Chapter 20: Closer Still

1.4K 83 25
                                    

A/N: Ito po ang nangyari sa kinahapunan ng pagdalaw nina SaiLem sa ospital.  Masyado kasing mahaba kung sa iisang chapter lang nakasulat lahat kaya hinati ko -___-“

Dedicated to koyang AlexisNath.. hahaha :D Pakape ka naman next taym!!! lels

-----------------------------------------

Nagpanggap si Clementine na masakit ang ulo nya kaya nakasandal lang sa headrest ng passenger’s seat, habang tinatahak nila ang kahabaan ng Katipunan Avenue sakay ng kotse ni Cyann. Hindi nya kayang kausapin ang binata pagkatapos nitong nakawan na naman ng halik sa pisngi si Lem. Habang kumakain din sila sa loob ng hospital suite kanina, isiniksik ni Lem ang sarili sa tabi ni Ate Carlene malapit sa wall para hindi lang makatabi si Cyann.

Parang sa bawat araw kasi, mas nagiging forward si Cyann.

Kung dati, puro pang-aasar lang ang ginagawa ng binata sa kanya, ngayon parang palala nang palala. May yakap at halik nang kasama. Hindi tuloy alam ni Lem kung ano ang iisipin at mararamdaman sa mga inaasal ni Cyann.

Inaasar lang ba sya nito? O may iba nang kahulugan ang mga galaw nito?

O baka naman, sumasagot lang si Cyann sa ‘natural tendencies of a guy’. Baka frustrated na masyado ito at kailangan nang may ‘makasamang’ babae at dahil nga sa kalagayan nila, wala itong choice kundi i-project lahat ng iyon kay Lem.

In short, isang malaking hadlang si Clementine at ang sumpa sa mga natural urges ni Cyann.

Halos lumundag sa lalamunan nya ang kanyang puso nang maramdaman ang palad ni Cyann sa noo nya.

“You okay? Are you sick? You wanna drop by the condo first para you can rest muna?” sunud-sunod na tanong nito.

Pinigilan ni Lem ang sariling tumingin kay Cyann kaya umayos na lang ng upo at tumingin sa labas ng bintana. “H-hindi na. Naghihintay na sila Pinky eh. Tsaka.. tumatakbo ang oras, baka hindi pa ako makapag-enroll.”

“Ahhh, okay. Anyway, can I borrow your Form 5?”

“Ha? Aanhin mo naman Form 5 ko?” Sa pagtataka ni Lem, napatingin sya kay Sai. Buti nalang, nakatutok ang atensyon nito sa daan.

I’ll apply for Change Mat. I figured mas maganda kung we’re together in almost all subjects. Paano na lang if we swapped bodies in the middle of an exam, diba? Mahirap yun,” pagpapaliwanag niya.

Change Matriculation ang ibig sabihin ni Sai. Ginagawa yun kapag may gusto kang papalitang subject pero nakabayad ka na ng tuition. Tapos, magbabayad ulit kung may karagdagang fees yung naturang subject na yun. Ngayon lang napagtanto ni Lem na magka-course nga pala sila. Hindi lang naging magkaklase ever.

May point naman si Sai eh.  Kaso, makakaya ba ni Lem na magkaklase na nga sila, housemates pa? Sa estado nila ngayon, parang delikado yata sya… lalo na ang puso nya.

“Lem?”

Kinalkal nya ang sling bag nya at inabot kay Sai ang kapirasong papel na naglalaman ng schedule nya sa first sem… na inaasahan nyang mapapasukan nya, kung magawan nila ng paraan ni Pinky. Inabot nya iyon kay Sai. “Ingatan mo yan. Mawala na lahat ‘wag lang yan.”

“Ganon? You won’t get worried kahit ako ang mawawala?” parang may pagtatampong bulong ni Sai na malinaw na narinig ni Lem.

Pinili nalang nyang hindi sumagot at pumikit na lang. Dinadalangin na sana makarating na sila sa UP Ayala Technohub kung saan naghihintay na ang magkasintahang sina Pinky at Jet.

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon