A/N: Dedicated to akomismoi.. dahil namiss ko sya.. hahahah
Nasa kanan po ang itsura ng Shopping Center (SC) sa UP Diliman :D Ahh.. ung Coop (Cooperative) lang ang nakuha.. grocery store un.. ung nasa tabi nya.. un ang shopping center.. kumpleto dun.. may mga kainan, school supplies/bookstore, photocopying centers, computer shops, meron ding pharmacy, optical shop, salon, tsaka mga boutique :)
-------------------------------------------------------------
Nagkaroon pa ng mahaba-habang pagtatalo bago pumayag si Lem sa set-up na simula ngayon, magkakasama sila ni Sai sa iisang bubong. Sa tagal nyang makapagdesisyon, umalis na sina Redd at Jet dahil may kanya-kanyang lakad pa ang dalawa.
"Fine! Magkano ba ang rent dito para makikihati nalang ako sa bayarin?" naiinis na tanong ni Lem.
Nagkibit-balikat si Sai. "I'm not sure eh. Siguro between fifteen to twenty."
"THOUSAND?!"halos sigaw ni Lem at tumango ng tipid ang isa. Bigla tuloy syang kumambyo. "A-ah, eh.. wala bang student discount? Kung makikihati ako sa bills, baka hindi na ako makapag-aral, hehe." Sa estado kasi ng natutuyot na bank account nya, alam nyang di nya kakayaning magbayad ng sampung libo kada buwan. Kaya nga nag-boarding house sya kasi 1,500 lang ang binabayaran per month. All-in na yun pati kuryente at tubig.
"You're paying for YOUR own tuition?" di-makapaniwalang sambit ni Sai at di umimik ang future housemate nya. "Why? Don't your parents make bayad--". Hindi nya natuloy ang tanong nya dahil sinenyasan sya ni Pinky na it's not something Lem wants to talk about.
Sumatsat na rin si Slater. "Ako nalang magbabayad ng share mo, Lem." Pero hindi sya narinig ng dalaga na nakakunot ang noo, halatang nagko-compute sa isip.
"Ahh, pwede na ba ang 3,000? Sagad na yun eh. Ako nalang din maglilinis ng bahay," suggestion ni Lem.
"Magaling din magluto yan, Sai," pang-uudyok pa ni Pinky.
Nagtaas ng kamay si Slater. "Kung magluluto ka dito, pwedeng dito na rin ako manuluyan?"
"Dude, I don't want room mates. Unless, papayag sya to share her room with you," sabi ni Sai at hopeful na hopeful si Slater na tumingin sa sinusuyo nya.
Tinignan sya ng masama ni Lem. "Pwede ba, Slate? Wag ka nang makisawsaw. Nakakagulo ka lang eh." Hindi nya pinansin ang manliligaw nung nag-pout ito dahil nakatingin sya kay Sai at hinihintay syang magsalita. "Sige, magluto, maglaba, maglinis. Keri ko yun lahat, dude."
Sa di-malamang dahilan, natawa si Sai. Siguro kasi first time nyang marinig na tawagin syang 'dude' ni Lem, at hindi 'hoy, hayop, tarantado, gago'. "Forget it. This won't take long naman siguro. Precautionary measures lang naman eh. I don't mind if you don't pay at all."
Sabay na napabuntong-hininga sila Slater at Pinky. Kabisado na nila ang ugali ng kaibigan pagdating sa ganitong usapin.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...