Chapter 14: In Need of Company

1.7K 77 24
                                    

A/N: HAAYYY.. sa wakas natapos din. Ang haba neto -__-" hahaha.. pero tawa ako nang tawa sa mga pinagsususulat ko dito! :D

Sa mga sumusubaybay ng HoC... may mami-meet kayong bagong characters :) Para malaman kung sino sila.. basahin ang:

"The Proxy Wife" ni wyngardium_leviosa at ang

"Viper" ni LaceyErin

basahin nyo yang mga yan.. iyak-tawa kayo sa TPC na patapos na.. at yung Viper.. kakastart pa lang... ma-action yan :D mahal ko ang mga authors

nasa multimedia section ang book covers ng mga stories nila :D

Dedicated to Ysstar.. kasi kasi.. silent reader ko sya.. na nagparamdam na ngayon!! hahahaha

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Katatapos lang ng practice nila Cyann at kasalukuyang nagbabatuhan ng mga green jokes sa locker room kasama ng kanyang mga team mates. Dapit-hapon na noon at nagbibihis na lamang sila dahil napagkasunduan nilang gumimik.

"Pare, bakit parang mas malaki ang right arm mo kesa sa left?"

"Tennis pare. I play over the weekends--"

"Hoooo!!! Sabihin mo, you're making love with your hand again--!"

"Gagu!"

"Hahaha, taena pare. Gawain yan ng forever alone ah? Why don't you look for a girl who can give you much more?"

"Gago talaga kayong lahat."

"Hahahahaha!!!"

Napailing si Redd habang nag-i-spray ng kaunting pabango at inayos muli ang buhok sa harap ng salamin. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad. "You're all crazy. Aren't you leaving yet? Coz I'm gonna go ahead."

"Wut?! Hindi ka sasama sa gimik? Wala naman practice bukas ah. Come on, dude. Minsan-minsan na nga lang tayo mag-inuman, di ka pa sasama?"

Tipid na ngumiti ang binata at sinukbit na ang duffel bag nya sa kanyang balikat. "I can't, sorry. I have other appointments."

"Babae yan noh?" tanong ng isa sa kanila.

"Bye, guys," mariing paalam ni Redd at lumabas na ng locker room. Ngunit pagkaalis nya, nagkaroon ng plano at grupo.

"Cap, sundan mo para hindi halatang we're spying on him. Then tell us kung ano mga nakita mo. Tagal nang may tinatago yan eh, hindi namin mahuli-huli," sulsol ng isa at dahil katuwaan nga lang, sumang-ayon naman si Cyann.

From the locker room, nakita nyang mabilis ang paglalakad ng kaibigan kaya naman maingat nyang sinundan ito. Nagtago pa sa pader nang makaabot ang kaibigan sa parking lot bago ito tumingin sa relos nya. Sino kaya ang hinihintay ng gago? Maya-maya pa ay may dumating na puting Vios, teka, kilala nya ang plate number nun ah.

He was right.

Lumaki ang ngiti ni Redd nang bumaba si Nicole mula sa driver seat at sinalubong ito ng malalim na halik. Lumipat sa passenger seat si Nicole na pinagbuksan pa ng pinto ni Redd bago ito pumasok sa  kotse na mabilis ding umalis.

The hell did he just see? Redd and Nicole are going out together?

Shit. Bakit parang ang sakit? Mula sa kinatatayuan nya, napasandal sya sa pader at tila nawalan ng lakas.  Paano nangyari yun? Kelan pa? Akala nya sila ni Nicole --ang cheerleading goddess-- ang nagkakamabutihan, hindi si Redd. Did he read it all wrong?

SaiLem One {Head-On Collision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon