A/N: Dahil na-miss kita ng bongga.. marami akong ipapabasa.. hahaha. Congratulations, isa ka nang malayang nilalang :D hahaha.. Maligayang bati sa iyong pagtatapos, RACHEL!!! :D
=================================================
Maririnig mo ang pagbagsak ng karayom sa sahig dahil sa sobrang tahimik sa buong unit ni Cyann. Tumigil yata ang oras dahil nabato silang tatlo sa kani-kanilang mga kinatatayuan: Si Lem na nakaharap sa stove, si Tita na nakatingin kay Cyann, at si Cyann na nakakapit sa door jamb. Bakas na bakas ang masidhing pagkagulat sa kanilang mga mukha.
Si Tita ang unang gumalaw at naglakad. Sa taranta ni Lem, pinatay nya ang stove, buti nalang, naggigisa pa lang sya ng sibuyas. Tumalikod syang kagat-kagat ang labi nya. Inaasahan nyang sasampalin ni Tita si Sai dahil sa itsura nyang walang shorts at gusto nyang sapakin ito dahil alam nyang wala ring bra si Sai dahil naaasiwa daw sya pag natutulog na nakasuot iyon.
Ini-imagine na ni Lem ang eksena hanggang naging slowmo ang paglapit ni Tita kay Sai na rooted to the floor at parang nakakita ng multo. Tumigil si Tita sa harap ni Sai at halos huminto ang puso ni Lem sa pagtibok--
"Oh my God!" sabi ni Tita na tuwang-tuwang niyakap si Sai na shocked pa rin. "I knew it was a girl. And thank God, my Son is still straight! What a relief!" Bineso-beso pa nya ang magkabilang pisngi ni Sai na hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan kahit nakahawak pa ang isang kamay sa puson nya.
"Ahhhh---" sasabat sana si Lem pero 'in the moment' si Tita.
"Thank you. Thank you for making my son a better person," dagdag pa ni Tita at niyapos muli ng mahigpit si Sai. "I'm Tita Josephine, but you can call me 'Mom'. I'd be really glad my Son finally has a wonderful girlfriend.."
Sa pagkakarinig nun, parang nabuhusan ng malamig na tubig si Lem at natauhan. Daglian syang lumapit sa mag-ina. "Ahhh... y-you're mistaken po, he-she...I.. we're not together po."
Mahinang pinalo ni Tita Josephine ang balikat ni Lem. "And who are you kidding? She's in YOUR room in nothing but T-shirt and undies on." Taas-baba pa ang mga kilay ni Tita habang si Sai ay mukhang namumutla, hindi pa rin makapagsalita at parang nakakita pa rin ng multo.
"Lem~" mahinang sambit ni Sai at mukhang hihimatayin. Napahiyaw ng kaunti si Tita habang tumakbo si Lem para saluhin sya at akayin pabalik ng kwarto.
Nataranta si Tita Josephine at nilabas ang Galaxy S3 nya. "I'll call an ambulance--"
"Wag na po, Tita-ahh... Mom.. She's just having PMS po," sawat ni Lem at inihiga sa kama si Sai.
Tita Josephine gasped exaggeratedly at ibinaba ang telepono. "Pre-marital sex?!" Tumawa sya nang maubo si Lem. "I'm just kidding. A bad case of dysmenorrhea eh?" Naghalungkat sya sa bag nya at may inilabas na boteng kulay green. "Can you please get a glass of water?"
Agad namang tumalima si Lem at pagbalik nya sa kwarto ni Sai, nakaupo na si Tita Josephine sa kama at hinahaplos-haplos ang buhok ni Sai na sya namang nakatagilid at nakabaluktot. Umikot ang mga mata ni Lem. Hindi naman kasi masakit ang puson nya kapag nagkakaroon sya. Kailangan lang nyang gumalaw-galaw. Mas masakit pa nga kapag nakahiga sya at walang ginagawa eh.
"Dear, drink this. It'll help with the pain." Tinulungan ni Tita na makaupo si Sai bago naglagay ng isang soft gel ng Omega 3 sa palad ni Sai at ipinainom ito sa kanya bago bumalik sa pagkakakukot ni Sai at nagawa pa talagang humiga sa lap ni Tita. Kung sabagay, nanay nga naman nya yun. Na-touch naman si Tita at hinaplos-haplos ang likod ni Sai. "Do you have bananas here?"
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
ComédieEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...