A/N: Bitin ba yung last chapter? Hahaha.. ako rin eh, nabitin.. sorry naman at natorpe ng di oras si Sai-Sai.. hahahah. Sayang, sabi nga ni Mareng Maui, in the moment na nga si Lem eh. Tss... tuloy, di natin alam kung mapagbibigyan pa niya si Sai-Sai.. lels
Nararamdaman nyo na ba ang pagtatapos neto? hehe
---
"Because I like you," sinabi ni Cyann. Hindi iyon bulong, o ungol. Malinaw ang pagkakasabi nun at napatulala ng di-oras si Clementine. Natural impulse nya ang tumayo at tumakbo. Pero ngayon, hindi nya nagawa yun. Napako ang buong katawan nya sa kama. This was so sudden. Hindi sya nakapaghanda. Katatapos lang nilang mag-away tapos ganito agad?!
"Just to be clear," pagpapatuloy pa ng binata. "It's... it's not yet 'love' okay? So... 'wag ka munang umasa that I'll be courting you anytime soon."
Okay na sana eh. Bigla lang may kambyo ang hinayupak. Kaya nahampas lang naman ni Lem ng unan si Sai na tumawa naman. "At baket naman ako aasang manliligaw ka? Hayup," alma ni Lem pero ang totoo, parang naging hyper ng puso nya sa mga narinig. Tumatalon lang ang kanyang heart na parang gustong kumawala sa dibdib nya.
"I'm just being honest, okay? I'm not yet sure eh. I keep thinking that this attraction is just because of the curse coz we're almost around each other lagi. Ganun yun, right? You'll eventually 'like' the one you spend the most time with kahit hindi naman intentional," pagpapaliwanag ni Sai.
"Tama, tama. Ganun nga yun. 'Wag kang mag-overthink. Lilipas din yan," sulsol pa ni Lem.
"BUT... if after the curse is gone and I still feel the same way or more about you... then, manliligaw ako."
Grabe! Paano nya nasasabi ang mga iyon with a straight face and in a non-challant voice?! Nagugulantang ang puso't diwa ni Clementine sa mga sinasabi ni Cyann. Naka-drugs ba 'to?
"A-ah...ehh.. b-bakit kailangan mo pang sabihin yan sakin?" kinakabahang tanong ni Lem.
Naramdaman nyang gumalaw si Cyann dahil yumugyog ng kaunti ang kama. "Para you won't run away. Tsaka if ever, you won't be surprised pag naging sweet na ako sa'yo."
Ha?! Hindi pa sya sweet sa lagay na yon?! Anak ng tinapa! Paano na lang kung na-in love nga sya..."Ehhh... pa'no kung hindi ako pumayag magpaligaw?"
"Tss. The hell I care about your opinion. Decision ko yun. Besides, whether you'll feel the same way about me or not, in the end, YOU WILL eventually be mine."
Hinablot ni Lem ang isang unan at sinubsob yung sa mukha ni Sai. "Napaka-hangin mo talaga! Grabe! Wala akong masabe! At paano ka naman nakasiguro ha? Paano kung may magustuhan akong iba? Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo noh."
Tinanggal ni Sai yung unan na hinampas sa kanya ni Lem at inusog ung iba pa na naghihiwalay sa kanila ni Lem. Nang nakita nya ang mukha ng dalaga, saka sya nagsalita. "I'll fight for what I want. Kahit pa in an under-handed way. I ALWAYS GET WHAT I WANT, Clementine." Pagkatapos ay binalik nya sa pagkakaayos yung mga unan.
Hala? Bakit parang may halong pagbababanta yon? Para matanggal ang tensyon, nagsabi-sabi na lang si Lem. "Napaka-spoiled brat mo talaga."
"Hindi ako spoiled. I was trained to be goal-oriented."
---
Naalimpungatan si Lem dahil naririnig nyang may maingay sa labas ng kwarto. Nung binuksan nya ang mga mata nya, yung mga magkakapatanong na unan ang una nyang namataan. Bago 'to ah. Cyann did not breach her personal space.
BINABASA MO ANG
SaiLem One {Head-On Collision}
HumorEverything happens for a reason. Kadalasan, shit happens to teach you a life-changing lesson... Tulad ng nangyari kila Cyann Mabanta at Clementine Tongco. *NO SOFT COPY *Karamihan ng mga pangyayari at lugar na mababasa sa kwentong ito ay hango sa to...