Chapter 13

3.1K 168 11
                                    


Marami akong natanggap na reklamo habang sumisingit sa mga tao nakapunta lang sa harapan. Sobrang lapad ng ngiti ko ng makarating sa harapan. Hindi ko pinansin ang masasamang tingin ng mga babae sa likod ko. Nakita ko naman agad si Kleo na kasama ang team nila Kuya. Nang mapatingin siya sa gawin ko, I waved my hand.

"Go, Love!" Nag flying kiss pa ako sakanya. At dahil sa sigaw ko, maraming napatingin saakin na dinedma ko lang. Si Kuya ay nakita ko ding tinignan ako bago napailing ilang.

"Boyfriend mo yang kasama ng Kuya mo, Shasha?" Lumapad ang ngiti ko sa mga tanong nila.

"Yes." I said confidently.

Isa ako sa may pinakamalakas na sigaw ng mag umpisa ang laban. Napapatalon din ako tuwing nakaka-shoot si Kleo. Ang galing niya talaga. Para fair. Sumisigaw din ako tuwing naaagawan ng bola si Kuya. Tapos muli akong napapasigaw pag muling naaagaw ni Kleo ang bola sa kalaban.

Fourth quarter ay malaki na ang lamang nila Kuya sa kalaban.

Malakas na sigawan ang natanggap nila ng manalo sila. Lalapit sana ako ang kaso naunahan ako ng mga babae hanggang sa hindi ko na nakita sila Kleo. Natabunan na ng mga hipon. Napangiwi ako ng marinig si Kuya na nag papasalamat sa mga bumaba sakanila. Lalapit na din sana ako ng mapahiyaw ako dahil may biglang sumila saakin. At dinala ako sa likod ng basketball court. Akala ko kung sino ang humila saakin, si Kleo lang pala. Napaatras nga lang ako ng sobrang sama na ng tingin niya saakin.

"B-Bakit?"

"Why did you do that?" He asked angrily. Nahinto ang pag atras ko ng masandal ako sa pader. Kinulong din ako ng dalawang kamay niya.

Kinakabahan akong nag ingat ng tingin para tignan siya. Sobrang dilim ng expresyon niya. Yumuko nalang ako para maiwasan ang nakakatakot niyang titig.

Nagagalit ba siya dahil sa sinabi kong boyfriend ko siya? "I'm sorry. Hindi ko na uuulitin kung yung pag sabi ko na boyfriend kita ang ikinagagalit mo."

He shook his head. "Those asshole is looking to your legs! Did you like it?" He asked angrily again. Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Dahan dahan ang din bumaba ang mata ko sa suot ko. I'm wearing white v neck shirt and black short shorts.

"I-Ito ba ang ikinagagalit mo?"

"Yes!"

Napapitlag ako sa sigaw niya. "Ahmmm. Mag papalit na ako."

Shit! Ang awkward! Mabilis akong nag lakad paalis. Narinig ko pang tinawag ako ni Kuya pero hindi ko na siya pinansin.

Pag labas ko ng basketball court saka ko lang narealize na kanina ko pa pala pinipigilan ang pag hinga. Nararamdaman ko din ang malakas na pag kabog ng dibdib ko.

Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong nag palit ng jogging pants. Siguro naman, okay na ito? Panay ang pag lingon ko sa pinto. Napaayos ako ng upo sa sofa ng makitang bumukas ng pinto.

Pumasok si Kuyang pawisan. Agad kong tinignan kung nasa likod niya ba si Kleo. Pero bagsak ang balikat ko ng makitang walang kasama si Kuya.

"Umuuwi na siya." Si Kuya na nakatingin na din pala saakin. Tumango lang ako at tumayo na.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Sa beach sama ka?"

"Tss."

Nilagpasan na niya ako at dumeretso siya sa kusina kung nasaan si Mama. Ako naman ay dumeretso na sa kwarto.

