Chapter 1: Fateful Encounter

3.1K 128 102
                                    

A/N: Eto na, eto na!! hahaha.. na-excite ako bigla sa pagsulat netoh. 

Dedicated to KimMinHa dahil avid reader ko sya :D hehe

Sana mag-enjoy kayo :)

Yan pala yung itsura ng Vinzons Hill/Hall sa UP Diliman.. di lang nakuhanan yung tinutukoy kong stall ng fishballs :D

------------------------------------------------------------------------------------------


Masaya si Clementine Tongco aka Lem dahil tapos na ang summer classes at bakasyon na for two weeks. Kasalukuyan syang nakatayo sa may fishball-an sa paanan ng Vinzons Hill para ipagdiwang ang kanyang kalayaan mula sa school work. Magme-merienda muna sya bago pumunta sa National Book Store sa Katipunan. Nag-order sya ng shomai kasi paborito nya yun.

“Ate, meron po ba kayong egg waffle?” narinig nyang tanong ng isang batang mukhang freshie. May kasama itong kaibigan. Parehas na mukhang mayaman. Sa tono pa lang ng pananalita eh.

Conyo. Conyo everywhere… ang naiisip ni Lem habang kumakain.

Kumunot ang noo ni Ate tindera. “Wala. Ano ba yang egg waffle? Wala atang tindang ganyan dito.”

Nagtinginan ang dalawang freshies, parang nagtuturuan kung sino magsasalita. “Yun pong small eggs na may orange coating.”

Anak ng tinapa! Kwek-Kwek! Tokneneng! San naman nya napulot ang ‘egg waffles’ na yan. Amp!

 

Di nakatagal si Lem dahil nag-iinit lamang ang dugo nya pag naririnig nya ang conyo language na sya ring medium of communication ng madrasta at mga maldita nyang kapatid sa bahay ng lagim. Madalian nyang inubos ang apat na pirasong shomai bago tumawid ng kalsada at sumakay na sya ng jeep na may pulang bubong. Yun kasi ang papuntang Katipunan.

Medyo maluwag sa jeep, pwedeng mag-side view para makaharap sa bintana. Malapit na sya sa NBS at napapangiti na si Lem dahil makakabili na sya ulit ng bagong libro. Yun kasi ang hobby nya pag maraming oras. Ang magbasa.

Oh, crap! I don’t have barya. Who can lend me seven pesos?” tanong ng lalaking katapat nya at nagpantig na naman ang mga tenga ni Lem. “Bro, are you gonna ANSWER it muna?”

 

Nag-snap na nang tuluyan ang pasensya ni Lem. “PUNYETA!” sigaw nya, sabay tingin sa katapat nyang shocked na shocked ang itsura. “SAGUTIN mo muna! Tingin mo ang English translation nun ‘ANSWER it muna’? Talaga?” hamon ni Lem at natameme lang ang dalawang kawawang estudyante.

Napahinto din ng di-oras si Manong Driver. Sakto lang. Nasa tapat naman na ng National. Pinauna na muna ni Lem na bumaba yung matanda bago nya iniwan ang eksena sa jeep.

“Pwede naman kasing Tagalog sabihin, kelangan pang i-English eh,” patuloy nyang pagbulong habang naglalakad. "Buti sana kung tama ang pagkaka-translate."

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon