-Nag text muna ako kay Mama para makapag paalam na baka hindi ako makauwi dahil binabantayan ko si Kleo. Nag mareceived ko ang approval ni Mama ay nag tungo na ako sa kusina para makapag hugas.
Nang matapos ako ay bumalik na ako sa kwarto ni Kleo. Nahiga ako sa tabi niya at niyakap siya.
Amoy na amoy ko ang natural niyang bango dahil sa ginawa kong pag yakap sakanya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako wala na si Kleo sa tabi ko kaya agad akong napabangon.
Pag labas ko sa kwarto ay naamoy ko ang adobong niluluto mula sa kusina. Sa kusina ako nag tungo kaya nakita ko si Kleo na nag luluto. Teka, magaling na ba itong mokong nato?
Nang makalapit ako kay Kleo ay hinack hug ko siya.
"Magaling kana?" I asked him.
He nodded. "Yeah. I'm fine." He said and kissed my forehead.
I chuckled. "Talaga? May sinat kapa oh!" Sabi ko ng madamang medyo mainit pa siya.
"Hindi kaba nahihilo?" I asked worriedly. Pag kasi ako ang nilalagnat, isang linggo bago ako gumaling. Idagdag pang mahina talaga ako pag nilalagnat.
He shook his head. "Are you hungry? Let's eat."
"Sige. Mukhang masarap talaga yang adobo mo eh." Natatawang sabi ko at tinulungan siya sa pag hahain.
"Coffee?"
"Sure."
Tumayo ako para ipag timpla siya ng kape. Juice lang ang akin dahil hindi naman ako nag kakape.
"Here." Inilapag ko na sa lamesa ang kape.
Hindi naman sa pag mamayabang pero masarap talaga ako mag timpla ng kape.
Sobrang lapad ng ngiti ko habang pinapanood siyang iniinom ang kape.
"Masarap ba?"
"Yeah." He said honestly.
Masarap talaga ang niluto niyang adobo kaya naubos naming dalawa ang niluto niya. Busog na busog ako ng tumayo sa upuan. Sa living room kami nag tungo ni Kleo.
"Uminom kana muna pala ng gamot." Bumalik ako sa kusina para kunin ang paracetamol at kumuha ng isang basong tubig.
"Let's sleep again." Kleo whisper in my ear. Napakunot ang noo kong nag angat ng tingin sakanya.
Nakahiga ako ngayon sa hita niya habang nanonood kami ng balita.
"Nanaman? Inaantok kana ba?"
"Yeah." He said calmly. Wala akong nagawa kundi ang sumang ayon. Kailangan niya pa nga pala ng pahinga.
Nagising ako ng 12 am. Napalingon ako sa katabi ko na mahimbing na matutulog. Maaliwalas na ang mukha niya. Kinapa ko ang noo niya at hindi na nga siya mainit. Bumaba ang kamay ko sa kanyang mata. I touched his eyes down to his pointed nose and to his red lips. Ang gwapo talaga ng soon to be husband ko.
Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti ng mag mulat siya ng mata.
"Good morning." I greeted.
"Morning, baby." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya nalang akong halikan. Tinulak ko siya at pinalo sa braso.
"Ano ba, Kleo! Hindi pa ako nag to-toothbrush!"
He just laughed out load.
"Ewan ko sayo. Matulog na nga lang ulit tayo—saan ka pupunta?" Napakunot ang noo ko ng bigla siyang bumangon. Nag tungo siya sa walk in closet niya saka may kinuha. Inihagis niya saakin ang isang white v-neck shirt at jogging pants.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Humor"You will always be mine and I will always be yours."