Habang nakahiga ay nag fe-facebook ako. Nag rereply ako sa mga hangal ng makita ang one notification ko. Pinindot ko naman agad ng matapos akong makapag reply.

Jan Kleo Collins accept your friend request.

Napaupo ako mula sa pag kakahiga. Tinitigan ko pang mabuti ang notification ko. Oh, shit! Totoo nga! In accept niya na ako!

Mag isa akong nag celebrate sa kwarto. Agad kong iniscreenshot at sinend sa mga hangal. Nung una ay hindi pa sila maniwala pero sa huli, tinanggap din nila ang katotohanan. Natatakot akong pindutin ang wall niya dahil baka may makita akong hindi kanais nais.

Pinakita ko pa ang Kuya ang pag accept ni Kleo saakin. Dahil matagal na niyang paulit ulit na sinasabing hindi ako papansin ni Kleo.

"Nadulingan niya lang yan." Panira talaga.

"At least, we're friends na!"

"Friend lang." Humahagakgak siya sa tawa kaya binato ko an unan na hawak hawak ko.

"Heh! Bwisit ka. Ikaw kasi walang love life!"

"Ikaw din naman."

"Ano bang pinag aawayan niyo dyan?" Agad naman kaming umiling ni Kuya kay Papa. Napangiwi pa ako ng akbayan ako ni Kuya.

"Nag bibiruan lang kami, Pa."

Bumalik kami sa pag babatuhan ng unan ng makaalis si Papa. Pati yung mesa gusto kong ihagis sakanya.

"Tama na yan. Kakain na." Sabay kaming napatingin ni Kuya kila Mama at Papa na halatang kanina pa kami pinapanood.

"Tapos na kayo?"

I nodded. "Yes po."

Sa dining ay pinag usapan namin ang pag pasyal kila Tita Winnie bukas. Kapatid ni Mama si Tita. Hindi makakasama si Papa dahil sa kanyang trabaho kaya kaming tatlo lang ang pupunta.

"Mag paalam kana sa chicks mo." Natatawang bulong ko kay Kuya. He just rolled his eyes. Damn!

"Wala ka talagang kwentang kausapin."

"Nag aaway na naman ba kayo?"

"Hindi po." Sagot ko kay Papa. Umiling din naman si Kuya. Si Mama naman ay pinapanood lang kami. Ayaw ni Papa na nag aaway kami sa harapan ng pag kain dahil masama iyon. Bata palang kami ay itinuro na nila ang tama at mali saaming dalawa.

Ang kaso si Kuya laging gumagawa ng mali.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng bahay. 9 o'clock. Tuwang tuwa si Tita sa pag bisita namin. Nagwekwentuhan sila Mama at Tita sa living room. Sila Kuya at Robert hindi ko alam kung saan pumunta. Ako naman, nag tour sa bahay ni Tita. Tuwang tuwa ako pag dating ko sa may garden. Ang gaganda ng mga flowers ni Tita. Dito na lang sana ako kumuha non kaysa sa orchids ni Mamang Rosa. Naalala ko pa ang pag wawala niya ng makita ang nangyari sa orchids niya. Wala naman siyang Madison dahil hindi niya nakita kung sinong maganda ang nanunguha. Pero yung araw din na yun ang pinagalitan ako ni Mama dahil alam niyang akong ang nanguha.

"Ma'am Keisha, mag meryenda na daw po kayo sa dining." Feeling rich ako pag nandito kila Tita. Nabasa niyo namang tinawag akong Ma'am diba?

Hangang hanga ako ng makita ang mga hindi familiar na pag kaing hinain sa mesa. Sa huli, nanggaya nalang ako. Kung ano ang kukunin ni Tita ay kukunin ko din. Kung paano niya kainin ay ganon din ang ginagawa ko. Nahinto lang ng palihim ako ni Mama.

"Umayos ka, Keisha Marie!"

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon