Pababa na ako ng hagdan para tignan ang bisitang biglang akong nalaglag. Malakas na tawanan ang narinig ko pag kabagsak ko."Ouch.."
"Sha, ang tanga mo!" Humagalpak pa ulit si Kuya.
"Gago. Ganito lang talaga ako bumaba!"
I glared at him. Hindi man lang ako tinulungan. Nakaramdam lang ako ng hiya ng makita si Kleo katabi ni Ryan.
"Oh, anong nangyari sayo?" Si Mama na kakapasok lang. Si Mama na din ang tumulong saakin sa pag tayo habang tuwang tuwa si Kuya na nag kwekwento kay Mama sa nangyari.
Nakatanggap naman ng sermon si Kuya dahil imbis na tulungan ako ay tinawanan niya lang ako. Sa huli, ako ang nag wagi.
"Keisha, ikaw na lang ang mag punta sa palengke." Inabot naman saakin ni Mama ang listahan at ang pera. "Masakit ang katawan ko."
"Sige po, mag pahinga ka nalang muna."
Tumango naman si Mama at umakyat na sa kwarto nila ni Papa. Nag palit muna ako ng damit bago bumaba. Naabutan ko naman si Kuya at Ryan nalang ang nasa living room. Umuwi na siya?
"Mabuti naman bumaba kana. He's waiting outside."
"Huh?" Nag tatakang tanong ko kay Ryan. Ngumiti lang siya at hindi na sumagot pa. Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad palabas.
Pag labas na pag labas ko, si Kleo agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa pintuan ng kotse niya habang nakatingin saakin. Nginitian ko siya at nilapitan.
"Bakit nandito ka? Nasa loob sila, Kuya."
"I'll come with you." He said calmly.
"Huh? S-Sasama ka?"
"Yeah."
Binuksan niya ang pinto ng front seat kaya pumasok na ako. Agad naman siyang umikot para makasakay na sa driver seat.
"Okay ka lang ba sa palengke? Kung hindi naman, dito mo nalang ako hi—" He cut me off.
"Sasama ako."
"Okay." I said and smiled.
Habang nasa byahe, binasa ko muna ang nasa listahan ipapamalengke. Madali lang naman iyon kaya matatapos din kami agad.
"We're here."
Sabay kaming bumaba ng kotse ni Kleo. Sa isdaan at karnihan muna kami nag punta ni Kleo. Pinapanood lang naman niya ako. Siya din ang naging taga bitbit ko sa mga pinamimili. Pansin kong halos lahat ng mga tindera ay nakasunod saamin ng tingin.
"Boyfriend mo, Shasha?" Isang kapitbahay naming tindera ang nag lakas loob na nag tanong.
Ngumiti lang ako sakanila bago sila nilagpasan. Sa gulayan naman kami sunod na pumunta.
"Marunong kang mamalengke?" I asked him. He shook his head.
"Si Manang ang namamalengke sa mansion." Napa 'O' ang bibig ko ng marinig ang salitang mansion. Malaman talaga sila. Sigurado ako, kwarto lang niya ang bahay dahil sa sobrang laki ng mansion nila.
"Ahh. Sa mall ka lang?"
"Hmm.."
Nang matapos kaming mamalengke, inaya ko na muna siyang mag meryenda sa lugawan.
"Masarap ang lugawan dito. Sigurado, magugustuhan mo."
"What's lugaw?" Tanong niya habang nakatingin sa tarpulin ng lugaw.
"Kanina na may sabay." Gusto kong magawa ng makita ang pag asim ng mukha niya.
"Seriously?" He whispered seriously. I nodded and chuckled.
![](https://img.wattpad.com/cover/191834359-288-k945633.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."