam ko na kung bakit hindi sumama si Kleo sa boracay." Si Andy.
Nang dumating si Professor Lee ay tumahimik na kami. May meeting daw sila later kaya wala na kaming klase ng hapon.
"Umuwi kayo, ayokong may makita ni isa sainyong pagala gala. Understood?"
"Yes, Prof."
Tinulungan ako ni Andy at Axel sa pag bitbit ng mga pasalubong nila. Palabas palang kami ng classroom ay nagulat ako ng makita si Kleo na nakasandal sa pader at mukhang may hinihintay.
"Kleo?"
Agad siyang napalingon ng tawagin ko. Bumaba ang tingin niya sa hawak hawak ko. Kunot noo siyang lumapit saamin.
"What's that?" He asked seriously.
"Mga pasalubong nila. Bakit ka nga pala nandito?"
"Common sense, Shasha. Edi sinusundo ka niya." Sinamaan ko agad ng tingin si Andy.
"I'm not talking to you." I said and rolled my eyes.
Kinuha ni Kleo ang bitbit nila Axel at Andy na agad namang binigay nung dalawa.
"Kaya mo ba? Marami yan."
"I can do it. Let's go."
Nag paalam na ako sa dalawa bago sumunod kay Kleo. Lahat ng pasalubong ay sa backseat niya inilagay.
"Kumain kana ba?" Tanong ko sakanya ng makasakay siya. Umiling naman siya at pinaandar na ang sasakyan.
"Sa bahay kana mag tanghalian."
"Hindi na. Babalik ako sa University dahil kasama kami sa meeting."
Tulad ng sabi niya ay hinatid niya lang ako at umalis na din siya agad.
Tuwang tuwa si Mama ng makita ang mga pasalubong ng mga hangal. Sila Andy ay may pasalubong din kay Mama.
"Bakit hindi mo pinapasok si Kleo?"
"Babalik pa siya sa University, Ma."
"Ganon? Halika na, kumain na tayo."
Hapon na ako natapos sa pag aayos ng mga pasalubong. Nakakalungkot lang dahil walang pag kain na pasalubong ang mga hangal. Siguro sa byahe palang nakain na nila.
Pero mas nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay wala pa din akong number ni Kleo.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."