Chapter 3

4.3K 200 11
                                    

Follow me on dreame "Jah_Jah_12".

-

Dahan dahan akong pumipitas ng bulaklak ng orchids ni Manang Rosa. Ang kapitbahay naming maka-nature. Ingat na ingat ako sa pag pitas. Dahil pag nakita ako, sa korte kami mag kikita kita.

Nang makalima na ako ay agad kong nilagay sa basong may lamang tubig ang orchids. Nilagyan ko pa ng design ang baso. Pinuno ko ng heart para madama naman ni Kleo yung feelings ko para sakanya. Sweet ko no?

Nang matapos na ako, lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxing mag hahatid saakin sa University.

Habang nag lalakad ako sa hallway, pansin ko ang mga estudyanteng nakatingin saakin. Lalo na sa hawak hawak ko. Gusto ko tuloy sumigaw ng Stop staring guys, nasisira ang beauty ko. Pero hindi ko na ginawa, baka tuluyang masira ang beauty ko. Manliligaw pa naman ako ngayon. Naisipan ko kasi kagabi na, masyadong matagal kumilos si Kleo kaya naman ako na ang gagawa ng moves.

Pag akyat ko sa floor ng building namin, nakita ko na agad ang mga kaklase kong nasa labas ng room. Halos lahat sila ay kinawayan ako kaya naman i waved back. Pinakita ko sakanila ang dala dala ko. Nag lapitan naman sila.

"Para saan yan, Sha?" Si Andy ang nag tanong. Lahat na sila ngayon ay nakatingin sa hawak hawak ko.

"Manliligaw ako." I said confidently.

Nag tawanan naman sila. Halatang hindi makapaniwala sa balak kong gawin.

"Manliligaw ka? Nakalimutan mo na ba, Sha? Babae ka." Si Felix.

I smiled. "Bakit, bawal bang manligaw ang babae?" I asked him. Hindi naman siya nakasagot. Sa huli, hinayaan na nila ako. Balak pa nilang tumulong pero binawalaan ko na.

"I can do it."

Hindi na sila kumontra pa. Pinanood na lang nila akong nag lakad patungo sa classroom nila Kleo. Nang nasa tapat na ako ng room nila, sinilip ko ang loob pero hindi ko siya nakita. Mukhang wala pa siya. Pero malapit na ang first period nila. Nang makita ko si Ange, kinawayan ko siya.

"Andito ba si Kleo?" Napatingin silang lahat saakin. May iba pa ngang nakakunot ang noo.

"Andito siya!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Ryan pala. Umusog pa siya para tuluyan kong makita ang itinutiro niya. Si Kleo.

Parang tumigil ang mundo ko ng makita siya- just kidding. Naka headphone siya kaya hindi niya narinig ang sigaw ni Ryan. Tss. Panirang headphone yan! Kinalabit pa ni Ryan si Kleo. Nang lingunin siya ni Kleo, itinuro niya ako.

"May bisita ka." Ryan said and chuckled a bit.

Shit! My heart jumped when Kleo glanced at me.

"Pasok ka, Keisha." Nag pasalamat muna ako sa mga classmates niyang pinapapasok ako.

"Thank you." I said and smiled at them. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa loob at nag lakad patungo kung nasaan si Kleo. He was looking intently at me. I gave him a wide smile.

"Hi. Ahm.. F-Flowers?" I stuterred. Shit! Mabilis kong inilapag sa lamesa ng upuan niya ang orchids dahil sa panginginig ng kamay ko.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon